Ryoc's POV
"Ryoc naman, ano bang klaseng tanong 'yan."
"Laine, mahal mo pa ba ako?"
"Oo naman."
Sa pagpikit ko naglaglagan lalo ang mga luha ko.
"Bakit gan'on? Bakit parang 'di ko dama? Bakit parang wala lang? Gan'on ka ba magmahal, Laine? Parang wala lang?"
"Ryoc, I'm -" akamang lalapitan ako ni Laine pero pinigilan ko siya.
"Please, Laine. Don't say sorry. Mas lalo mo lang pinapalala ang sakit."
"Ryoc, ayusin naman natin 'to, please."
"Please, Laine."
"Ryoc 'di ba dapat hindi pinapatagal ang mga away? Ikaw pa nga nagsabi n'on 'di ba?'Di ba sabi mo dapat hindi tayo mapagod sa pag-aayos ng mga problema natin?'Di ba-"
"PAGOD NA AKO! PAGOD NA PAGOD NA AKO, LAINE! ISANG TAON TAYO HALOS NA GANITO! SA HALOS ISANG TAON NA 'YON ANG DAMING ARAW NA SANA HINDI MO PINALAMPAS PARA AYUSIN 'TO! PERO ANO? PURO EXCUSES! I'M SO TIRED OF YOUR F*CKING EXCUSES! AM I IMPORTANT TO YOU? KASI PARANG WALA LANG AKO SA'YO, E. PARANG WALA LANG. "
Lumapit sa akin si Laine at akmang yayakapin ako pero lumayo ako sa kanya.
" Ryoc, huwag ka namang gan'yan, oh.Please."
"Umuwi ka na."
"Ryoc, please."
"I said umuwi ka na."
"No, aayusin natin 'to."
"UMUWI KA NA!"
"NO! I'M NOT GOING TO LEAVE!"
"Give me some space."
"No, aayusin natin 'to."
"Umuwi ka na Laine. Please."
"Ryoc, please... Listen to me... "
Tinitigan ko si Laine. Maga ang mga mata ko, I look like a mess. And with these eyes, these tired eyes na dati masayang-masaya kapag nakikita siya, sinabi ko ang mga salitang iniisip ko na solusyon sa problema namin.
"Mag-cool-off muna tayo."
Cool off.
Sa halos apat na taon, hindi ko naisip na sasabihin ko 'to kay Laine. I didn't even saw our relationship going through this.
Wala akong intensyon na hiwalayan siya. I love Laine so much. But I guess we can't continue on loving someone if we are already tired ourselves. It's much better if we give ourselves some space. Re-think about our realtionship. About our actions. Hindi ko naman sinasabi na siya lang ang may mali, e. May mali rin naman ako.
Umalis ako ng bahay pagkatapos kong sabihin 'yon. Naglakad-lakad ako. Tumambay sa 7-11. Kahit saan. Basta malayo muna sa kanya.
Seeing her beg like that, may parte sa utak ko na nagsasabing dapat pinatawad ko na siya agad. Dapat 'di ko na pinaabot sa cool-off. Pero a part of me says na it's time to give myself some care. Some understanding. Sa sobrang pag-iintindi ko sa kanya, sa sobrang paghahangad ko na maging perfect boyfriend sa kanya, masyado ko nang ibinibigay ang sarili ko.
Pag-uwi ko sa bahay naka-ayos na ang higaan ko. Wala ang punit-punit na sigarilyo sa terrace. Nakaayos na ang paso na sinipa ko.
Wala na rin siya.
Later that day, sunod-sunod ang tawag na natanggap ko sa parents niya at kay Maha. Tinatanong kung anong nangyari.
Ano bang nangyari? Ewan ko. Maybe she didn't gave me much attention and didn't expressed her love that well. Maybe I was too demanding.
Ano nga bang nangyari?
Ewan.
Ewan ko.
It just happened yesterday. Sa isang taon na halos gan'on ang set up namin, ano nga bang nangyari?
I knew I didn't fell out of love. Kasi kung nawala ang pagmamahal ko sa kanya, 'cool-off' wouldn't hurt that much.
They always say, 'it always takes two in Tango'. Walang bangka na uusad kung isa lang ang sumasagwan. Hindi uusad ang isang relasyon kung isa lang ang nagbibigay nang sobra-sobra.
Maybe?Maybe it was my fault?
Maybe kasalanan ko kasi masyado akong nagbigay without thinking of having something in return?
Maybe I was acting stupid earlier.
"Hijo, I love my daughter, but I think tama lang ang ginawa mo."
"D-daddy?"
Nakasandal sa may pintuan ang Daddy ni Laine.
"She's been so caught up on things. She always say na kung mag-aaral siya nang maigi then she can be a more suitable girl for you. Pero did she ever asked you if you wanted her to change?"
"Dad may kasalanan din siguro ako."
"Oh come on, Ryoc. Saksi kami kung paano mo iniintindi ang anak namin. We knew. We always knew."
Tumalikod ang Daddy ni Laine at papalabas na ng bahay namin nang lumingon siya ulit.
" Failures and hard times aren't permanent. They only make people realize value of things before they vanish before their own hands."
" You always knew kung saan mo siya hahanapin, Ryoc. Kung pagod ka, e 'di magpahinga ka. Pero huwag kang susuko. Bumalik ka rin agad sa paglaban. You guys need some rest. Don't worry, I'll talk to her. "
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...