27. False Hopes

85 17 2
                                    

Ryoc’s POV

We spent our days searching for her. I don't want to give up.

Sooner or later, we'll find her.

Nagmamadali akong umalis ng bahay n'on nang makatanggap ako ng message galing sa isa sa mga kaopisina ko na may nakita siyang babae sa simbahan na kamukha ni Laine.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I need to see her.

Halos lakad-takbo akong nagpunta sa simbahan na sinasabi ng katrabaho ko. Hindi ko pinansin kung may mababangga ba ako o kung ano. Isa lang ang nasa isip ko, at 'yon ay ang makita ulit si Laine.

Nakarating ako sa simbahan. Sabado n'on kaya wala masyadong tao sa simbahan. Wala akong masyadong taong nakita sa bakuran ng simbahan maliban sa mga nagtitinda ng sampagita at mga nagtitirik ng kandila kaya pumasok ako sa loob.

Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob at karamihan ay puro mga nakasuot ng belo. Iba-iba ang kulay. Inisa-isa ko ang mga upuan na may nakaupo para tignan kung si Laine ba ang isa sa mga 'yon.

Sa pagtingin ko sa mga dulong upuan sa loob ng simbahan puro mga matatandang babae ang nakita ko kaya dumiretso ako sa harapan. Isa lang ang nakaluhod d'on.

Pamilyar ang pigura niya kahit nakatalikod. Nakasuot man siya ng scarf na kulay blue sa ulo niya hinding-hindi ko makakalimutan ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.

Naglakad ako.

Palapit nang palapit sa kanya.

Lahat ng damdamin na inipon-ipon ko n'ong mga nakaraang buwan na hinahanap ko siya parang gusto nang kumawala. Pinipilit kong huminga. Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko.

Hahawakan ko na siya sa balikat nang may kumalabit sa akin galing sa likuran ko. Parang nabasag ang kung anong mahika na bumalot sa katawan ko at napalingon ako sa likuran ko.

"Uy, Cristobal! Kumusta na?"

Si Marco pala ang kumalabit sa akin. 'Yung madalas pag-awayan namin ni Laine n'ong 3rd year college kami na nanliligaw sa kanya simula n'ong Fourth Year High School kami.
"Marco? Ayos naman! Sorry pare per—" nasa isip ko na baka mabulabog si Laine at bigla siyang umalis kapag narinig niya ang boses namin. Nilingon ko ang babaeng nakaluhod sa upuan ng simbahan.
Dahan-dahan siyang papatayo. Bigla naman akong hinawakan ni Marco sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.
"Ano ba naman 'yan, pare! May galit ka pa rin ba sa akin kasi kinukulit ko jowa mo noon?"

"Hindi sa gan'on Marco pero—"

"Oh,come on, man! Then let's talk! Tara, magkape tayo!"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at nilingon ang babaeng mabilis na naglalakad sa bakuran ng simabahan na papalabas na.
"Look, pare, wala akong oras. Bye!" sabi ko bago ako patakbong sumunod doon sa babae.

Nang makarating ako sa gate ng simbahan lumingon ako sa magkabilang gilid para hanapin siya. Ngunit wala akong nakitang Laine.

I am panicking. I lost her.

Not until mapansin ko ang isang itim na kotse na dumaan. Malinaw ang salamin n'on kaya nakita ko ang likod ng nakaupo sa backseat. I felt hope.

Hinabol ko 'yon. Wala akong pakielam kung papunta pa sa kung saan 'yon o kung masagasaan man ako pero kailangan kong mahabol 'yon.

Sa mabilis na pagpapatakbo n'on sinubukan ko na makasabay sa bilis n'on pero nabigo ako. Humihingal na napaupo ako sa gilid ng kalsada habang nakahawak sa dibdib ko sa sobrang pagod.

"Sh*t!" sabi ko habang nagmumurang pinagmasdan na lang ang sasakyan na papalayo na nang papalayo.

Nag-ikot muna ako sa plaza pagkatapos kong habulin ang kotseng 'yon. Umaasa ako na kahit dito, makita ko siya. Kahit na makasalubong man lang.

Inuna kong puntahan ang public library. Naisipan kong tumambay para magpalipas ng kaunting oras bago umuwi.

I'm silently browsing the fiction section ng library. Dahil na rin sa hindi na masyadong mahilig ang mga kabataan sa pagbabasa ngayon, iilan lang ang tao sa loob ng library at kabilang na ako d'on.

Napatigil ako nang mapatingin ako sa isa sa mga gaps sa pagitan ng mga libro. Nakita ko ang kabilang parte ng bookshelves.

That familiar figure. 'Yung scarf sa ulo,'yung body built, lahat...

I'm sure this is Laine.

Dahan-dahan akong lumipat sa kabila. I have to catch her off-guard. Or else she might run away.

Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap sa akin. Yayakapin ko na sana siya nang...

"Ano bang problema mo? Manyak ka ba, ha?"

Parang pulbos na hinangin ang pag-asa ko.

"Ay, sorry, miss. Akala ko kasi ikaw ang girlfriend ko. Sorry, pasensya na." sabi ko bago paulit-ulit na nag-sorry bago umalis. Halata namang inis na insi ang babae. I can't blame her. Maybe she thought I'm a sexual predator.

Lahat ng pag-asang sumibol sa puso ko, unti-unting nawala.

When will I find you, Laine?

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon