3.Toblerone And UNO

248 39 13
                                    

Sa mga natirang araw ng linggo walang ibang ginawa si Ryoc kun'di ang pestehin ako. S'yempre may parte sa 'kin na kinikilig sa kanya, pero hindi ako makapag-focus sa kahit na anong bagay dahil rin sa kanya. Kung hindi niya ako pinepeste e 'di sana, maayos ang buhay ko ngayon at nakakapag-isip ako nang diretso!

Halos araw-araw siyang nakatabi sa akin. Araw-araw na may bitbit na Toblerone at rosas. Nakasunod hanggang sa makauwi ako samantalang ang layo ng bahay niya sa bahay namin. Laging nakangiti. Laging nakatitig sa 'kin. Daig pa ang na-possess. Hindi ko malaman kung ano ang nakain niya at bakit siya gano'n sa 'kin at ang mas ikinatatakot ko e baka niloloko niya lang ako. Na baka trip niya lang ulit ang lahat at sa huli, maiiwan na naman akong nasaktan at nagmukhang tanga.

Pero anong magagawa ko? Kalat na sa buong school ang tungkol sa panliligaw ni Ryoc. Alam na ng parents ko, ng Papa niya, ng buong faculty ng school, pati na rin yata mga guards at staff sa canteen alam. Hindi ko naman siya magawang itaboy dahil ayaw kong magmukhang masama. Minsan nga e sinesenyasan ko na si Maha na ilayo 'yong hinayupak na 'yon pero wala. At heto nga at ang hinayupak na best friend ko parang timang na tuwang-tuwa at todo suporta pa kay Ryoc kapag tumatabi sa akin.

Lutang na lutang na ang isip ko. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng 'oo' o sasabihan ko siya na tumigil na. Ang ayoko lang naman kasi, 'yung masaktan ako nang sobra. Pakipot na kung pakipot, pero natatakot lang ako sa kung anong puwedeng kahinatnan naming dalawa. Lumaki kami ni Ryoc nang magkasama pero hindi ko pa rin alam kung paano basahin ang isip niya. Ang masama, hindi ko rin alam kung ano ba ang totoo sa mga kinikilos niya. Niloloko niya lang ba ako, o totoo lahat ng 'to? Sana alam ko.

Dati ko nang naranasan na ma-prank ni Ryoc. Ang pinakamalala,'yung naglagay siya ng ipis sa kahon ng Toblerone. February 14 n'on, Sabado. Tuwang-tuwa pa naman ako kasi paborito ko 'yung Toblerone. Na-trauma ako simula n'ong araw na 'yon. Hinding-hindi na ako tatanggap ng Toblerone galing kay Ryoc. Kaya 'yung mga Toblerone na binibigay niya sa akin, pinapabuksan ko muna kay Maha. Pinapacheck ko kung may ipis. Sa lahat naman ng Toblerone na ibinigay niya nitong mga nakaraang araw, lahat 'yon walang bahid kalokohan. Legit na Toblerone.

Yep, inaalala ko lang na baka pina-prank ako. Kasi nga, imposibleng magustuhan ako ni Ryoc Johann Cristobal. Imposible. Kasi minsan, sa panahon ngayon, kahit anong dalas na sabihin ng isang tao sa 'yo na gusto ka niya o mahal ka niya, minsan, malalaman mo na lang, hindi naman pala siya sincere. Na naglolokohan lang pala kayo.

Napakasakit, Kuya Eddie.

"Alam mo Lara Janine, wala namang mali sa pagsusugal. Kung sa UNO ang lakas mong makataya, d'yan kay Ryoc daig mo pang ipinupusta ang buhay mo sa sobrang ingat mo,"sabi ni Maha bago siya naglapag ng number 5 na red card.

"Maha, iba ang UNO. Laro 'yun e. Kapag natalo ka dito walang masamang mangyayari sa' yo. Feelings 'yong sa akin. Magkaibang-magkaiba 'yon."

"Para namang deadly weapon si Ryoc."

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka masasaktan kasi laro nga lang."

"Paano kung puro dare? O kaya puro truth yung consequence? Nakakasira ng reputasyon 'yon."

"P*tangina naman Maha, ang dami mong alam. Ah, basta. Ayokong magpaligaw muna. Paano kung niloloko lang pala ako n'ong siraulong 'yon," inis na sabi ko.

"'Yan ang problema sa'yo, Lara dear. Masyado kang pessimistic. Mamaya, isda na pala 'yan, pinapalampas mo pa," nakangising sabi nito bago uminom ng pineapple juice na nasa baso sa tabi nito.

"Anong klaseng isda, Bangus? Hito? Tilapia?"

"Salmon.'Yung mamahalin. O kaya Lobster."

"Ayoko ng gan'on e. Indio lang ako. At saka, hindi isda ang lobster. Crustacean 'yon."

Inirapan niya ako. Ayaw na ayaw kasi ni Maha na nag-uusap tungkol sa pag-aaral lalo na kung walang pasok. "Gan'to na lang, Lara Janine. Isipin mo na may gustong-gusto kang candy."

"Ayoko, sasakit ang ipin ko."

"P*ta e 'di ganito na lang. Isipin mo may isang university na gustong-gusto mo na inaalok ka ng scholarship para sa college. Kailangan mo lang i-maintain ang grades mo. Papalampasin mo ba 'yon?" determinadong sabi nito.

"Depende kung full scholarship o half lang," sagot ko naman.

"Sabihin na nating full. Papalampasin mo pa ba?"

"Siyempre hindi."

"See? Gan'on din kay Ryoc. Para kang binibigyan ng ginto kaso hindi mo tinatanggap kasi natatakot ka na baka tae lang," kaswal na sabi ni Maha bago nahiga sa sofa.

"Galing ng scenario natin, Maha, ah. Lakas ng imagination," pambubuska ko sa kanya.

"Atleast hindi ako kagaya ng isa d'yan na sinasampal na nga ng katotohanan nag-iimagine pa ng kung anu-ano. Alam mo, Lara Janine? Huwag mo akong iiyakan kapag napagod nang maghintay 'yang Ryoc mo sa pagpapakipot mo."

"Takot lang, hindi pakipot," pagdadahilan ko.

"G*go gan'on din 'yon. Hindi ka matututo kung hindi ka susugal. Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi ka mage-experiment. Hindi naman instant ang lahat, Lara Janine. Bakit hindi mo muna subukan? Kaysa naman para kang timang d'yan na urong nang urong kahit gusto naman. "

Hindi ako kumibo. Wala talaga akong laban kay Maha pagdating sa mga argument na gan'to. Mas may experience kasi siya sa buhay kaysa sa akin. Solong anak ako, at buong buhay ko, sheltered ako. Walang kalaro masyado maliban kay Ryoc. Ang mga kaibigan lang na meron ako, 'tong galing sa school. Pero kapag nasa bahay na, wala na akong ibang mapagsabihan dahil palaging nasa trabaho ang parents ko.

" Hoy Lara Janine ang tagal mong tumira," untag sa 'kin ni Maha.

"Sandali, ang atat mo naman."

Habang nakatingin ako sa mga cards ko, bigla kong narinig ang doorbell. Wala si Mommy at Daddy kaya si Maha lang ang kasama ko. Walang pasok ngayon kasi Sabado kaya naisipan namin ni Maha na mag-bonding dahil busy na ako sa mga susunod na araw. Wala naman akong inaasahang bisita maliban kay Maha kaya naman kaagad akong napakunot-noo nang marinig ko 'yon. Sino naman kaya 'yon?

"Hoy Maha buksan mo nga 'yung pinto," utos ko sa kanya na dahilan para mapa-irap siya. Padabog na tumayo si Maha. Nagpunta siya sa pinto at pagkabukas niya...

Biglang nagtititili ang gaga.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon