9. Officially Yours

120 29 7
                                    

Ryoc's POV

WELL, SALAMAT SA PLANO NI MAHA, KAMI NA NI LAINE SWEETHEART KO.

Yep, planado ang pag-iyak ko at pag-absent ko nang isang linggo para mapasabi ko si Laine ng 'I love you'. Syempre all thanks sa very bright idea ni Maha.

Sabi niya sa akin, natatakot lang daw si Laine na baka ginag*go ko lang siya. So nagplano kaming dalawa kung paano ko mapapasabi ng 'I love you' si Laine. And it worked. Umuwi si Papa sa province dahil namatay ang Lola ko kaya sumama ako para mas lalong isipin ni Laine na nasaktan ako.

Pero sa totoo lang, masakit. Kasi akala ko si Marco talaga ang pinili niya. Buti na lang at sinabi sa akin ni Maha ang totoo.

Well, ang ganda ng umpisa ng linggo ko. Kami na ni Laine! Yesterday was August 5, Sunday. Exact date na sinagot niya ako.

Excited akong gumising nang maaga para masundo si Laine sa bahay nila. Kaya naman kahit 6 pa ang pasok ko, gumising ako ng 4 para maagang makapunta sa kanila.

5 pa lang nasa tapat na ako ng pintuan nila, niri-ring ang doorbell. Ayokong gamitin ang duplicate key kasi gusto ko na pinagbubuksan ako ni Laine ng pinto. Feeling ko mag-asawa kami, hehe.

"OO, SANDALI! ANG AGA-AGA NAMBUBULABOG!" sigaw ni Sweetheart ko bago niya binuksan ang pinto.

"Good morning, Sweetheaart!" sabi ko sabay ngiti. "Iniluto na kita ng baon, oh."

Eksaktong pagkabukad niya ng pinto nakita ko na kakagising niya pa lang. Malapit lang naman ang school namin sa bahay nila kaya siguro tanghali na siya nagising. Magulo ang buhok niya, naka-oversized na t-shirt na Winnie the Pooh at cycling shorts. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako at mabilis siyang tumalikod.

"Huwag mo akong titigan! May muta pa ako tapos amoy panis na laway! Bakit kasi 'di ka nagsabi na susunduin mo ako?"

"E gan'on naman talaga kapag may boyfriend ka,'di ba? Sinusundo ka at inihahatid pauwi? At saka tanghali na, ah! Kaya ka siguro laging late!"

Nagpameywang ako at pumasok sa loob ng bahay nila. Ibinaba ko ang mga bitbit ko pati na rin ang bag ko sa upuan.

" Naplantsa mo na ba uniform mo? "

Napakamot siya ng batok.

" Hindi pa nga e..."

"Hay naku, Sweetheart. Kaya ka nalelate, e! Sige na, ako na magpaplantsa. Maligo ka na."

Nagpunta ako sa kusina nila at nakita ko na may pagkain na nakatakip sa mesa. Hinainan ko si Laine habang pumasok naman siya sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maghain, kinuha ko ang uniform niya sa sampayan at inilatag sa plantsahan. Plinantsa ko 'yon at isinabit sa hanger. Pagkatapos ay lumabas ako galing sa kuwarto niya at dumiretso sa sala dahil magbibihis siya.

Of course hindi ko sisilipan si Laine. Kaya ko nga siya niligawan e dahil mahal ko siya bilang siya, hindi dahil katawan niya lang ang habol ko. I have a huge respect on her and on every woman I knew, kaya hindi ko magagawang bosohan siya kahit na seductive pa ang dating niya.

"HOY LARA JANINE, BILISAN MO MAGBIHIS AT KAKAIN KA PA. MALE-LATE TAYO." sigaw ko.

Lumabas siya ng kuwarto niya na naka-uniform at nakasapatos na. Maayos na rin ang buhok niya.
Umupo ako sa puwesto ng Daddy (Daddy ni Laine) at nag-cross legs. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa lamesa at nagkalumababa habang nakatitig sa kanya.

Kain lang siya nang kain. Maya-maya naramdaman niya ata na nakatitig ako sa kanya kaya kahit puno ang bibig niya, nagsalita siya.

"M-makit?(Bakit?)"

"Simula ngayon, gigising ka ng eksaktong 4:30 ng umaga. Dapat kapag dinaanan kita ng alas singko dito sa bahay niya naka-ayos ka na at kakain ka na lang. Kapag inabutan kitang bagong gising, ako magpapaligo sa'yo. Hindi ako nagbibiro, Laine. As your boyfriend ready akong disiplinahin ka. "

Namumula siya na nakatingin sa akin.

" Hey, nakikinig ka ba? "

" B-b-boyf-f-friend? "

" Oo, boyfriend. 'Di ba ikaw ang nagsabi? Kahapon pa? "

Nagulat ako nang sinampal-sampal niya ang sarili niya.

" Nananaginip ba ako, ha? Nananaginip ako,'no? "

Tumayo ako at hinawakan ang mga kamay niya.

" Hindi ka nananaginip, sira. Boyfriend mo na ako ngayon, sweetheart. "

Napatingin siya sa akin. Ang cute ng pisngi niyang bumubukol dahil sa pagkain.

Hinalikan ko siya sa noo at ginulo ang buhok niya.

" Sige na, Winnie the Pooh. Kain na. Male-late na tayo. "

" Tse, Spanish Bread! "

Natawa lang ako bago ko binitbit ang bag niya at mga gamit ko at hinintay siya sa labas habang inilalagay niya ang mga hugasin sa lababo at nilo-lock ang pinto.

Yes, Laine. I'm officially and exclusively yours.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon