Ryoc’s POV
Ipinasok ko ang susi sa door knob ng bahay na iniregalo sa amin ng mga parents namin noong graduation. It's been two years since I've been here, noong nagpintura pa kami. I never had to chance to visit this place again dahil sa work and lately dahil sa paghahanap sa kanya.
I opened the door. I closed my eyes and imagined her wearing apron, sinasalubong ako. Hahalikan niya ako sa pisngi, tatawagin akong sweetheart, pagkatapos ay sasabihan ako na nagluto siya ng masarap ng pagkain. It was so vivid. I could almost feel her touch.
But when I opened my eyes tanging kawalan ang sumalubong sa akin.
I entered the house while looking on the bare walls and empty rooms. Before she left, I've been saving money para makabili ng furnitures. Somehow n'ong umalis siya, hindi ko itinigil 'yon. So that when she comes back, maganda at maayos ang bahay namin.'Yung lugar kung saan namin bubuuin ang mga pangarap namin.I sat on the floor, looking on the empty spaces covered with dust. And then I decided.
Tumayo ako at hinanap ang mga lata ng pintura at cleaning materials na iniwan namin dito noong huli naming pinuntahan 'to. Naroroon pa rin 'yon sa dati nilang puwesto. Nagkaroon lang ng makapal na alikabok. I picked up the broom and started cleaning the floor. Inumpisahan ko sa itaas na mga kuwarto hanggang sa makababa ako.
After that I used a rag to wipe out the dust on the empty cupboards and countertops.
Mga bandang tanghali na nang matapos ko ang paglilinis. I checked my bank account to see if there's enough money to buy furnitures. After seeing the amount I have, dumiretso na ako sa pinakamalapit na furniture store.Masusi akong pumili ng mga gamit sa bahay. I've been testing couches and mattresses kung malambot ba o komportable ba o kung magugustuhan niya ba 'yung kulay. I've picked some paintings to hang on the walls at mga wall lamps. Bumili na rin ako ng mga kawali, stove,at mga cabinets. Lahat pinili ko nang masusi base sa kung anong gusto niya. Marami rin akong biniling mga picture frames para sa mga litrato namin. Halos lahat ata ng sections ng furniture store, nalibot ko kakahanap ng bibilhing gamit sa bahay.
I've had them delivered to the place. Ipinapasok ko 'yon sa loob. Pagkatapos, umuwi ako. Kinuha ko lahat ng mga pictures na magkasama kami,'yung mga regalo na natanggap ko galing sa kanya, at lahat ng mga memorabilia na nagpapaalala sa akin ng pinagsamahan namin.
On my way there, napadaan ako sa isang art shop. Out of nowhere naisipan kong pumasok at tumingin-tingin sa loob. Sa pag-iikot ko napansin ko ang easel doon at mga canvass. Naalala ko bigla na mahilig nga pala siyang gumuhit. Kaya naman dali-dali akong bumili ng mga art materials para ilagay sa spare room sa bahay na 'yon.Masaya akong bumalik. Pagkababa ko ng mga bitbit ko, kumain lang muna ako nang sandali, then I started unpacking.
I smiled when I put every single picture of her on the wall. It hurts, a lot, but somehow these pictures of her make me feel like she's still with me. Maybe they might think I'm sick, obsessed, nababaliw, but no. I'm just a man who doesn't want to move on. Not atleast without knowing her reason.
Before she left, punong-puno ng tanong ang utak ko. May kulang pa ba? Bakit siya nanlalamig? Ayaw na ba niya sa akin? Nagkakagusto na ba siya sa iba? And those questions, nadagdagan lang sila n'ong umalis siya.Ayokong magmahal ulit. Not atleast without having the closure that I want. Not atleast without giving her another fight. Not until manhid na 'tong puso ko. Sa lahat ng sakit. Kapag napagod na akong maghabol. I don't want to give myself to another person unless it's Laine.
Laine is the best piece of me. She defined me. Filled the gaps between my soul.
Pero ang sakit pala. Lalo na kung ang taong bumuo sa'yo nang ilang taon ang siya ring sisira sa'yo ng isang iglap.Ginawa ko naman lahat, Laine, ah. Kulang pa ba? Sabi ko naman sa'yo mamahalin kita nang buong-buo. I'll give you every piece of me, wala akong pakielam kung kulang pa Laine. Kasi nangako ka na walang hanggan e. Bakit mo ko iniwan sa ere? Bakit ka umalis nang walang dahilan?
Hinawakan ko ang litrato niyang nakangiti sa akin. Niyakap ko 'yon.
"Kulang pa ba Laine? Puwede ba sagutin mo lahat ng tanong ko? Papakawalan naman kita kung ayaw mo na, e. Huwag mo lang akong pahirapan nang ganito. Sabi mo hindi ka susuko 'di ba? Bakit biglang ganito?"Naninikip na ang aking dibdib sa pag-iyak.
Nanghihina na ang mga tuhod ko.
At higit sa lahat,
pagod na pagod na ang puso ko.
Pero hindi ko magagawang sumuko.
Kasi ayoko.
Sumandal ako sa pader sa likuran ng mattress. Sa panghihina, unti-unti na akong napahiga nang tuluyan.
Tahimik akong umiyak.
Umiyak nang umiyak.
Umiyak dahil sa sakit.
Sa pagod.
But no, Laine.
Kahit na ilang beses pa akong umiyak nang paulit-ulit,
mahal pa rin kita.
"I love you, Laine. Forever and always." bulong ko sa litrato niya bago unti-unting napapikit sa antok at pagod.
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...