Chapter twenty-nine

2K 56 3
                                    

KUMUNOT ang noo ni Delifico nang makita ang lugar na pinuntahan nila Augusto.



"Sigurado ako na kagaya ng ginawa nila kina Don Felimon at Vina ay sa ganong klase din nila papatayin si Donya Juanita at Don Kiko..." Sabi ng katabi niya, binalingan niya si Rhedentor.




"May ibibilis paba tayo?" Tanong niya dito, tinapakan nito ang silinyador saka sila humarurot sa road. Kuyom na kuyom ang kamao niya habang papalapit sila sa destinasyon. Tumingin siya mula sa likuran kung saan nakasunod ang mga ducati nila Thartarus.



"Fuck! I forgot my favorite rifle..." Bulong ni Serionifo at binalingan si Tunaco na nagsasalamin.



"Nakita mo ba 'yung isang rifle ko? 'Diba hiniram mo 'yon?" Tanong dito ni Serionifo.



"Hindi ah!" Tanggi nito habang tinitignan ang mukha sa salamin. ".... iniwan mo 'yon sa banyo nang mag-c.r ka."



"Ba't hindi mo kinuha kailangan natin 'yon eh!" Inis na sabi ni Serionifo.



"Bakit ba?! Nakita ko kasi 'tong salamin na 'to eh nanghinayang naman ako kaya ito ang kinuha ko imbes na 'yong rifle mo. Ang bigat kaya non.." Nakasimangot na sabi nito. Naiiling na binawi niya ang tingin sa mga ito.



"Ipaalala mo nga sakin kung bakit ito pa ang sinama mo.." Sabi niya sa katabi. Ngumisi lang si Rhedentor. Ilang sandali pa ay huminto na ang sinasakyan nila sa tabi ng road. Agad silang bumaba habang bitbit ang mga de-kalibreng baril. Sinenyasan niya sina Tunaco na umikot sa kabila. Ganon din kina Thartarus na nakasakay sa ducati, puro damo at simoy ng lamig ng tubig mula sa dagat ang naririnig nila. Pagapang silang nagtago sa mga damo saka sumilip sa ibaba kung saan nandon sila Augusto. Nakita niyang umakyat sa taas ng puno si Serionifo, napansin niyang kumunot ang noo nito habang sinisipat ang hawak.



"Bakit?" Takang tanong niya dito. Tumingin ito sakanila.



"Nawala 'yung lense..." Anito saka muling sumilip sa hawak na rifle. Naiiling na binawi niya ang tingin dito dahil mangungunsimisyon lang siya.




"Bahala ka mamatay diyan!" Narinig niyang sabi ni Tunaco kay Serionifo. Nakita niya ang ibang tauhan na bumaba mula sa animo'y bangin. Palihim na lumapit ang mga ito sa tulay na bakal papunta sa buhanginan. Binalingan niya si Rhed.



"Kayo ang magsilbing sniper ni Tunaco, susunod kami sa ibaba." Sabi niya saka binalingan ang mga tauhan sa kabila.




"Kayo.... sumunod kayo sakin. 'Yung iba mag-abang sa dulo ng kalsada kung sakaling tumakas ang mga tauhan nila." Sabi niya saka tinignan naman sa itaas ng puno si Serionifo.




"Serionifo bumaba kana diyan, sumunod ka sakin." Sabi niya dito.



"Ha? Oh sig----Waahh!" Bigla itong nalaglag mula sa puno. Sabay-sabay naman silang yumuko sa damuhan sa pag-aakalang baka may nakarinig sakanila.



'Talaga namang! Mamamatay kami ng maaga eh!'



"Tangina tulong! 'yung short ko sumabit!" Sigaw ni Serionifo.


"Ako na lang sasabay sayo Delifico." Sabi ni Tunaco. Naiiling na payukod siyang bumaba sa bangin saka nagpadausdos. Pagdating niya sa ibaba ay agad siyang nagtago sa punong nandon. Sumilip siya sa tabi ng dagat kung saan kita niya ang mag-ama na nag-uusap. Hawak naman ng mga tauhan nito ang bugbog sarado na si Don Kiko at ang nanay ni Sandra na nakatulala lang.




"Pano si Sandra?!" Narinig niyang sigaw ni Julie.



"Anak! Hindi pwedeng galawin natin siya hangga't hindi niya sinasabi sa atin ang alam niya. Sa ngayon, kailangan muna nating patahimikin ang dalawang 'to hangga't hindi pa nakakasunod dito ang grupo ni Conde."




Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon