13. New Year

105 31 1
                                    

Laine's POV

Celebrating New Year's eve with family and friends is the best. Sabi nila kapag daw inumpisahan ang taon nang masaya at magkakasama, it'll continue for the rest of the year.

Ryoc and I have so many dreams. Mga pangarap na gusto naming matupad kagaya nang makapagtapos ng pag-aaral makapag-travel, etc. Kaya pursigido ako na simulan ang taon ko na may motivation at energy.

January 1 na January 1,we decided na magpunta sa mall.

Walang masyadong tao. Though wala ako sa mood na lumabas, sumama pa rin ako kay Ryoc.

Dumiretso siya sa Jollibee. Humanap siya ng upuan at pinaupo ako d'on. Pagkatapos ay um-order siya.

Naiinis ako. Naiinis ako kay Ryoc with no apparent reason. Banas na banas ako na gusto ko nang umuwi.

Nang mailapag niya ang mga in-order niya, nag-umpisa siyang kumain. I didn't touched my food. I just stared at him.

Wala ako sa mood. Period. But seeing this guy, knowing I'm not in a good mood at all, but still eats and ignores me and didn't said anything to me, it really pisses me off.

Tumayo na ako.
"Uuwi na ako."

Napahinto si Ryoc sa pagkain.
"Hey, Winnie, what's the matt—"

"Stop calling me Winnie I'm not a f*cking bear."

Nagsalubong ang kilay ni Ryoc.
"What's the matter with you?"

Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw! What's the matter with you! Alam mong wala sa mood ang girlfriend mo but you still dragged her to the mall and you ignore her while enjoying your f*cking meal!"

"What the? Ano bang problema, Laine? First of all, I didn't dragged you here. I asked you politely kung sasama ka ba and sumama ka. I'm not talking because it seems to me na ayaw mo na may kausap. Kumakain ako kasi in-order ko 'to. I ordered you food too. I did not ignored you, Laine. I'm just giving you space kasi ipinapakita mo sa akin na ayaw mo na may kausap or whatsoever. And besides, kung wala ka pala sa mood, bakit ka pa sumama dito? Tapos aawayin mo lang pala ako."

I crossed my arms.
" So kasalanan ko pa? So you're saying na maarte ako, gan'on? What the f*ck."

"Look,Sweetheart. I don't understand why you're mad at me. Hindi ko nga alam na naiinis ka sa akin. Tell me what's the problem. Kung gusto mong umuwi, uuwi tayo. Kung gusto mong pumunta sa kung saan pupunta tayo. Just explain it to me. I'll understand."

"What the f*ck talaga, Ryoc! You ARE my boyfriend!Alam mo dapat kung anong problema!"

Ryoc snapped.
"E 'di umuwi ka mag-isa mo! Hindi ako manghuhula o magician para maintindihan ka lagi! Kausapin mo na lang ako kapag malamig na 'yang ulo mo at wala ka nang toyo sa utak!" sabi niya bago kinuha ang fries at burger na inorder niya at lumabas ng Jollibee.

Lumabas din ako. Sa sobrang inis ko, dumiretso ako sa bahay at nagkulong sa kuwarto.

I don't understand myself too.'Di ko rin maintindihan bakit out of nowhere bigla na lang akong nainis at nagtata-tantrums na parang bata.

But having a huge pride, hindi ako nag-text kay Ryoc. Bahala siya sa buhay niya, basta ako matutulog.

Nagising ako nang mga bandang 7 PM.Madilim na sa loob ng kuwarto ko kaya naisipan kong bumaba sa salas para makigulo kila Mommy.

Pagbaba ko, nagulat ako dahil wala sila Mommy d'on. Si Ryoc lang ang inabutan ko, may mga bitbit na grocery bags at supot ng Jollibee.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba sabi mo umuwi ako nang mag-isa?" mataray na sabi ko.

"Laine, sorry na..." sabi niya bago niya ako sinundan sa paglalakad papuntang kusina. Hinawakan niya ako sa balikat pero inalis ko ang kamay niya.

"Uy, Laine... Sorry na... Alam ko na kung bakit ka naiinis... Uy, Laine. Pakinggan mo naman ako..."

Hindi ako kumikibo.

"Malapit ka na namang magka-menstruation kaya ka nagkakagan'yan, kaya binilhan kita ng mga sanitary napkins tsaka 'yung pagkain mo sa Jollibee 'di ko kinain, pinabalot ko. Uy, Laine... Sorry na..."

Oo nga pala, magkakaregla na ako by this week. Sh*t. Kaya siguro ang lakas ng mood swings ko.

Niyakap ako ni Ryoc mula sa likod.
" Laine, sorry na. Promise 'di na ako magkakagan'on ulit. Hindi ko lang kasi alam bakit ka naiinis sa akin, e. Kaya nagtanong ako kay Maha tsaka kay Mommy kung anong sched ng mens mo. Please, sorry na."

"Bakit ang bilis mo mag-sorry? Siguro may iba ka pang kasalanan,'no?" pagsusungit ko.

Iniharap niya ako sa kanya.
"Ano ka ba, syempre wala! Ayoko lang na tumatagal ang away natin nang higit pa sa isang araw. Dapat bago matapos ang araw na 'to, naayos na natin ang problema natin, para bukas hindi natin uumpisahan ang araw natin na malungkot at parang may kulang."

Hinalikan niya ako sa noo.
" Alam mo namang mahal kita. Syempre ayokong matulog ka na may sama ng loob sa akin. "

Niyakap ko siya. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak.

" Sorry, Ryoc... Napaka-brat ko talaga... Sorry...."

Ginulo niya ang buhok ko at itinukod ang baba niya sa ulo ko.

" It's okay, hayaan mo, lagi ko nang tatandaan sched ng mens mo. "

Seeing my man being like this, nakaka-touch. Una sa lahat, ako ang may problema dahil pinairal ko ang mood swings ko, yet siya ang unang nag-sorry.

And I'm so lucky to have him.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon