'BUTI naman at umuwi na ang lalaking 'yon. Ilang araw na akong hindi kumikilos dito sa mansion dahil lagi na lang siyang nakabantay sa kilos ko.'
Pasimpleng ginala ni Sandra ang buong paligid. Kaninang umaga ay sabay na umalis si Don Augosto at Delifico, si Julie naman ay kasama ang mga kaibigan nito at mukhang may gimik ata. Napaismid siya.
'Ang kapal ng mukha niya na gamitin ang pera ni papa sa banko. Ang kapal ng mukha nilang mag-ama!'
Madilim ang mukha na tinahak niya ang walang buhay na pasilyo, tinungo niya ang bodega nila kung saan doon pinatapon ng Don ang mga gamit ng ama niya. Tahimik na sinara niya ang pinto sa likod at ginala ng tingin ang may kalakihan nilang bodega. Napatingin siya sa malaking malate ng ama. Lumapit siya don at umupo sa sahig, kinuha niya 'yon at binuksan. Nakita niyang nakasalansan lang ang laman non, the last time she check maayos ang pagkakatupi no'n.
'Sigurado ako na pati 'to ay pinakaelaman ng mag-amang gahaman!'
Huminga siya ng malalim at nilibot ang tingin sa buong bodega. Nandon ang pingpong at manika niya, mga laruan nila ng kambal ay inimbak ng mag-ama sa bodega dahil wala naman daw kwenta ang mga 'yon. Biglang nanikip ang dibdib niya sa tuwing naalala ang sitwasyon, kahit pa nandiyan si Manang sa tabi niya ay pakiramdam niya ay may kung anong bagay na nagpapasakal sakanya. Ang mga kamag-anak naman niya ay masyadong naniwala sa mga pinagsasabi ng mag-ama.
Masakit para sakanya na kahit alam niyang siya ang tama ngunit ang mga taong inaasahan niyang tutulong sakanya ay hindi naniniwala sakanya.
Nanghihinang tumayo siya at lumabas ng bodega.
"Tsk.. tsk.. sabi ko na nga ba eh."
Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon mula sa likuran niya.
"Sinasabi ko na nga ba at nagpapanggap ka lang. Ano? Diyan mo ba tinago ang kayamanang iniwan sainyo ng ama mo ha Sandra?"
Hindi pa rin siya humaharap dito. This is not the right time....
Parang wala lang na nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Sagutin mo 'ko!" Sigaw nito. Kasunod niyang naramdaman ay ang paghila ng buhok nito mula sa likuran niya. Wala pa ring emosyon ang mukha niya.
"Hindi mo na ako madadaan sa ganyan mo. Akala mo ba maniniwala pa 'ko na baliw ka talaga ha?" Nakangising sabi ni Julie habang hawak pa rin ng mahigpit ang buhok niya mula sa likuran. Pilit niyang hinila ang sariling buhok dito saka ito kinalmot sa braso. Napatili naman ito at nabitawan siya.
'Hindi mo 'ko mabubuko!'
Tumili siya nang malakas at nanlilisik ang matang tumingin dito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw nito at nilusob siya, muli nitong hinila ang buhok niya at kinaladkad siya.
"Halika dito at matuturuan kita ng leksyon kang malandi ka!" Galit na sabi nito habang hila ang buhok niya. Pilit siyang kumawala dito, ikinawit niya ang isang paa sa mesang nadaanan.
"Talagang!"
Hinila niya ang kamay nito at saka ito kinagat.
"Aaahh!!" Tili nito at binitawan siya. Mabilis siyang gumapang palayo dito, sumiksik siya sa sulok at sinapo ang dalawang tenga.
"Lumapi----
"Anong nangyayari dito?"
'Delifico!'
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...