32. Half-Awake

78 18 2
                                    

Ryoc's POV

I wish I wasn't dreaming.

I swear to myself that I heard her voice, whispering to me "Mahal kita, I'm sorry".

Napabangon ako pagkatapos ng ilang minuto nang marinig ko ang boses niya. I'm not sure if I was dreaming or not, but I swear I would never forget that voice.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa pinto. Hindi 'yon naka-lock. I opened it and stared at the dark hallway.

Am I dreaming, Laine?

Or it was you?

Naglakad ako papunta sa hagdanan at bumaba papunta sa salas. The main door was open, the cold, damp air of September touching my skin.

I wasn't sure. I wasn't sure if I'm still dreaming. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng isipan ko dahil sa pangungulila o talagang nandito siya.

I closed the main door and decided to call it a night. Bukas ko na lang tatapusin ang lahat ng pag-aayos ng mga furnitures, and maybe I can ask Maha to help me.


Pagkagising ko kinabukasan agad akong nag-ayos para umuwi sandali sa bahay at matawagan na rin si Maha para matulungan niya ako sa pag-aayos. Ikinandado ko ang pinto saka naglakad palabas ng subdivision.

Hanggang  ngayon nagdadalawang-isip ako kung narinig ko ba talaga ang boses niya o sadyang pinaglalaruan lang ako ng emosyon ko. What if it's just my imagination playing tricks on me? This question played in my mind hanggang sa makababa ako ng jeep at makarating sa kanto ng subdivision namin kung saan nakatira kami pareho ni Laine.

Nakayuko ako habang naglalakad papasok ng subdivision. Since she left, hindi ko na alam kung paano maglakad nang nakatingin sa mga taong nakakasalubong namin habang parang ipinagmamalaki sa kanila na siya ang girlfriend ko.

Now, my most valuable possession has already left me.

Nang maka-uwi ako sa bahay napansin ko na nakaalis na si Papa papunta sa trabaho niya dahil naka-lock ang gate. Binuksan ko 'yon gamit ang susi na dala-dala ko. Sa may front door, nakahiga si Sugar, 'yung Shiba Inu na iniregalo ko sa kanya n'ong graduation namin. Mahimbing siyang natutulog.
Nilapitan ko siya at umupo sa isang baitang ng hagdan sa tapat ng pintuan namin. Hinimas-himas ko ang ulo niya at tumayo naman ang tenga niya na parang naalimpungatan sa ginawa ko. Umungol siya at nagsisisiksik sa pagitan ng mga binti ko. Kinarga ko siya at niyakap.
"Miss mo na ba ang mommy mo? Isang taon na rin simula n'ong umalis siya." malungkot na sabi ko.
Para bang naiintindihan niya ako dahil umungol siya at dinunggol ang pisngi ko. Hinimas ko ang likuran niya at patuloy lang siyang umuungol. Kinarga ko siya papasok ng bahay at inilagay ko siya sa harapan ng kainan niya. Kumuha ako ng dog food sa kusina at nagbuhos ako ng kaunti sa kainan ni Sugar. Tumahol-tahol siya habang gumagalaw ang buntot niya na para bang masayang-masaya. Magana siyang kumain habang tahimik ko naman siyang pinagmasdan. Lumuhod ako sa harapan niya at hinimas-himas ang ulo niya.
"Huwag mo akong iiwan, Sugar, ha? Hihintayin pa natin nang magkasama ang mommy mo."
Unti-unting pumatak ang luha galing sa aking mga mata na parang walang kapaguran sa pag-iyak. Napaupo ako sa tabi ng aso at napasandal sa pader habang nakasapo sa aking noo.

Sige, Ryoc. Iiyak mo lang 'to. Babalik din siya. Babalik din siya.

Naramdaman yata ni Sugar ang pag-iyak ko dahil sumampa siya sa akin at dinilaan ang pisngi ko na may bakas ng luha. Nayakap ko na lang ang aso.

Sa gan'ong puwesto ako inabutan ni Maha na ganito. Dali-dali siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko.
"Ryoc, are you alright?"

Hindi ako kumibo. I can't answer if I'm alright. Masakit. Masakit, sobra. Isang taon na ang lumipas pero bakit gan'on? Bakit mahal na mahal ko pa rin siya?

Lalo lang akong naiyak. Hinimas ni Maha ang likuran ko habang pinapatahan ako.
" It's been a year, why does it still hurts that much?"

Puno ng awa na tinignan ako ni Maha.
"I'm not alright, Maha. As long as she's not with me, I'll never be alright."

Nangingilid na ang mga luha ni Maha. I knew she's trying to stop herself from crying.

"Last night... I heard her voice... I wish... I wish I wasn't dreaming at all... I wish she still loves me like what she had said last night... I wish..."

Napahagulgol ako. Frustration's eating me away. One year. One f*cking year.

And all I have is her memories.

" She called me last night too. "

Napatingin ako sa kanya.

" Saying that I should tell you to let her go. "

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon