10. 1st Monthsary

121 27 9
                                    

Laine's POV

Isang buwan na rin simula n'ung sinagot ko si Ryoc. And kahit kailan, hindi siya nagpabaya bilang boyfriend ko.

Sobrang saya ko. Having a boyfriend like him, responsable sa pag-aaral at sa pamilya, may pangarap, may respeto sa'yo bilang babae, I couldn't ask for more.

Mabilis na kumalat sa school ang balita na kami na ni Ryoc. Of course may mga babae na nainis sa akin dahil crush nila si Ryoc, pero siya ang gumawa ng paraan para hindi ako ma-bully.

"Hindi nila puwedeng saktan ang babaeng mahal ko. Para na rin nila akong sinaktan n'on." sabi niya pa nga sa akin.

As for Marco, paminsan-minsan naghe-hello pa rin sa akin, sumasabay sa pagkain, pero hindi makaporma dahil laging nakabantay si Ryoc. Mukhang ayaw naman sumuko n'ung tao kaya bantay-sarado si Ryoc.

Habang sabay kaming nagpapaka-busy para sa contest namin na two months na lang at mangyayari na, at sa mga college entrance exams na gusto naming maipasa, hindi pa rin namin nakakalimutan ang mga responsibilities namin sa pamilya at sa aming dalawa. Kapag may review lagi niya akong sinasamahan, minsan gabi na nasa bahay pa rin siya para lang turuan ako sa mga problems na nahihirapan ako. Minsan naman ako ang dumadalaw sa kanila ni Papa (Sir Cristobal) para magluto at makikain na rin.

Our parents are very close to each other. Masaya sila sa amin, as long as priority pa rin namin ang pag-aaral. But in our case, mas lalo kaming ginaganahan na mag-aral dahil kasama namin ang taong nagbibigay inspirasyon sa amin.

Thankful ako sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng mga taong mapagmahal at maunawain. Masyang-masaya ako dahil sa wakas, natupad na ang isa sa mga pangarap ko, ang maging kami ni Ryoc.

First Monthsary namin ngayon. Since wala namang pasok, nag-decide ako na magluto ng pagkain para magkaroon ng kaunting salu-salo. Tinawagan ko na rin si Papa at ang mga parents ko pati na rin si Maha na umuwi nang maaga at pumunta sa bahay para makikain.

Bandang tanghali dumating si Ryoc. Nag-uumpisa pa lang akong magluto nang marinig ko ang doorbell.

Nang buksan ko ang pinto, nakita ko ang pinakaguwapong nilalang sa harap ko na may bitibit na tatlong kahon ng Tobletone at isang bouquet ng white roses. May bitibit din siyang bayong na may lamang ingredients.

Niyakap ko agad si Ryoc at inilagay niya ang Toblerone sa ref at ang mga roses sa vase. Pagkatapos ay tinulungan niya akong magluto sa kusina.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Ryoc na naka-apron at naghihiwa ng mga rekado. Kung tatanda lang kami nang kaunti, mukha kaming mag-asawa. And for sure Ryoc is a very caring and loving husband.

"Hoy Winnie the Pooh, mukha kang baliw d'yan. Nakangiti ka pa habang may hawak na kutsilyo."

Winnie the Pooh ang tawag niya sa akin simula n'ung unang araw na naging kami. Spanish Bread naman ang tawag ko sa kanya. Sabi niya okay na raw ang hindi masyadong sweet na callsigns, basta ang mahalaga, tumagal kami at hindi pagkatapos lang ng ilang linggo e break na. Tama naman siya.

"Tignan mo, mukha tayong mag-asawa." sabi ko habang nakangiti.

"Sus, guwapong-guwapo ka na naman sa boyfriend mo."

"Tse. Pasalamat ka boyfriend kita kung hindi binato na kita."

"Ng pagmamahal?"

Inirapan ko siya kahit na halata naman na kinikilig ako.
"Ewan ko sa'yo."

Natapos na kaming magluto at mag-ayos ng lamesa. Nagpalit muna ako ng dress at saktong pagbaba ko dumating na sila Maha at Papa. Pati na rin si Mommy at Daddy na may bitbit na cake galing Goldilocks na may nakasulat na 'Happy Monthsary to Laine and Ryoc, from My, Dy, Pa, and Maha'.

Naupo na kami sa hapag-kainan at bago mag-umpisa, nagdasal muna kami sa Panginoon para magpasalamat sa pagkain. Sinindihan ni Papa ang kandila ng cake at sinabihan niya kami ni Ryoc na mag-wish bago ihipan 'yon.

Hawak ni Ryoc ang kamay ko. Gusto ko hanggang sa pagtanda at hanggang sa huling hininga ko, ang kamay na 'to ang may hawak sa kamay ko.'Yung kamay na kahit anong pagsubok, hindi bibitaw, hindi mapapagod.

Lord, sana po kami ni Ryoc hanggang sa huling hininga namin. Panginoon, sigurado na po ako sa kanya. Mahal ko po siya. Salamat po at nakilala ko siya.

Nang dumilat ako sabay naming hinipan ni Ryoc ang kandila.

"Anong wish mo, Winnie?"

"Secret! Wish nga e. E 'di hindi na nagkatotoo 'yon kapag sinabi ko."

Sumimangot si Ryoc.

"Kahit naman sabihin mo 'yon sa akin pipilitin pa rin nating magkatotoo 'yon. Syempre pangarap natin 'yon. Gagawin ko lahat para matupad 'yon."

"Wow, genie na pala si Spanish Bread ko!" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Hoy tama na nga harutan niyo, nagugutom na kami nila Tita, oh!" sabi ni Maha.

Masyang-masaya ako. At buo ang pasasalamat ko sa Diyos na biniyayaan Niya ako ng mga taong nagmamahal sa akin nang totoo.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon