7. Chances

145 29 7
                                    

Laine's POV

"Ewan ko sa'yo, Lara Janine. Pinapakita na nga ni Ryoc na seryoso talaga siya sa'yo, ayaw mo pang maniwala." sabi ni Maha habang kinakain ang baon kong potato chips.

"Hay naku, Maha. Huwag mo nang dagdagan ang iniisip ko." sabi ko bago ako kumuha ng potato chips sa plastic na hawak ni Maha.

"Hindi naman na kasi kailangang pag-isipan. Ikaw lang 'tong nagpapakomplikado, e."

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari kahapon. Nakakabaliw.

N'on ko lang kasi nakitang bastos sa ibang tao si Ryoc. Palagi kasi siyang magalang at nakangiti. Pero nang makita niya si Marco, parang sobra ang galit niya.

Tapos na ang klase namin at hinihintay ko na lang na tawagin ako ni Sir Cristobal para sa pagre-review for the contest. Ayaw pang umuwi ni Maha kaya nag-stay muna siya at sinamahan ako.

And as for Ryoc, ang tahimik niya ngayon. Sobra. Nilagay niya lang 'yung Toblerone sa bag ko. Katabi ko siya pero hindi niya ako kinikibo. Palaging nakatingin pero walang sinasabi.

Hindi ko masabi kung ayos lang ba sa akin na gan'on siya o hindi dahil nami-miss ko 'yung kakulitan niya at 'yung mga banat niya sa akin.

Halos 30 minutes na akong naghihintay nang maisipan ko na sumilip sa office ni Sir.

Patay ang ilaw. Ang makikita mo lang mula sa salamin sa pinto ay nakaayos na gamit. Madilim sa loob kaya laking gulat ko nang may humila sa akin papasok ng kuwarto.

Isinara niya ang pinto at isinandal niya ako sa pader. Itinukod niya ang braso niya sa may bandang ibabaw ng ulo ko at tumingin sa akin.

His eyes are very sad. Parang nakatitig lang 'yon sa kawalan.

"Ryoc..." pabulong kong sabi.

"Laine."

Tumingin ako sa kanya. Tumutulo na ang mga luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak.

"Kung aayain ka ni Marco na lumabas, sasama ka ba?"

"S-siguro kapag wala akong pupuntahan."

"Paano kapag nasa bahay niyo ako? Sasama ka pa rin ba?"

"D-d-depende."

"Sinong pipiliin mo sa aming dalawa, ako ba o siya?"

Gusto kong sumagot nang diretso. Gusto kong sabihin kay Ryoc ang totoo. Pero ayaw lumabas ng boses ko.
Matagal din akong nakatitig lang sa kanya.

"Ano..."

Hindi siya umimik.

"S-si M-marco kasi... Si Marco kasi mabait. Maalalahanin. At saka laging sweet."

Pumikit siya. Nakita kong naglaglagan ang mga luha sa pisngi niya.

"Hindi ba ako gan'on? Hindi pa ba ako gan'on?"

"Hindi naman sa gan'on...Pero...ano..."

"Ano, Laine?"

"Si Marco hindi mapilit. Hindi makulit. Hindi paulit-ulit."

Natahimik ang paligid pagkatapos kong sabihin 'yon. Sh*t.

Sh*t ka.

Sh*t ka talaga.

Sinuntok niya ang pader. Sa sobrang gulat ko mas lalo kong naisandal ang sarili ko d'on.

"Gan'on ba? Sorry, ha. Sorry kung lagi kitang kinukulit o lagi kitang sinusundan o kung lagi akong nagpapapansin sa'yo."

Naiiyak na rin ako. T*ngina.

"Sorry for all of the pranks and sh*tty things I've done. Sinusubukan ko kasing kunin ang atensyon mo. Ayaw mo pala."

"Hindi naman sa gan'on—"

"No, it's okay. I perfectly understand."

Umalis siya sa pagkakasandal ng ulo niya sa braso niya. Lumayo siya sa akin at inayos niya ang uniform niyang nagusot.

"Then I'll just leave you alone for now. Baka kasi sobrang naiinis ka na sa akin. I can't bear to be hated by you even more."

Naglakad siya papunta sa pinto. Bago niya buksan 'yon, lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Wala raw tayong review ngayon, De Vera. Cancelled daw sabi ni Papa. Umuwi ka na." sabi niya bago niya tuluyang isara ang pinto.

Natulala ako.

He's...he's leaving me alone.

Hindi na raw siya mangungulit.

Why do those words bring so much pain?

Bigla akong natauhan. Umalis ako sa pagkakasandal at tinakbo ko ang pinto at binuksan 'yon.

Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa pero wala akong nakitang Ryoc. Wala rin sa field. Nagtatatakbo ako pababa papunta d'on pero walang Ryoc.

Inisa-isa ko lahat ng lugar sa school na puwede niyang puntahan. Pero wala akong nakitang Ryoc.

Hanggang sa nakasalubong ko si Maha. Kumakain pa rin siya ng potato chips.

"Hoy, Lara Janine! Bakit gan'yan itsura mo? Mukha kang nakuryente."

"Maha, nakita mo ba si Ryoc? Dumaan ba siya dito?"

Punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Maha.

"Hindi ko napansin. Bakit ba?"

Nanghihina ang tuhod kong napaluhod ako sa harapan niya at nag-iiiyak.

Sa pagitan ng mga hikbi ko, nasabi ko kay Maha ang mga salitang sinabi ni Ryoc kanina sa akin.

"He's... Leaving me alone... Dahil baka raw naiinis na ako sa kanya..."

"Tanga, bakit hindi mo hinabol?"

"Hindi ko alam, Maha... Hindi ko alam... It's too late..."

Hindi kumibo si Maha. Tinapik-tapik niya lang ang balikat ko.

"I'm such an idiot."

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon