16. Jealous

113 25 1
                                    

Ryoc's POV

"Busy na naman? Laine, Valentine's day ngayon! 'Di ba mahalaga 'to para sa atin? For almost three years nagce-celebrate tayo ng Valentine's! Tapos ngayon hindi ka puwede kasi busy ka?" sabi ko habang katawagan ko si Laine.

Simula nang mag-3rd year college kami, lagi na lang akong nakakatanggap ng text o tawag na iisa lang ang laman.

" I'm busy. Huwag mo na akong hintayin. May tatapusin lang ako sa school. "

Last anniversary namin naghintay ako nang halos isang oras dahil na-late siya. Kasi may ginawa pa raw siya. Kasi ganito, kasi gan'yan.

I understand. I completely understand. Para sa school naman, e. But these special occasions na pinalagpas, mga planong hindi natutuloy, nakakainis din pala. Hindi mo makasama 'yung taong gusto mong makasama kahit isang saglit.

Hectic din naman ang sched ko. Minsan nga mas marami pa akong ginagawa kung ikukumpara sa kanya. But what I don't understand is, hindi ba siya puwedeng maglaan ng oras, kahit sandali lang, para sa akin?

"E, Ryoc, may tinatapos kaming thesis ni Marco ngayon, e. Sa Friday na pasahan n'on."

" 'Yan, Marco na naman. Sino ba boyfriend mo? Ako, o 'yang Marco na 'yan?"

Maliban pa sa hectic na sched naming dalawa,dumadagdag pa sa inis ko ang Marco na 'yon. Sa halos lahat ata ng mga occasions na hindi natuloy e dahil sa kanya. Kesyo may thesis sila, may group work sila, may kailangang tapusin na partner niya si Marco, etc. etc. Nakakarindi. Puro Marco. Halos kapag kausap ko siya sa telepono maya-maya maririnig ko ang tawag niya na may inuutos kay Laine. Lagi naman niyang ibababa. Mangangako na tatawagan ako ulit. Pero hindi nangyayari. Hindi siya makakausap ulit unless ako ang unang tatawag.

"Ryoc naman, e. Please do understand."

"Laine ilang beses na ba akong umiintindi?"

"Magkikita naman tayo sa Sunday, e."

"Magkikita? Pagkatapos ano? Sasabihin mo may lakad ka or may test ka or may thesis ka na naman na tatapusin? What the hell, Laine. Nag-aaral din naman ako. Hectic din ang sched ko. But I manage my time. Hinahati-hati ko para may oras pa ako sa'yo. Kaso parang ayaw mo naman ata na makasama ako, e. "

" Hindi naman sa gan'on, Ryoc... "

" Sa'yo parang hindi gan'on! E sa akin, Laine? Hindi ba dapat hindi lang ako 'yung bigay nang bigay ng oras at atensyon?'Di ba dapat pareho tayo? "

Tumaas na ang boses ko. I'm so mad. I know I can't get mad on Laine. Pero nakaka-frustrate rin pala kapag puro ka lang unawa. Dapat pala minsan ikaw naman ang unawain.

" So sumisigaw ka na ngayon? What the heck, Ryoc! Valentine's lang gigil na gigil ka na? There are so many days that we can celebrate Valentine's!"

"Yeah, Valentine's lang naman. Bakit naman ako magagalit nang sobra, 'di ba? Valentine's LANG naman. It's not f*cking special."

Bumuntong-hininga si Laine sa kabilang linya.
"Please,Ryoc.Let's not fight over this, okay? I'll call you later."

"Yeah, we're not fighting over this. Magpakasaya ka sa paggawa ng thesis kasama ang Marco na 'yan ngayong Valentine's day." I said as I hung up. Pinatay ko ang cellphone ko at inumpisahang ligpitin ang mga plato at pagkain na inihanda ko para sana ngayong araw na 'to. I'm so fed up. Lahat ng pag-iintindi kay Laine kapag siya ang nagta-tantrums or may problema o may gustong hingiin na pabor, ginagawa ko. Bakit ngayong ako naman ang nagde-demand ng kaunting oras at atensyon parang ako pa ang lumalabas na hindi makaintindi?

After I cleaned up the kitchen, nagpalit ako ng pangbahay. There's no reason to wear long sleeves and slacks. Hindi naman na dadating ang girlfriend ko.

I can't sleep that night. Kaya lumabas ako sa terrace at nagsindi ng sigarilyo. Around 11 PM na kaya napakatahimik ng subdivision. Naninigarilyo akong tumingin sa kawalan.
Nangangalahati na rin 'yon nang may umagaw sa akin n'on at itinapon sa baba.

"What the f*ck?"

"Kailan ka pa natutong magbisyo, ha?" sabi ni Laine habang nakapameywang sa harapan ko.

"None of your business." sabi ko bago ko nilabas ang isang kaha ng Marlboro sa bulsa ko at binuksan 'yon. Mabilis niya 'yong inagaw sa akin at nilamukos na parang papel. Itinapon niya 'yon sa sahig at inapak-apakan pa.

"Ano ba? Tignan mo ginawa mo sa sigarilyo ko!"

"'Di ba ayoko na nagbibisyo ka? Ano, sisirain mo ba baga mo, ha?"

"Ano bang pakielam mo, ha?"

"What the f*ck! Girlfriend mo ako, Ryoc! Hindi ako kung sino lang!"

"Girlfriend?" natatawa kong sabi. "Ang alam ko kasi wala ako n'on. Simula pa n'ong nag-3rd year college ako."

"G*go ka ba, ha? Girlfriend mo ako! Ano, mag-aaway na naman ba tayo, ha? Hindi ba nag-away na tayo kanina? Kaya nga ako dumiretso dito kahit na pagod ako, kasi gusto kong makipag-ayos, tapos ikaw naman 'tong gan'yan?"

"P*tang*na Laine!" sigaw ko sabay sipa sa halaman na nakatanim sa paso na nasa tabi ko. "P*tang*na! Ako ba, ha? Hindi ba ako pagod kapag naghihintay ako sa'yo sa tuwing may okasyon tapos hindi ka sumisipot? Hindi ba ako pagod kapag ipinagluluto kita tapos sasabihin mo na hindi ka makakarating, ha? Ano bang tingin mo sa akin, Laine? Si Superman? Si Thor? Hindi napapagod? May superpowers? T*ngina naman Laine! Hindi ba puwedeng kahit ngayon lang, ako naman ang mag-demand? P*tang*na! " umiiyak na ako. Basag na ang boses ko at alam kong masyadong malakas ang boses ko.

Napaluhod ako sa harapan niya.
" Alam ko nangako ako sa'yo, Laine, e. Sabi ko magpapakatatag ako para sa'yo, e. Sabi ko 'di ba hindi mapapagod 'tong mga kamay na 'to na suyuin ka? Pero Laine, nakakapagod din pala na bigay ka lang nang bigay. Nakakag*go rin palang maghintay nang maghintay. Puwede ba Laine, this time, ako naman? Puwede ba? "

Pinahid ko ang luha ko pero hindi ako tumayo. Para siyang bato sa harap ko. Nakatayo lang.

" Laine, ayokong mawala ka, e. Kaya nga ako kumakapit, 'di ba? Gusto kong tuparin 'yung mga pangarap nating dalawa, e. Kaya lagi kitang iniintindi. Kaya lagi kitang inuunawa. Kaya lagi kitang sinusuyo. Pero Laine, this time, puwede ba ako naman suyuin mo? Pagod na pagod na kasi ako. Puwede ba ako naman ngayon? Ako naman intindihin mo? Pagod lang 'yan ng katawan Laine e. Pero Laine 'yung mga effort ko?'Yung mga oras ko? Kaya pa bang ibalik 'yon? Kasi 'di ba kapag pagod ka na nagpapahinga ka? E paano kapag nasayang ang effort mo? Ang oras mo? Laine may magagawa pa ba tayo para mabalik 'yon, ha? "

Tumingin ako sa kanya.
"Sabihin mo sa akin, Laine. Mahal mo pa ba ako?"

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon