40. Hello, Laine

95 11 0
                                    

Ryoc's POV

7 Months after prognosis...

"Hello, Papa? Yes, I'm driving. Papunta na ako d'on sa charity na in-assign sa akin ni Boss. Yes, I promise I'll be careful. Gotta go. Bye Papa."

Pinatay ko ang cellphone ko at ipinokus ko ang sarili ko sa pagmamaneho.

Since that day my Boss gave me his second chance, I tried to pull myself together. Inaayos ko ang buhay ko. Bumalik na ako sa pagtratrabaho. I tried to focus on what I have right now.

Sinubukan kong i-divert ang atensyon ko sa binigay na trabaho sa akin ng amo ko. I tried to live a normal life.

It was hard at first, I admit. Anghirap tanggapin na kakalimutan mo na yung taong dating mundo mo. But like what they always say, life must go on.

The past seven months of my life sinubukan kong magpaka-busy. Trabaho, punta sa simbahan tuwing linggo, lahat ata ginawa ko maliban sa isa. Ang hanapin si Laine.

I can't contact Maha. Nagbago siguro ng number. Sino ba namang hindi? I've been rough to her.

The past five months of my life I've been trying to forget her. Not in the way that I'll going to have a new relationship but rather in a way that I won't let myself be burdened by her memories.

Inaalagaan ko yung aso namin, si Sugar. And everytime I remember her, I just realize that we've been through a lot. And it all ended up like this.

I don't know if I regretted anything. Hindi ko alam kung nagkulang ba ako. I don't even know where I went wrong. But for now, I'm trying to focus. So that next time we'll see each other again, hindi na ako wasted.

Lately I've been caught up with my boss' work. Charity. I keep on contacting the charity na partner ng company namin. It was run by cancer survivors, sa isang literal na liblib na probinsya. It's owned by a couple na may hospital din sa Manila and as far as I know they are brain doctors din. They agreed na tignan ko ang lugar today para sa panibagong outreach na gagawin namin so without hesitation, I drove to their place.

It's a huge place. May mga facilities for the old and children na may cancer. May mga volunteers na tumutulong sa kanila. As I park my car sa isa sa mga parking space doon, I can't help but feel a strange feeling inside me. I can feel knots inside my stomach.

Maybe I'm just nervous.

I just shook off the feeling and walked towards the small building on the center of the complex. Sa right side nandodoon yung east wing na para sa matatanda na may cancer samantalang sa west wing naman yung mga bata.

As I enter the building sinalubong ako ng isang middle-aged na babae.

"Good afternoon, you must be Mr. Cristobal. I'm sorry pero nagkaroon kasi ng emergency sina Doc, they can't assist you right now. Pero sabi naman nila, feel free to explore. Tapos, you can call them anytime to set the date kung kailan kayo magpapa-program para sa mga patients dito. "

I nodded. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng building. May elevator sa tabi ng hagdan. Mga benches sa gilid. Tatlong kuwarto sa kanan at mahabang pasilyo na nagkokonekta dito at sa east wing. Sa kaliwa naman, may isang kuwarto at mahabang pasilyo papuntang west wing.

"Uhm, excuse me, puwede ba akong makahingi ng kasama? I mean, someone na pwedeng mag-tour sa akin?"

Natigilan ang babae.

"Naku, Mr. Cristobal, may gagawin pa kasi ako. Pero 'wag kang mag-alala, hahanap ako ng isa sa mga volunteer dito para i-tour ka. I'll be right back."

Mabilis na umalis ang babae. Marahan akong naglakad palapit sa isa sa mga benches doon para maupo. I took out my phone to call my boss.

" Hello Boss, andito na ako. I'm just going to take a look on the facility then magse-set na ako ng date and time para sa outreach."

"Sure, Cristobal. I'm trusting you on that. How's it going?"

"Umalis lang 'yung babae. She said hahanapan niya ako ng taong magto-tour sa akin."

"I see. Call me later for the details."

I hung up.

"Ate Leila, asaan na yung ito-tour ko?"

That voice...

Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag galing sa west wing. Eksaktong paglingon ko doon ay napatingin sa akin ang may-ari ng boses habang itinuturo ako ng babae kanina sa kanya.

How can I forget that voice?

Alam kong dalawang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko makakalimutan ang boses na 'yon.

We stared at each other for a long time. Para siyang nakakita ng multo.

Standing in front of me is a girl. Payat at halata mong anglaki ng inihulog ng kanyang timbang. May blue na scarf na nakabalot sa ulo niyang kalbo na. Pero kahit na gaano man nagbago ang itsura niya, I wouldn't forget that she was once and still the woman that I love.

"Hello, Laine."

"Ryoc?"

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon