Ryoc's POV
Inuwi ko si Sugar sa bahay. Halos hatinggabi na pero hindi ko pa rin nalilinis ang mga basag na baso at pinggan sa dining area ng bahay. Hindi ko pa nalilinis ang dugo sa pader na sinuntok ko.
My heart is aching. Noong nagcool-off kami, halos mamatay ako sa sakit. Pero iba pala kapag hindi mo alam ang dahilan. Ang sakit pala kapag bigla ka na lang iniwan.
Para akong sinasaksak nang paulit-ulit kapag napapatitig ako sa pictures naming dalawa na naka-display sa bahay. Parang pinipisil ang puso ko kapag tinitignan ko ang singsing na regalo niya n'ong unang pasko namin na magkasama.
She left. Without any reason. Without any explanation.
Sabi nila madali lang daw. Madali lang daw maalis ang sakit.
Paano? Paano mo aalisin kung in the first place, hindi mo alam kung ano bang mali sa'yo bakit ka niya iniwan?
Napasalampak ako sa sahig ng salas namin. I can't continue. Parang tumigil ang mundo ko.
Nakakag*go. Nakakaul*l.
Kahit na disoriented ako, pinilit kong linisin ang kalat sa baba. Pinulot ko isa-isa ang mga bubog ng mga nabasag na plato at baso.
Sa pagpulot ko ng isang malaking tipak ng basag na plato, nasugatan ko ang sarili ko. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat na may kalaliman din.
Wala pa 'yung hapdi nito sa nararamdaman ko. Wala pa 'yung sakit nito kumpara sa nararamdaman ng puso ko ngayon.
Kinuha ko ang malaking bubog na 'yon at paulit-ulit kong isinaksak sa kamay ko. Paakyat sa mga braso ko.
"KULANG PA BA, LAINE, HA?! KULANG PA BA?! SAKTAN KO PA BA SARILI KO, HA?! SAKSAKIN KO PA BA NANG PAULIT-ULIT ANG SARILI KO? T*NGINA NAMAN, E! MINAHAL KITA NG SOBRA, E! HINDI MO NAMAN KAILANGANG IWAN AKO SA ERE!"
Punong-puno na ng dugo ang kamay at ang bubog na hawak ko. Narinig ko ang mga yabag ni Papa na pababa ng hagdan. Nang makita niya ako, dali-dali niyang inagaw sa akin ang bubog.
" What's wrong with you, Ryoc Johann? Bakit puro bubog dito? Look at yourself, you look like a mess!"
"Pa iniwan na niya ako..." sabi ko bago nanghihinang napasandal sa balikat ng tatay ko."Pa umalis siya nang wala man lang dahilan, e..."
Nanghihinang napapikit ako hanggang sa nawalan ako ng ulirat. Tanging ang boses lang ni Papa at ang kahol ni Sugar ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako sa ospital na puro benda ang mga kamay at braso. May nakakabit na IV sa isa sa mga kamay ko. Nakasuot ako ng hospital gown.
Private ang kuwarto. May mga bulaklak sa vase na nakapatong sa cabinet sa tabi ng kama ko. May sofa sa tapat ko. May pinto na papuntang CR sa kanan at papunta naman sa hallway ang nasa kaliwa. May bintana sa tabi ng pintuan ng CR kung saan matatanaw mo ang isang malaking puno at mga karatig-building ng hospital na 'to.
Sa tantiya ko, hapon na ngayon.
Biglang pumasok si Papa. May bitbit siyang plastic na may lamang pagkain.
"O, gising ka na pala."
"Papa..."
"Sabi ng doktor malalalim daw ang mga sugat mo. Kaya mananatili ka muna dito hanggang bukas. Puro tahi 'yang mga sugat mo. Huwag kang gumalaw nang gumalaw."
Umupo siya sa tabi ko.
"Anak, ano ba kasing nangyari? Bakit mo pinagsasasaksak ang sarili mo? Buti na lang at braso lang ang naisipan mong saksakin, kung hindi baka mas malala pa ang lagay mo ngayon.""Pa, iniwan na niya ako."
Natigilan si Papa.
"Nakipag-break siya sa akin through text sa mismong anniversary namin. Wala man lang dahilan."
Lumingon ako sa bintana.
"Pa, gan'on ba talaga sila kalupit? Una si Mama...""Minsan kailangan talaga nilang umalis." sabi ni Papa habang nakayuko.
"Wala namang permanente, e. Laging walang permanente."Umiiyak si Papa. Nakikita ko ang pagtulo ng mga luha niya papunta sa styro na may lamang pagkain.
"Anak, tibayan mo sarili mo. Maybe ayaw ka lang na mas masaktan pa ni Laine kaya hindi niya sinabi ang rason niya."
Pinunasan niya ang mga mata niya.
"Alam mo, gan'yan din ang tanong ko sa Mama mo. Bakit siya umalis? Bakit siya namatay? Sabi niya sasamahan niya ako na alagaan ka pero siya pa pala 'tong bibitaw sa pangako niya.""Pero, Ryoc, anak, hindi ako sumuko. Hinihintay ko 'yung araw na magkakasama ulit kami. Kaya anak, kilala natin si Laine. May malalim siyang dahilan. At kung ako ikaw, hindi ako susuko hangga't hindi ko nalalaman 'yon. Mahal mo,'di ba?"
"Sobra."
"Bakit hindi mo ipaglaban? Kahit na sumuko na siya, hindi naman ibig sabihin n'on pati ikaw susuko na rin."
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...