25. I Don't Want To Give Up

90 16 1
                                    


Ryoc’s POV

Kinabukasan, binisita ako ni Maha, ‘yung bestfriend ni Laine, sa ospital.

Pagkalapag niya ng mga prutas sa lamesa umupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko. Puno ng magkahalong inis at pag-aalala ang mukha niya.

“G*go ka ba, Ryoc? Ano bang pinaggagagawa mo sa sarili mo? Tingin mo gugustuhin ng girlfriend mo na—”

“Nakipag-break na siya sa akin.”

Gulat na napatingin si Maha sa akin.

“A-anong…”

“Nakipag-break siya sa akin sa mismong araw ng anniversary namin. Through text.”

Umiwas ako ng tingin kay Maha at tumingin na lang sa bintana. Tanghali na n’on, pero dahil rainy season na, makulimlim sa labas at ang mga ulap ay parang nagbabadya ng malakas na ulan.

“Pero… pero… pero nagpasama pa siya sa akin the day before your anniversary… bumili kami ng regalo para sa’yo… Binilhan niya pa nga si Sugar ng bagong collar at saka stock ng dog food e… How come…”

Ipinatong ni Maha ang kamay niya sa kamay ko na may benda at medyo niyugyog ‘yon. Mahapdi kaya napalingon ako sa kanya.

“Ryoc, listen to me! Imposible…imposibleng nakipag-break siya nang gan’on-gan’on lang… She was even happy… Pagkabili namin ng regalo at saka gamit ng aso nagpunta pa nga kami ng school natin n’ong mga highschool tayo, e. Nag-reminisce pa nga siya ng mga memories niyong dalawa, e. After that… after that dumaan kami sa simbahan… Sabi niya magdadasal daw siya para sa inyong dalawa… That day I was with her, she's still clearly and absolutely inlove with you… Kaya imposible…imposibleng…”

“Nakipag-cool off siya sa akin 3 days before our Anniversary. I… She…she told me pagod na siya…She even told me that she wasn't sure anymore if she still loves me. Yes, Maha. Laine told me those things.”

“N… No… Im…imposible… I know her… kapag para sa’yo gagawin n’on lahat… I know her… Matagal ka na niyang pangarap, e… there's no reason to give up on you if in the first place matagal nang kayo… I…I don't believe that…Hindi rason ‘yung pagod…”

“ ‘Yon na nga, Maha, e! Hindi rason ‘yung pagod, e! How many times did I felt that? Huh? How many times! Pero never kong sinukuan ‘yang kaibigan mo! Kasi para sa akin…. Para sa akin, it's pointless… Walang kuwenta ‘yung ilang taon naming magkasama kung susuko lang kami dahil sa pagod!” halos mahatak ko ang swero na nakakabit sa kamay ko sa tindi ng emosyon ko. Though my body's still aching, wala akong nagawa kung hindi ang ipatong ang ulo ko sa tuhod ko at humagulgol. Tumayo si Maha at pinakalma ako.

“Hey, Ryoc… I mean… I… I was trying to call her… But she… she's not answering… Blocked ako sa social media since yesterday… I went to her house pero walang tao… That's why I went here pagkatapos kong mabalitaan sa Papa mo na nasa ospital ka…”

Umayos ako ng upo at inabutan ako ni Maha ng tissue pero hindi ko ‘yon tinaggap. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang sarili kong hospital gown.

“I… I did this after running to their home at walang sumagot sa akin. Iniwan niya pa nga si Sugar sa kalsada, e. Hanep din ‘yang kaibigan mo, e, ‘no? Umalis nang hindi man lang sinasabi ‘yung dahilan niya. We could have fixed it! Naayos pa sana…”

“What if… What if she has some deeper reasons? I mean…”

“What? Third party? Against sila Mommy niya sa akin?”

“No…Absolutely not…But shutting us out from her life… it needs some…. some deeper and heavier reason…”

Tumingin si Maha sa akin.

“Ryoc, I can't go on like this…She is my bestfriend. I… I want to know her reasons. What if she needs help? ”

Napaisip ako sa sinabi ni Maha. What if? What if may problema siya?

“Si Laine kasi may pagkamatigas ang ulo n’on. Sometimes she would solve things on her own kahit na hirap na hirap na siya. Hindi pa rin siya hihingi ng tulong kahit na kanino. What if kailangan niya tayo? Tapos ayaw niya lang palang humingi ng tulong?”

“I… I don't know. I'm… I'm so broken right now…Yes I still do love her but… If this is what she wants then…”

Hinawakan ako ni Maha sa magkabilang-balikat at niyugyog ako.

“Ryoc, ano ka ba! She loves you! What if wala lang talaga siyang choice? Kaya siya umalis?”

“Lahat tayo may choice, Maha! Sa lahat ng bagay, mayroon tayong choice! Pero pinili niya lang talagang umalis!”

“This… this is not right…Pakiramdam ko talaga may malaking problema si Laine…”

Defeated, napasandal ako sa kama at hinawakan ang noo kong kanina pa sumasakit sa kakaisip.

“Puwede ko naman siyang samahan sa pag-aayos ng mga problema niya, e. Bakit kailangan niya pang umalis?”

“I don't know, Ryoc… I don’t know…”

Akala ko, ako lang ang iniwan ni Laine. Until I saw Sugar, our dog. Until Maha visited me.

She just left us here in the world we created.

Without telling us her reason.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon