Chapter twelve

2.2K 59 0
                                    

"Sinasabi ko na nga ba eh. Lalo talaga siyang lumalala kapag nandito siya.."



Tinitigan ni Delifico ang natutulog na dalaga. Ina-assist ito ng nurse, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit kumakabog pa rin ang dibdib niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang ginagawa ng nurse.



"Anong ginagawa mo?" Galit na sabi niya dito habang nakatingin sa tali na hawak nito. Tumingin naman ito sakanya pagkuway kay Julie.



"Hon, kailan natin siyang itali. Baka mas maging worst pa kung---


"Umalis ka diyan. Walang magtatali sakanya...." Madiing utos niya sa nurse. Lumayo naman ito kay Sandra.


"Pero Delifico! N-nakita mo naman ang ginawa niya kanin-----



"Then we should stop her. Kung hindi mo siya kayang pigilan o kahit na sinong tao dito sa mansion niyo ako ang magbabantay sakanya." Galit na sabi niya dito. Natahimik naman ito, sinenyasan niya ang nurse na umalis.



Huminga ng malalim si Julie. "Maghahanda muna ko ng makakain natin." Anito saka sumunod sa nurse. Binuga niya hangin na naipon sa dibdib. Kinuha niya ang kumot at ipinatong 'yon sa katawan ni Sandra. Ilang sandali niya itong tinitigan, binalingan niya ang isang box na nasa katabing mesa ng kama nito. Yupi na 'yon, nadaganan 'yon nang hablutin niya ang kamay ng dalaga at sabay silang bumagsak sa sahig. Naiiling na inayos niya 'yon, buti na lang at hindi nadurog ang pagkain mula sa loob non. Muli niyang sinilip si Sandra na tulog pa rin, Sinuguro niya na walang anumang matulis na bagay sa kwarto nito, pina-lock niya rin ang pinto ng balkonahe nito para kung sakaling magising ito ay hindi ito magtatangkang pumunta doon.



Muli niyang pinakatitigan ang mukha ni Sandra. Lumapit siya dito at hinaplos ang buhok nito. Bahagya siyang yumukod at hinalikan ang noo nito.


'Kung sakali mang tama ang hinala ko Sandra na hindi totoo ang pinapakita mo maiintindihan kita. Alam ko na may dahilan ka para gawin 'to...'



Bahagya na siyang lumayo dito, ilang sandali muna niya itong tinitigan saka siya tumalikod. Paglabas niya ng kwarto ng dalaga ay tinignan niya ang magkabilang pasilyo ng mansion. Tinahak niya ang pasilyo papunta sa likod-bahay kung saan nandon ang garden ng pamilya Montanez. Tahimik siyang bumaba sa madilim at makitid na hagdan. Sa pagkakaalam niya ay don ang shortcut ng papunta sa likod. Minsan na siyang iginala doon ni Julie. Pagdating niya don ay lumapit agad siya sa garden. Palihim niyang pinakiramdaman ang paligid pagkuway lumapit sa isang damuhan na naiiba ang kulay. Akmang hahawakan na niya 'yon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha naman niya 'yon.



"Hey dude.."



"Napatawag ka?" Sabi niya sa kaibigan, sinuri niya ang damuhan na 'yon.



"Nakalimutan kong sabihin, nakikita mo 'yung kubo na nasa dikalayuan ng mansion? Naka-konekta 'yan sa mansion ng Montanez. Noong taong 1987 nang maisipang itayo ng pamilya ni Don Felimon ang mansion na 'yan. Ang alam ko kasi may tagong yaman na iniwan kay Don Felimon, pero walang nakakaalam kung nasaan ang kayamanan na 'yon kung hindi siya lang pati na rin si Donya Juanita at ang mga anak niyang kambal. Noong mamatay ang matanda ay saka naman lumitaw ang kubo na 'yan. In my theory, si Don Augusto ang nagpatayo niyan. Hindi 'yan ordinaryong kubo lang Delifico... mukhang may iba pang escapdes ang matanda bukod sa pamamahala ng kompanya na iniwan ni Don Felimon.."



"Anong ibig mong sabihin na konekta 'to sa mansion?"



"May underground sila, ayon sa mga napagtanungan ko may mga taong pabalik-balik sa kubo na 'yon. Hindi basta-bastang tao lang Delifico, mga kilalang politiko at kilalang personalidad ang nagpupunta diyan."



'Fuck!'


"I'll talk to you later Maxeau, may mahalaga akong gagawin. Just continue your research, gusto kong malaman pa ang ilang pinagkakaabalahan ng matanda."



"Copy.." Sabi ni Maxea sa kabilang linya, pinatay niya ang tawag saka sinuksuk sa bulsa ang cellphone. Lumapit siya sa damo at yumuko. Hinaplos niya ang damong 'yon at saka tinuktok,  kumunot ang noo niya. Parang may nakabaon don na bagay dahil matigas  'yon kapag tinutuktok. Hindi gaya ng ibang damo na lupa talaga ang ilalim. Kinuha niya ang dagger sa bewang saka tinuklap 'yon. Pagtuklap niya do'n ay nakita niya agad ang isang lumang kahoy na box. Tinanggal niya ang dumi sa ibabaw non saka 'yon kinuha. Binuksan niya 'yon. Mula sa loob non ay nakita niya ang isang antique na susi at lumang sobre. Kunot-noong kinuha niya ang sobre at binuklat 'yon.



"I love you....."



Kumunot ang noo niya nang mabasa niya ang nakasulat. Bigla niyang naalala ang tatlong rosas sa ina.



'These three roses signifed that I will love your father eternily..."



Napatingin naman siya sa mga rosas. Tumayo siya at lumapit sa mga rosas na 'yon na mukhang lanta. Binunot niya ang tatlong rosas na naiiba ang kulay. Nakita niya ang isang papel na luma na nakadikit sa pagitan ng tangkay ng rosas. Kinuha niya 'yon at binuklat.



Isa 'yong mapa at hindi niya maintindihan kung para saan 'yon. Tumingin siya sa mansion na mukhang lalong nagiging misteryo sa paningin niya.

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon