Chapter three

2.4K 73 1
                                    


"SANDRA aalis na 'ko ha? Sa susunod na linggo babalik ako.."

Nakatingin lang si Delifico sa mag-tiyuhin. Nananatiling walang reaksyon ang mukha ng dalaga, nakatabingi lang ang ulo nito at pinaglalaruan ang sariling buhok. Tumabi naman sakanya si Julie.

"What happened to her?" Tanong niya kay Julie.

"Ganyan na siya simula ng mawala si Donya Juanita at ang kambal niyang senyorito Sandro." Sabi ni Julie. Nakita niyang hinaplos ng Kiko na 'yon ang buhok ni Sandra saka ito tumayo at humarap sakanila. Nakapamulsa ito habang nakatingin sakanila.

"I have to go.... kayo nang bahala sakanya.." Malamig na sabi nito sa mag-ama.

"Oo naman pre, hindi namin pababayaan si Sandra." Mabait ang bukas ng mukha ni Don Augusto, tumalikod lang ang Kiko na 'yon. Lumapit naman ang katulong kay Sandra at inalalayan ito. Nakasunod lang ang tingin niya dito.

"Halika na pumasok muna tayo sa kusina.... hinandaan kita ng pancake." Sabi ng katabi niya saka siya hinila sa kamay. Sumunod naman siya pero nakasunod pa rin ang tingin niya sa Sandra na 'yon na wala sa sarili.

"Hindi niyo na ba siya naagapan?" Tanong niya nang tumingin siya kay Julie, binitawan na siya nito nang makapasok sila sa kusina. Umupo siya sa silya saka nagsindi ng sigarilyo. Malungkot ang mukha na humarap sakanya si Julie.

"Hindi na eh.... ilang buwan siyang nanatili sa Mental pero lalo lang lumala nang masangkot siya sa hostage na 'yon."

Binuga niya ang usok nang marinig niya 'yon. It's fucking me!

"Pero minsan nagpasalamat ako na naging ganon siya.."

Nanliliit ang matang tinignan niya si Julie. Nagbaba ito ng tingin at saka tumagilid, hinubad nito hanggang balikat ang damit. Nakita niya ang malaking peklat sa balikat nito.

"Diba tinatanong mo kung san galing to?" Sabi nito sakanya at saka inayos ang sarili. Muli itong humarap sakanya.

"No'ng sila pang mag-ina ang nandito, m-minamaltrato nila ako.." Sumungaw ang luha sa gilid ng mata nito.

"M-Muntik na 'kong patayin ni Sandra, sasaksakin niya 'ko at buti na lang balikat ko ang natamaan niya. Ganon din sila Donya Juanita at ang kambal niya, p-pinamumukha nila sakin na sampid lang ako dito. Anak kasi ako ni Don Felimon sa labas. Nang mamatay siya ako ang inalila ng naiwan niyang pamilya."

"Ano mo si Don Augusto kung ganon?"

Pinunasan nito ang luha niya.

"Pangalawang asawa ni Donya Juanita, he's good to me, kapag sinasaktan nila akong tatlo siya ang nagtatanggol sakin. Siya ang tinuring kong ama.."

Hindi na siya nagsalita... hindi niya lang alam kung tama ang kutob niya pero alam niya na may mali. Nanahimik na lang siya. Wala naman siyang pakialam sa mga ito. Tumayo naman siya mula sa kinauupuan saka tinapon ang sigarilyo sa trash can na nasa sulok.

"Hey where are you going? Ito ang pancake oh."'

''I'm full, sumunod ka na lang sa kwarto.." Sabi niya saka lumabas ng kusina. Umakyat siya sa mahabang hagdan at tinungo ang taas. Nadaanan niya ang malaking teresa.

"Oh shit!" Sigaw niya nang makita niya ang babaeng nakaputi at nakatayo sa teresa habang nakatingin sa malayo. Pinasadahan niya ito ng mabuti, it's Sandra. Bumuga siya ng hangin at nakapamulsang lumapit sa dalaga. Nililipad ang mahaba nitong buhok, pumantay siya dito at binalingan ito..

"Hoy..." Tawag niya dito pero hindi naman siya sinagot. Parang gusto niyang batukan ang sarili, hindi talaga siya nito sasagutin dahil wala naman ito sa tamang pag-iisip! Dumikit siya sa dalaga at hinawakan ito sa braso. Pinihit niya ito paharap sakanya, napatitig siya sa mukha nito na habang tumatagal ay lalong gumaganda sa paningin niya. Pinilig niya ang ulo.

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon