18. Cool-off

102 22 2
                                    

Laine's POV

Cool off.

Mga salitang hindi ko inakalang maririnig ko kay Ryoc.

Mali ako, alam ko. Nawawalan na ako ng oras sa kanya. I've taken him for granted. Por que hindi siya nagagalit, por que hindi niya pinapakita na napapagod siya, hindi ko naisip na bumawi sa kanya.

And he got tired.

It's almost three weeks since nag-cool off kami. No texts, no calls, nothing.

I'm having a hard time focusing on my studies. I never felt so empty like this. Pakiramdam ko may kulang.

Ang hirap pala kapag 'yung taong laging nagsasabi na hindi pinapatagal ang problema ang mismong napagod na.

Ang sama ko. Ang sama-sama ko. Naging selfish ako nang hindi ko iniisip si Ryoc. While he's always there, umiintindi. But when he's feeling bad, wala ako sa tabi niya para intindihin siya.

Lahat naman tayo may karapatang mapagod. Magpahinga. Maybe this is the only thing I can do for him. Bigyan siya ng space at time para magpahinga.

"Anak, hindi ka namin kakampihan. Kita naman namin 'yung effort ni Ryoc na nasasayang every time na hindi ka sumisipot sa lakad niyo. Wala namang masama sa pagiging dedicated sa pag-aaral mo, anak e. But the point here is, manage your time. Hindi mo puwedeng ibuhos lahat ng oras mo sa isang bagay kung may commitment ka pa sa isa. " sabi ni Mommy.

" And besides, you wanted a relationship, anak. Hindi katulong. Hindi alila o aso na laging magiging masaya kahit na kaunting atensyon lang ang ibinibigay mo. Mahirap pumasok sa isang relasyon, pero madaling lumabas. It takes so much amount of effort, time, and commitment to make things grow. But sa kaso niyo, isa na lang 'yung nagbibigay ng gan'on. Kailangan dalawa kayo. "

" Kaya nga. Anak, parang thesis lang 'yan, e. Kung partner kayo, hindi puwedeng iasa mo lang sa ka-partner mo lahat ng gawain. Kailangan mo ring tumulong or else mapapagod lang ang isa. Kailangang may balance. Kung may binigay sa'yo, hindi ka lang tanggap nang tanggap. Kailangan may binibigay ka rin. "

I admit, kapag may free time ako, I only spend it for myself. Hindi ko naiisip na kumustahin siya o kausapin siya o puntahan siya.

I've always wanted to make things grow between us. Pero ngayon, nabigyan ko lang ng lamat ang relationship namin.

Lumipas ang isang buwan, dalawang buwan na wala kaming pag-uusap. And I'm still waiting. Still waiting for him to call. Waiting for him na tawagan ako o makipagkita sa akin o bigla na lang lumitaw sa kuwarto ko o sa bahay namin para makipagbalikan ulit.

Kapag wala akong ginagawa, pumupunta ako sa Jollibee or sa public library kasi alam ko na madalas siyang pumunta d'on. And I always wait. Wait for him to come. Kahit na masulyapan ko lang siya saglit.

Pero kahit kailan, hindi siya dumating.

Nagpunta ako sa Jollibee para kumain. Papuno na ang lugar dahil Linggo pero buti na lang nakahanap ako ng puwesto na may dalawang upuan. Inilapag ko d'on ang in-order ko at nag-umpisang kumain.

Maya-maya, may pumasok. Nakatapat ang upuan ko sa may pinto kaya kita ko kung sino 'yon.

I've always wanted to say sorry to him. Miss na miss ko na siya. Gusto kong bumawi. Gustong-gusto kong bumawi sa kanya.

Puno pa rin ang Jollibee. Dumiretso siya sa counter at um-order. Lumingon-lingon siya para maghanap ng upuan pero wala siyang nakita. Until he saw me.

Parang bumagal ang oras. 'Yung matagal ko nang hinihintay, nangyayari na ngayon.

He slowly moved towards my table.

"May nakaupo ba dito, Laine?"

Laine. Hindi Winnie the Pooh. Hindi Sweetheart. Laine.

"Ah, wala naman, Ryoc. Bakante 'yan."

Inilapag niya ang in-order niya at umupo. Nag-umpisa na siyang kumain.

Ang tahimik. Ang tahi-tahimik.

Nakayuko lang ako habang kumakain pero palihim akong sumusulyap sa kanya.

Kitang-kita ko ang pangingitim ng ilalin ng mga mata niya. Dati, kung palaging naka-ayos ang buhok niya, ngayon parang hindi man lang sinuklay. Hindi plantsado ang polo na suot niya.

Nag-iba si Ryoc. Ibang-iba.

And the only one to blame is me. Only me.

Binaba niya ang kubyertos niya pero hindi siya tumitingin sa akin.

"Ah, una na ako. Tapos na rin naman na akong kumain." sabi ko.

"Hindi mo lang ba ako kukumustahin?"

"Do I have the guts to do that? After what I have done?"

"May tanong ako, Laine."

Nakatingin ako sa kanya.

"D'yan, Laine?" turo niya sa puso ko. "Bakante pa ba 'yan?"

Kahit na basag ang tinig ko, pinilit ko na magsalita.

"Hinihintay ka lang naman nitong bumalik, e."

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon