14. Saint Valentine's

99 28 1
                                    

Ryoc's POV

This is our first Valentine's Day together. And I was planning to surprise her, para mas gawing special ang araw na 'to.
Hindi ko siya kinikibo buong maghapon. And I asked Maha na ayain siya mag-mall and to keep it longer as much as possible para makapagluto ako ng dinner para sa kanya.

Nagluto ako ng favorite niyang carbonara. Maliban d'on, bumili rin ako ng pizza at ice cream. Inayos ko ang lamesa. May bouquet ng roses na inihanda ko na para ibigay sa kanya.

I scattered some rose petals and nagsindi ako ng aroma candles.

Nang makatanggap ako ng text kay Maha na papunta na sila, nagpalit ako ng damit at naghintay sa may sala.

Maya-maya narinig ko ang tunog ng doorbell. Kinuha ko ang bouquet at binuksan ang pinto.

"Happy Valentine's Day, Laine!"

Nakita ko na halos mangiyak-ngiyak ang girlfriend ko sa gulat. Tinakpan niya ang bibig niya pagkatapos ay yumakap sa akin.

"Bwisit ka, akala ko makikipag-break ka na sa akin kasi 'di mo ako pinapansin buong araw. Alam mo bang umiyak ako kay Maha sa mall?" sabi niya sabay hampas sa akin.

Inilayo ko muna siya sa akin at tinitigan ko siya sa mata.
"Ano ka ba, Laine. Bakit ako makikipag-break? Lalo na kung ikaw ang gusto kong makasama panghabang-buhay?"

We shared dinner together. Ipinagbalot niya pa si Papa ng pagkain para raw matikman niya ang specialty ko. Pagkatapos ay tumambay kami sa terrace nila.

Yakap-yakap ko si Laine mula sa likod habang nakaupo kami sa isa sa mga upuan sa terrace.

" Ryoc?"

"Hmm?"

"Gusto ko kapag naka-ipon na tayo after ng graduation, bili tayo ng condo. Tapos d'on na tayo titira."

"Bakit, bawal na ba tayo dito sa inyo o kaya sa amin?"

"Wala lang, gusto ko lang na maging independent tayo."

"Ako, gusto ko, kapag nakapagtapos na tayong dalawa, pupunta tayong Paris o kaya Japan. Mga one week."

"Then ipon ulit, tapos magpakasal na tayo."

"E 'di bili na lang tayo ng house and lot. Para may puwesto na agad para sa mga magiging anak natin."

" 'Mga'? Parang gusto mong mag-anak nang marami, ah."

"Syempre, bubuo tayo ng basketball team."

"Grabe ka naman! E 'di nalosyang ako n'on!"

"E 'di apat lang."

"Hmm... Okay lang. Basta kaya mong pakainin lahat."

"Syempre magtatrabaho ako nang maigi para mabigyan ko kayo ng magandang buhay,'no! Ayokong mabuhay sa hirap ang future Misis Cristobal ko."

"Tapos ako mananatili lang sa bahay, pero kapag kaya ko na, magtatrabaho ulit ako para makatulong sa expenses."

"Tapos sabay nating papanoorin lumaki ang mga anak natin, hanggang sa magkaroon na sila ng boyfriend or girlfriend."

"Syempre gusto ko kapag recognition and graduation ikaw ang magsasabit ng medals sa anak mo. Ako magpi-picture."

"Gusto ko rin silang lumaki na MakaDiyos at optimistic."

Natawa kami ni Laine sa mga naiisip namin.

"Ang dami nating pangarap, 'no?" sabi niya sa akin.

"Wala namang masama sa pangarap, e. As long as you try your best to fulfill it."

"Pero isa lang naman ang pinakamalaking pangarap na meron ako, Ryoc, e."

"Ano 'yon?"

"'Yung tayo pa rin hanggang sa huli. Kasi paano natin matutupad 'yung mga pangarap natin na binuo natin nang magkasama kung sa huli maghihiwalay lang din pala tayo?"

"Ang pessimistic mo naman, Sweetheart. Syempre tayo pa rin hanggang huli. Hanggang sa nakapustiso ka na at dalawa na lang ngipin ko sa harap habang tinatakot ko ang mga apo natin na ako si Dracula. Hanggang sa hindi na tayo makatayo o kailangan na nating mag-wheelchair. Hanggang sa hindi na ako makatayo para umihi sa gabi. Tayo pa rin. I promise. "

" Kahit na may chick na lumandi sa'yo?"

" Ayoko ng chick, gusto ko manok kagaya mo. Rawr. "

Natawa si Laine.
" Baliw ka talaga. "

"But kidding aside, Laine. I promise, I hope, and I dream of us being together until we draw our last breath. I dream of us na napapaligiran ng mga little Ryoc tsaka little Laine, tapos mga mini me na Ryoc at Laine 'pag nagka-anak na 'yung mga anak natin."

" Promise, walang iwanan? "

" I do. Because I love you. "

"Baka naman bukas makalawa malaman ko may chick ka na?"

"Of course, never!"

Andami naming pangarap ni Laine. Mga pangarap na we want to be fulfilled. Dreams of having a family together. Kaya alam ko na gagawin namin ang lahat, para matupad lahat ng 'yon.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon