"GANON ba? Sige mamaya pupunta ako diyan. Kumpleto ba lahat ng impormasyon? Good, thank you dude."
Unti-unting dinilat ni Sandra ang mga mata nang marinig niya ang boses na 'yon, Alam niya na galing ang boses na 'yon mula sa balkonahe ng kwarto niya. Tumitig siya sa kisame, mukhang malapit nang gumabi. Kalat na ang dilim sa loob ng kwarto niya. Tanging ang ilaw lang mula sa balkonahe ng kwarto niya ang bukas.
'Mamaya kailangan ko uling maglibot dito. Baka sakali na may makita ako mula sa gamit nila Julie... Sandro.... mama. Ililigtas ko kayo, kung huli man gagawin ko ang lahat para magkita uli tayo...'
Nag-init ang sulok ng mata niya nang maalala ang magulang at ang kambal. Kaninang pumasok si Julie sa kwarto niya ay sinaktan na naman siya nito. Nararamdaman daw nito na hindi siya baliw. Gusto ng mga ito na kunin mula sa kanya ang bank book, titulo ng mansion maging ang palayan nila sa Zambales. Alam ng mga ito na hawak niya ang lahat ng 'yon, pero hanggat kaya niyang magkunwari walang mahihita ang mga ito sakanya. Kahit pa ikamatay niya 'yon....
Natigilan siya nang biglang bumaha ang liwanag sa kisame.
"Gising kana pala..." Sabi ng boses na 'yon. Napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya, hindi niya pa rin alam kung bakit pakiramdam niya ay gusto nitong ma-involve sa kagaya niya considering na boyfriend ito ni Julie. Nagulat siya kanina sa paraan ng pag-uusap ng mga ito, she knew Julie when it comes to men. Lahat ng lalaki para kay Julie ay utusan lang, wala itong pakialam kahit pa tinatapakan nito ang karapatan ng isang lalaki. Kaya iyon ang nagustuhan ni Cedrick dito.
Gusto niyang sumimangot nang maalala ang mukha ng hayop na lalaking 'yon!
Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan. Hindi siya kumurap kahit isang beses, pero ang totoo ay kinakabahan siya ngayong kaharap niya ang boyfriend ni Julie. Napatitig siya sa maamong mukha nito, mahilig talaga sa mga singkit na lalaki si Julie. Mukha pa ngang may halong ibang lahi ang kaharap niya base sa awra ng mukha at mata nito. Pero aaminin niya na sa lahat ng nakita niyang boyfriend ni Julie si Delifico ang pinaka-gwapo at may kakaibang dating para sakanya. A kind of man that every woman dreams. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ang o nararamdaman niya ang presensya nito may kung anong bagay na lumulukob sa pagkatao niya.....
At hindi maganda para sakanya ang pakiramdam na 'yon...
Nakita niyang kinuha nito ang isang pinggan na may lamang pagkain. "Oh... hindi na kita ginising kanina dahil tulog na tulog ka." Anito saka inuwang sa labi niya ang kutsara. Bahagya niyang iniwas ang labi.
"Kumain kana. Gusto mo bang ako ang mag-untog ng ulo mo sa pader?" Nandidilat pa ang mata na sabi nito sakanya. Gusto niyang irapan ito.
'Hindi na bago sakin 'yon! Parehas kayo! Kayo na malapit kay Julie!'
Hindi niya magawang itago dito ang luha dito. Mahirap para sa sitwasyon niya ngayon kung sino ang dapat na pagkatiwalaan niya. Lalo't minsan nawawalan na siya ng pag-asa na makita ang kambal at ina.
"Oh... 'di kita pinaiyak diyan ah.." Sabi nito, ilang sandali pa siyang tinignan nito pagkuway pailing na binalik ang pinggan sa tray na nakapatong sa mesa. Hinila nito ang silya papalapit sakanya at pinunasan ang luha niya.
"Sige ganito na lang, kung gusto mo matulog kana muna ngayon. Pero bukas kakain ka maliwanag ba? Wala ngayon si manang inutusan ni Don Augusto para mamili, ako na muna ang bantay dito sa'yo ngayon."
'Pero bakit? Bakit mo 'ko tinutulungan? Inutusan ka ba ni Julie para amuin ako at paaminin na hindi ako nababaliw ganon ba?'
Nagsalubong ang makapal nitong kilay.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...