PANAY pa rin ang paghikbi ni Sandra, kaninang magising siya at bumungad sakanya ang madilim at tahimik na kwarto ay wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Nakita niya ang mga gamot, pagkain at prutas na nakapatong sa mesa niya. Pinunasan niya ang luha at tumitig sa kisame.
'Mama.... mama..'
Natigilan siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Bumaha ng takot ang dibdib niya sa isiping baka si Julie 'yon.
"Sandra?"
Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses ni Delifico. She tried not to cry, pero hindi na niya maitatago 'yon dito. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang nakatayo si Delifico.
"Nagugutom kaba?"
Napalunok siya nang mahimigan niya ang masuyong boses nito, hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito kanina. Naiinis siya sa sarili dahil wala naman siyang karapatan. Tahimik na tumagilid siya ng higa patalikod dito. Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito.
"Kumain kana, sabi ni manang hindi kapa kumakain kanina pa." Anito. Hindi siya gumalaw, naramdaman niya ang paglundo ng kama mula sa likuran. Napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya.
"Kumain kana para magkalaman 'yang tiyan mo at mapainom kita ng gamot."
'Pake mo ba?!'
Marahas niyang binawi ang braso dito saka bahagyang umurong palayo dito.
"Tsk... gusto mo bang sapilitan kitang itayo diyan?" May bahid na ng inis na sabi nito.
'Ikaw pa nainis huh! Eh kung hayaan mo na lang ako?!'
Pilit niyang itinikom ang bibig para hindi magsalita.
"Fine. Do you want me to force you to eat huh Sandra? Mabibilaukan ka sakin kapag ako ang nagpakain sayo."
Napairap siya. 'Tignan mo! Hayop ang ugali?!'
Muli siyang hinawakan nito sa braso, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito nang i-upo siya nito sa kama.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Good. Takot ka naman pala eh..."
Pinigilan niya ang sarili na 'wag bulyawan ito. 'Takot mo mukha mo!'
Umatras siya dito, niyakap niya ang mga tuhod habang nakatulala sa paanan. Napansin niya pa ang hawak nitong pulang kahon.
"Look, may pasalubong ako sa'yo. Kaya lang nasira 'yung lagayan eh, but don't worry. Buo pa naman 'yung mga cookies."
Kahit hindi siya direktang nakatingin sa mukha nito alam niyang nakangiti ito sakanya. Nilapag nito sa harap niya ang isang box. Doon tumuon ang mata niya.
"Oh kumain kana.... pagkatapos mong kumain bubuksan ko na 'yung box ha?" Masuyong sabi nito. Hinawakan nito ang baba niya at iniharap dito.
"Ah...." Nakangangang sabi nito habang nilalapit sa bibig niya ang kutsara. Sapilitan naman niyang binuka ang bibig habang nakatuon ang mata niya sa mukha ni Delifico.
'Ba't hindi kapa umaalis dito? Bakit nakikipaglapit ka sakin? Ibang tao ako sa'yo Delifico....'
Marami siyang gustong itanong dito pero hindi niya magawang sabihin dito. Marami siyang conclusion sa ginagawang paglapit nito sakanya, baka mamaya nakikipaglapit ito sakanya dahil kay Julie, alam niya ang ugali ng babaeng 'yon. Lahat gagawin nito makuha lang ang bagay. Pano rin kung alam nito ang tungkol sa kayamanan na iniwan ng ama niya? 'Yon lang ang naiisip niyang paraan kung bakit ito nakikipaglapit sakanya.
"Done..." Nakangiting sabi nito nang matapos siya. Akmang hihiga siya nang pigilan siya nito.
"Sandali lang 'yung cookies. Tikman mo oh." Sabi nito habang binubuksan ang cookies na dinala nito. Basta lang siyang nakatingin dito, ilang sandali niyang tinitigan ang mukha nito at akmang hihiga muli siya nang hawakan naman siya nito sa braso.
"Ayaw mo ba? Sige bukas mo na lang kainin. But can I talk to you first?"
Natigilan naman siya. Nakita niyang nilapag nito sa mesa ang box ng cookies pagkuway hinarap siya. Kinabahan siya sa maaring itanong nito sakanya, pano kung malaman nito na nagkukunwari lang siya?
"Look at me Sandra. Alam ko na naiintindihan mo 'ko, alam ko rin na hindi ganon kalala ang deperensya mo."
Napakurap siya at tiningala ito. Nanginginig na hinila niya ang braso mula dito saka umurong palayo.
"Sandra kung ano man 'yu----
Natigilan ito at pailalim na tumingin sa bandang pinto. Bumuga ito ng hangin at binalingan siya.
"Babalik ako mamaya, may gagawin lang ako." Sabi nito saka tumayo. Nasundan naman niya ito ng tingin, nang makalabas ito ng kwarto niya ay napahawak siya sa dibdib.
'Alam na ba niya? Pero paano?'
Patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib niya habang nakatingin sa nakasarang pinto. Hindi nagtagal ay muling bumukas 'yon, hindi niya napigilan ang sarili na mapaatras nang makita si Delifico, hawak nito sa isang kamay ang lata na spray. Nilapag nito 'yon sa sahig katabi ng drawer niya saka lumapit sakanya.
"Now. Can you please tell me what's happening here?" Malamig na tanong nito. Napatitig siya sa mukha nito.
"Sandra, hindi totoong may sakit ka hindi ba?" Muling tanong nito. Humigpit ang kapit niya sa damit, iniwas niya ang tingin dito. Tinakpan niya ang dalawang tenga at saka humimig.
"Tsk! Stop that! I won't buy it..." Inis na sabi nito, tumigil naman siya. It's useless, mukhang may nalalaman nga ito. Pero kahit na anong mangyari wala siyang sasabihin dito tungkol sa pamilya niya at kung anong tinatago niya. Matalim ang mata na tumingin siya dito.
"I don't trust you Delifico...." Malamig na sabi niya dito at sinalubong ang titig nito. Natigilan naman ito sa sinabi niya at natawa ng mahina.
"Atleast you talk to me Sandra..." Nakangiting sabi nito, kumunot naman ang noo niya. Naiiling na tumatawa pa rin ito.
'Anong nakakatawa sa sinabi ko?!'
Napapitlag siya nang hawakan siya nito sa braso at hinila siya papalapit dito.
"Bitawan mo 'ko..." Madiing sabi niya dito, ngunit patuloy pa rin ito sa paghila sakanya. Natigilan siya sa pagpiglas nang yakapin siya nito.
"Don't worry, your secret is safe with me." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya, nagtatakang tiningala niya ito. Nakita niyang nakangiti ito. Bahagya niya itong tinulak saka siya lumayo dito. Muli siyang humiga patalikod sa direksyon nito. Pumikit siya ng mariin.
"Goodnight Sandra... Babalikan kita bukas." Sabi nito. Narinig niya ang yabag nito palayo.
"Sandra..." Tawag nito. Napadilat naman siya.
"You can trust me...."
Hindi siya umimik, ilang sandali lang ay narinig niya ang pagsara ng pinto ng kwarto niya. Muli siyang dumilat at tumingin sa pinto.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...