"Bakit parang walang tao sa mansion Delifico? Umalis ba sila Julie?" Tanong ni Sandra nang makitang madilim ang buong mansion.
"Nasa ilalim ang mag-ama." Sagot naman ni Delifico habang nilalagyan ng bala ang dalang baril. Tinignan niya ang ginagawa nito.
"Here.." Anito at pinahawak sakanya ang isang maliit na baril. Tinignan siya nito sa mukha.
"For your safety babe." Nakangiting sabi nito at hinalikan ang noo niya. Nilagay naman niya 'yon sa maliit na bag na dala niya, kinuha niya mula sa loob ang mapa at ang susi na nakita ni Delifico sa garden nila.
"Sigurado ako na may arrangement na ginawa si mom para paghiwalayin ang mga mahahalagang documento ni papa." Aniya at pinakita ang munting mapa, 'yon ang pagkakaayos ng mansion nila bago pa itayo 'yon. Magmula sa pagkakaayos ng garden, kusina, master bedroom, playground kung saan pinatayo ng ama nila katabi ng garden pati na rin ang mga kwarto, veranda at ilan pang tagong kwarto na sila lang ang nakakaalam. Tinuro niya kay Delifico ang mapa.
"Sa likod ng bookshelves sa bandang dulo may secret room na nilagay si dad, alam ko na 'yon ang nagiging office niya kapag may importante siyang ginagawa. Sigurado ako na dito nilagay ang mga titulo at importanteng papeles niya, 'yon ang narinig ko kay dad nang kausapin niya kami ni Sandro. Hindi pa 'yon malalaman ng matanda dahil hindi nila alam ang pasikot-sikot sa buong mansion. Dito naman sa portrait ng abuela ko na nasa hallway nasa likod non ang isang vault. Pero ang alam ko ay nadiskubre na 'yon ng mag-ama kaya sigurado ako na hawak nila ang ilang ginto na nilagay ni mom...." Aniya at tinignan si Delifico.
"....pero peke 'yon, dahil hindi nila alam na nasa loob mismo ng portrait 'yon ni abuela ang mga ginto at mamahaling alahas. Nahawakan ko 'yon nang minsang maglibot ako sa buong mansion."
"How about this? Sang location 'to?" Tanong ni Delifico at tinuro ang parteng 'yon ng mapa. Napatingin naman siya don sa pulang marka.
"Sa kambal ko..." Natigilan siya nang muling bumalik sa isip niya ang sinabi ng kambal bago ito mawala.
'Sandra.... kapag nawala ako at naramdaman mong nasa kapahamakan ka pumasok ka lang sa tokador ko. Gawing kanan sa itaas sungkitin mo ang taling makakapa mo...'
Napakurap siya at binalingan si Delifico. "Tama... 'yung kwarto ng kapatid ko. Sigurado akong may makikita pa tayo don."
Tumango-tango naman ito at kinuha ang susi mula sa kamay niya.
"Sigurado ako na ito ang magiging daan namin para makapasok sa underground ni Augusto." Anito at binalingan siya.
"Mukhang alam ng mama mo na mangyayari sainyo ang lahat ng 'to..."
"Delifico!"
Sabay silang napalingon sa van nang bumukas 'yon.
"Sumenyas na si Lucioun, sumama na rin ang kabilang grupo dahil iilan lang tayo ngayon. Hindi pa rin kasi nagigising sa hospital si Ellifard..." Sabi ni Maxeau saka may kinuha mula sa ilalim ng upuan nila. Sinukbit nito mula sa likod ang malaking bag. Binalingan siya ni Delifico at ilang sandaling tinitigan.
"Dito ka lang San-san... babalik ako ha?" Anito at hinalikan ang labi niya.
"Mag-iingat ka..." Sabi niya dito, tumango naman ito saka bumaba ng van. Sinara nito ang pinto ng van, napatingin naman siya sa mansion sa dikalayuan. Nakita niyang pumalibot ang mga kaibigan ni Delifico papunta sa likod ng mansion, habang ang iba ay pumunta sa kubo. Kinabahan naman siya sa kung anong mangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)
General FictionSYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang naka...