Maha's POV
Naalimpungantan ako nang maramdaman ko ang pagtama ng liwanag sa mukha ko. My head is pounding at pagdilat ko, ilang sandali akong nabulag sa liwanag na nanggagaling sa bukas na bintana. Nagtaka ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako.
Bigla akong napabangon. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover.Napatingin ako sa suot ko.
Holy sh*t!
Iba na ang suot kong damit. Naka-polo na ako na puti na halatang panglalaki dahil oversized ito sa akin. Sinilip ko kung may suot akong underwear.
HOLY SH*T.
Dali-dali akong napabangon at pinulot ang mga damit kong nakakalat sa lapag. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nagsalita galing sa likuran ko.
"Aalis ka na agad? Bilis naman."
Nilingon ko si Marco. Naka-bathrobe lang siya at halatang bagong ligo.
"Shut the f*ck up, pervert." sabi ko bago ko pinihit ang door knob.
Bago ko pa man mabuksan 'yon, idinagan ni Marco ang kamay niya sa pinto. Iilang pulgada na lang ang pagitan namin. Napaharap ako sa kanya. Nakayuko siya at nakangisi sa akin.
"Pervert? Sino kaya ang unang nanghalik sa ating dalawa? Sino kaya 'yung unang—"
Nag-init ang mga pisngi ko.
Sh*t!
G*go ka talaga Mahaaaaaa!
"Oh, bakit ka namumula? Gusto mo ulitin natin?"
"G*go!"
Natawa si Marco.
"Don't worry, babe, papanagutan naman kita, e."
My head's spinning. Gan'to ba ang epekto ng alak sa akin?
"And besides, sinukahan mo pa ako. Kaya ako naligo. God, ang wild mo pala."
"Please, stop." sabi ko sabay takip ng tenga.
Lumayo siya sa akin.
"Besides, hindi ka makakaalis sa bahay ko. Baka maligaw ka pa, kung saan ka pa mapadpad."I knew this moron is rich. His parents are doctors na may-ari ng isang private hospital. Kaya naman kung saang property ng parents niya ako dinala, hindi ko alam.
"Bastard."
"Tsk, tsk, tsk." He crossed his arms. "Ikaw na nga 'tong nanamantala sa akin ikaw pa 'tong masungit?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" sabi ko.
Natawa siya at inihagis sa akin ang tuwalyang kakagamit niya pa lang.
"Maligo ka na. Amoy alak ka. Tapos, dumiretso ka sa kusina." sabi niya.Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.
Tinitigan niya ako at ngumisi na parang aso.
"Hey woman,magbibihis ako. Baka hindi ako makapagpigil at ulitin ko 'yung ginawa natin kagabi.""Hin... hindi ko alam kung saan 'yung banyo, e."
"The door on your left. O baka gusto mong samahan kita?" ngising-aso na sabi niya.
"Nevermind." sabi ko bago ko siya inirapan at dumiretso na papuntang banyo.
Pagkapasok ko sa banyo binuksan ko ang shower at nagbabad d'on. Wala akong pakielam kung gaano man katagal. Basta ayoko munang makita si Marco hangga't hindi kumakalma ang utak ko.
Something inside me changed. I—we—did 'something' and I don't even freaking remember how I got here or what happened last night.
And aside from that, dati hindi ako naaasiwa kay Marco, pero ngayon, sh*t, parang may kakaiba akong nararamdaman kapag kausap ko siya. Real sh*t, I can't figure it out myself.
Nakababad na ako nang halos tatlumpung minuto sa shower nang marinig ko ang katok sa pintuan ng banyo.
"Hey, woman! Bilisan mo d'yan or else ako na ang magpapaligo sa'yo!"
I shouted back.
"Geez, ang pervert mo talaga! Can't you just wait?"Dali-dali kong tinapos ang paliligo ko dahil baka pumasok pa ang siraulong 'yon dito sa loob ng banyo. Isinuot ko ang damit ko na parang bagong laba.
Nevermind. Baka nilabhan na niya.
Paglabas ko ng banyo wala na siya. Bukas ang pintuan niya papuntang hallway kaya naman lumabas na rin ako.
Sa laki ng bahay ng damuhong 'to, kulang na lang maligaw ako sa haba at pasikot-sikot ng mga pasilyo. Nang marating ko ang hagdanan bumaba na agad ako.Ang yaman-yaman n' ong manyak na 'yon, wala namang katulong.
Para akong si Dora the Explorer na nagpaikot-ikot sa mansyon ni Marco. Hindi ko mahanap ang kusina. Pagpasok ko sa isang kuwarto bumungad sa akin ang lounge ng bahay. Mula rito tanaw ko pa ang isang maliit na bahay na may modernong disenyo rin. Out of curiosity, naglakad ako papalapit doon.
Nilampasan ko ang malaking pool at habang papalapit ako nang papalapit sa bahay na 'yon, may kaba akong nararamdaman sa puso ko.
Nang makarating ako sa front door ng bahay na 'yon, kumatok ako.
Maya-maya ay may nagbukas ng pinto.
"Laine?"
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...