Chapter two

2.6K 78 0
                                    

"HMMM... san ka pupunta?"



Binalingan ni Delifico katabi, umupo siya sa gilid ng queen size na kama at saka tumayo. Hindi na siya nag-abalang magbihis ng pang-itaas, alam niya namang walang pagala-gala ngayon sa mansion nila Julie. Saktong pagdating niya pa kanina ay paalis na si Don Augusto. Kinuha niya ang boxer sa sahig saka 'yon sinuot.


"Hey? Aalis kana?" Tanong ni Julie na tuluyan ng naalimpungatan.

"Iinom lang ako.." Malamig na sabi niya dito at naghihikab na lumabas ng kwarto nito. Madilim ang bawat bahagi ng mansion ngunit sanay na siya dahil ganon din sa condo niya. Tanging ang mga malamlam lang na mga ilaw sa paligid ang ilaw ng buong mansion. Dumeretso siya sa kusina at tinungo ang refrigerator, kumuha siya ng tubig. Hustong iinom na siya nang maramdaman niya ang pag-ihip ng malamig na hangin sa batok. Lumingon siya sa pinto ng kusina.


"Hey! who the fuck are you!" Sigaw niya, wala siyang pakialam kung may makarinig sakanya. Walang sumagot sakanya kaya tinuloy 'ko ang pag-inom ng tubig. Natigilan siya nang makarinig siya ng nakakakilabot na tawa. Napatingin siya sa bungad ng kusina.


"OH SHIT! FUCK!" Sigaw niya saka sumiksik sa lababo. Fuck! He'd never believe in any fucking ghost pero hindi niya inaasahang makikita niya 'yon! Nakatayo ang babaeng 'yon sa bunga ng kusina habang nasa mukha nito ang mahabang buhok. Lumikot ang mga mata niya, nakita niya ang kutsilyo sa lamesa, nagmamadaling kinuha niya 'yon at mabilis na tinutok 'yon sa babaeng nakaputi. Pero nagulat siya nang isang kisap lang ng mata niya wala na ito sa harap niya. Parang hangin itong naglaho. Mabilis siyang tumakbo sa hagdan habang dala ang kutsilyo. Pagkapasok niya sa kwarto ni Julie ay tumalon agad siya sa kama ng dalaga at nagtalukbong ng kumot.


"Uy anong nangyayari sayo?" Tanong ni Julie.


"Wala..." Malamig na sabi niya saka sumilip sa labas ng kumot. Tumingin siya sa nakasarang pinto.


"Eh bakit hawak mo 'yang kutsilyo?"


"Pwede ba? Manahimik ka na lang diyan?" Naiinis nang sabi niya.



'Fuck! i'm a fucking fearless at hindi ako natatakot!'

----------------****

"HOW was your night iho?"


Walang gana na kinuha ni Delifico ang baso at saka uminom.


"Hell.." Malamig na sagot niya sa matanda saka nilapag ang bago. Tumikhim naman si Don Augusto saka hinarap na lang ang pagkain. Muli siyang uminom ng tubig pagkuway sumandal sa upuan.

"Hey, you don't like the food?" Malambing na sabi ni Julie. Pumikit siya at hinilot ang sentido.

"I'm just fuking bored.." Sabi niya sa dalaga.

"Kung gusto mo magpahinga ka muna sa taas." Nakangiting sabi sakanya ni Julie.

"Ah, Don Augusto nandito po si sir Kiko." Sabi ng dumating na katulong, Dumilat siya, kita niya ang pamumutla ng mag-ama.

"Ah--b-bat nandito siya? Diba sa susunod pa ang dating niya daddy?" Tense na sabi ni Julie, hindi niya pinansin ang mga ito. Isa pa, wala naman siyang pakialam. Kumuha siya ng sandwich saka kumagat.

"Augusto.." Sabi ng malaking lalaki na pumasok sa sala. Tumayo si Don Augusto at sinalubong ang matandang lalaki.

"Pare, ba't naparito ka?"

Tumutok sakanya ang mata ng lalaking 'yon.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Sandra nasan ang pamangkin ko?" Tanong nito na muling binalingan ang matanda.


Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon