Chapter thirty

2K 66 1
                                    


NANATILING nakatitig si Sandra kay Delifico, maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito. Sabi ng doctor ay comatose ito dahil sumagi sa ugat ng puso nito ang balang bumaon sa dibdib nito. Hindi pa rin naampat ang luha niya sa tuwing nakikita ito, humihikbing lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito.




"D-delifico.. umayos ka. Nangako ka sakin na hindi mo 'ko iiwan 'diba?" Humihikbing sabi niya dito, umiiyak na hinalikan niya ang likod ng kamay nito at pinisil 'yon. Simula pa kaninang umaga ay paroon at parito siya sa room ng ina niya at ni Delifico. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ang ina. Palagi lang itong nakatulala sa tuwing nagigising.



"Sandra.."



Napalingon siya sa may-ari ng boses na 'yon.



"Nagsalita na kanina ang mama mo.." Nakangiting sabi ni Tunaco, napatuwid naman siya ng tayo.




"Talaga?" Aniya, tumango naman ito.



"Puntahan mo muna, ikaw kasi agad ang tinawag niya."



Binalingan niya muna si Delifico at hinalikan ang noo nito pagkatapos ay binalingan si Tunaco.



"Ikaw na muna ang bahala sakanya." Sabi niya dito, nang tumango ito ay mabilis siyang lumabas ng private room. Dumeretso siya sa kabilang kwarto. Pinunasan niya muna ang mga luha at saka binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng private room ng ina. Nakita niyang nakatulala ito.



"M-mama...."



Nakita niya ang pagkurap nito at ang dahan-dahang paglingon sa gawi niya. Ilang sandali nitong tinitigan ang mukha niya.



"S-sandra? I-ikaw ba 'yan?" Halos pabulong na sabi nito. Humihikbing patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito.




"M-mama.."



Napapikit siya ng mariin nang humaplos ang palad nito sa buhok niya. Kahit papano ay naghilom ang sugat sa puso niya habang yakap ito.


-------------****


"Sige na ma' kumain kapa. Para naman makabawi agad ang katawan mo.."




"Anak, hindi ako pwedeng kumain ng marami. Alam mo namang naka-dextros ako." Sabi ng ina nang akmang ipagbabalat pa niya ito ng orange. Nakangiting nilapag niya 'yon sa mesa at binalingan ang ina. Maaliwalas na ang mukha ng ina kumpara noong makita niya ito. Hinawakan nito ang kamay niya.



"Kumusta ka naman? Hindi kaba nila sinaktan?"



Nakangiting umiling siya sa ina. "Malaki ang kailangan nila sakin mama kaya hindi nila magagawa 'yon. Nang mawala kayo at narinig ko ang plano ng mag-ama ay nagpanggap akong baliw."



Banayad na hinaplos nito ang palad niya.




"Wala akong balak na palitan ang ama niyo Sandra...."  Panimula nito at tumingin ito sakanya.




"......bigla na lang sumulpot sa buhay natin si Augusto at nanligaw sakin. May sinabi sakin ang ama mo tungkol sa pamilya ni Augusto kaya hindi kinailangan kong iwasan ang kagaya niya. Pero naging desperado siya, hindi siya nakapagtimpi at pinagbantaan ako na papatayin tayo kapag hindi ko ituro sakanya ang pinaglalagyan ng gold bar. Natakot ako..... natakot ako para sa kaligtasan natin." Anito at pinisil ang palad niya.




"Naalala ko ang paghingi sakin ng tulong ni Vina nang gabi bago siya mawala. Iligtas ko daw ang anak niyang si Julie sa kamay ni Augusto. Kaya nang ipaako ni Augusto si Julie sa ama mo ay walang sabi-sabing tinanggap namin 'yon. Walang relasyon ang ama mo at si Vina, nalaman ni Vina ang sekreto ng asawa niya pati na rin ang kapatid nitong si Don Fred. Walang nangyari ang paghingi niya ng tulong sa pulisya dahil hawak nila Augusto ito...." Pagpapatuloy nito saka tinitigan siya.




Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon