15. College

98 26 1
                                    

Laine's POV

Sadly, pumasa kami ni Ryoc sa magkaibang universities.
Though nasa U-belt naman 'yon pareho, it's still sad na hindi ko makakasama ang boyfriend ko sa college.

When we graduated high school, Ryoc was the valedictorian again and I was the salutatorian. He even included me on his valedictory speech.

We spent our vacation on part-time jobs kung saan nag-ipon kami ng pera para sa mga plano namin.

"Huwag ka nang malungkot, Laine, okay? Puwede pa rin naman nating puntahan ang isa't isa, e." sabi niya nang inihatid niya ako sa school ko.

I am taking BS Architecture since may talent din ako sa pagda-drawing ang I love creating layout and plans for houses. BS Industrial Engineering naman ang kinuha ni Ryoc.

Ka-schoolmate ko si Maha but she's taking MassCom. And another thing, kaklase ko si Marco. Pareho rin kami ng kinuhang course.

It was not a big deal for me. Alam naman na ni Marco na may boyfriend ako. Siguro naman hindi na niya ako popormahan.

The first months of being a freshman is super stressful. Ang hirap mag-adjust. Buti na lang at may mga kakilala ako kaya hindi ako nahirapan sa paga-adjust.

When the last semester as a freshman ended, sinabihan ako na Dean's lister ako and running for cum laude. Dapat daw pag-igihan ko at i-maintain ang grades ko para makakuha ng latin honor.

Sobrang excited akong ibalita kay Ryoc ang nangyari. That's why after my class, nagpunta agad ako sa university na pinapasukan niya.

Madalas pa rin kaming magka-usap. We still try to keep our communication strong between each other.

Pagpasok ko sa gate ng university na pinapasukan niya, dumiretso ako sa may parking lot dahil nand'on daw siya kasi may mga kasama siyang classmates na may bitbit na kotse.

I looked for him. Sa dami ng kotse d'on, hindi mo talaga mapapansin kung may tao ba sa gilid ng mga 'yon o wala unless titignan mo nang maigi.

I was about to text him nang may marinig akong tawanan. Ng babae at lalaki.

Pinuntahan ko 'yung mga boses. Nakita ko ang boyfriend ko, may kasamang isang lalaki at isang babae.

Okay lang sana, e. Wala sanang problema. Pero sino ba namang hindi maiinis kapag nakita mo 'yung boyfriend mo na pinupuluputan ng iba?
Ang masama pa, parang hindi siya naiilang o dumidistansya man lang.

Lumapit ako sa kanila. Kinalabit ko si Ryoc. Napalingon siya sa akin. Napabitaw ang babae sa braso niya.

"Ryoc, umuwi na tayo."

Nagsalita ang haliparot.
"Who is she, Ryoc? Is she your sister?"
At tumawa sila ng kasama pa nilang lalaki.

"Uhm, no. Actually she is my girlfriend,Laine."

"Oh,I didn't knew you prefer older-looking girls."

"Tara na Ryoc." sabi ko. Nauna ako sa paglalakad habang nagpaalam muna siya sa dalawang 'yon bago ako hinabol.

My heart's aching with pain. Masakit. Oo nga naman, mukha akong ate ni Ryoc rather than his girlfriend. Isa pa, kung ikukumpara ako d'on sa babaeng 'yon, mukhang magkaka-boyfriend 'yon sa isang gabi lang samantalang ako baka 'ni manliligaw wala.

Inakbayan ako ni Ryoc nang maabutan niya ako at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako kumibo. Mabilis akong naglakad at pumara ng jeep. Sumusunod lang siya sa akin.

Nakarating na ako sa kanto ng subdivision namin nang hilahin ako sa kamay ni Ryoc.

"Laine, sandali nga lang."

"Ano na naman ba 'yon?" inis na sabi ko.

"What's wrong with you? Hindi mo na naman ako kinikibo."

"Oh, wala. Wala akong problema. Absolutely nothing." sarkastiko kong sagot.

Napa-facepalm si Ryoc.
"Ayan na naman tayo sa sarcasm! Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin?"

"Whatever." sabi ko bago ko siya tinalikuran at naglakad papasok ng kalye namin. Nasa may dulo ang bahay ko kaya maglalakad pa ako nang malayo.

Hinabol ako ni Ryoc at hinarangan ang dadaanan ko. Tumawid ako at sa kabilang parte ng kalye naglakad. Hinila na naman niya ako but this time, niyakap na niya ako.

"What's the problem, Sweetheart? Tell me."

"Pakawalan mo ako." sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakayakap niya.

"I'm not, unless you're going to tell me what's the problem."

I snapped. Itinulak ko siya.
"You want to know what's the problem? 'Yon!'Yong babaeng makapulupot sa'yo kala mo wala kang girlfriend!'Yong babaeng maka-insulto sa akin akala mo ang ganda niya!"

"Who? Stephanie?"

"Oh, wow. May pangalan pala ang ahas. Yeah. That Stephanie."

Napa-facepalm na naman si Ryoc.
"Don't tell me nagseselos ka?"

"Who wouldn't, Ryoc? Kapag ba ikaw nakita mo na nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Marco hindi ka magagalit?"

"What the f*ck! For Christ's sake, Laine! Kaklase ko lang 'yon! Walang gusto sa akin 'yon! And besides don't compare that Stephanie to your Marco!'Yung Marco mo matagal nang may gusto sa'yo!"

"Oh come on! Hindi ako ipinanganak na tanga, Ryoc! Halata naman sa kilos ng babaeng 'yon na gusto ka niya! Why don't you go for her? Tutal mukha naman na akong ate mo."

Ryoc gave up.
"Pag-aawayan na naman ba natin 'to? Nakasalubong ko lang sila and then sila na ang dahilan ng away natin? I was so excited to see you but this is what happened?"

Yumuko ako.
"I was excited to see you too. Pero alam mo ba 'yung pakiramdam na makita 'yung scenario na 'yun? F*ck, Ryoc. Ang sakit dito e. Para kasing wala kang girlfriend e." umiiyak kong sabi. "Okay lang naman kung may kausap kang babae e. Pero 'yung nakapulupot pa sa'yo, Ryoc naman! Respeto naman sa akin na girlfriend mo!"

Bigla akong niyakap ni Ryoc.
"I'm sorry, Sweetheart. I'm sorry... Promise lalayo na ako sa mga kaklase kong babae. I'm sorry..." hinalikan niya ako. "Promise this would be the last time na mag-aaway tayo dahil d'on, okay?"

Pinahid niya ang mga luha sa mga mata ko at tinignan niya ako sa mata.

"Laine, I know mahirap 'tong sitwasyon natin ngayon. But we still have 4 years ahead of us. Please stay strong for me."

"Promise hindi mo ako ipagpapalit?"

"I promise."

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon