4. Sweetheart

175 36 9
                                    

Napatakbo ako sa pinto nang marinig ko ang tili ni Maha. Bitbit ko pa ang walis tambo na nakakalat lang at muntik ko nang mahampas ang nakatayo sa tapat ng pinto namin nang mapagsino ko ang lalaking iyon. "Maha, anong.... Ryoc?"

Yes, madlang people. Si Ryoc. Si Ryoc Johann Cristobal, nakatayo sa harap ng pintuan namin, may bitbit na kahon ng pizza, Toblerone, at mga rosas. Hindi ko alam kung kikiligin ako, kung maaasar, o pareho. Ugh! Paano naman ako makaka-hindi kay Ryoc, kung ganito siya kakulit?

"Hi, Maha! Hi, sweetheart!"

Pfft. Hindi ko napigilang tumawa nang marinig ko ang sinabi ni Ryoc. Sweetheart? Parang matanda lang ah. Hindi pa naman kami senior citizen at mas lalong hindi pa kami mag-asawa. Bakit niya ako tinatawag na sweetheart?

"Tinatawa-tawa mo d'yan? Halikan kita d'yan, e."

"Tsk, Ryoc. Gawin mo nga? Hoy, ikaw naman Maha, ang OA mo. Si Ryoc lang pala, kung makatili ka akala mo nakakita ka ng multo," natatawang sabi ko bago ko tinanggap ang Toblerone at rosas na hawak-hawak niya. Nanatili siyang nakatulala kaya naman hindi ko na siya pinansin. Pinagtuunan ko na lang ng atensyon 'yong bitbit niya.

Mayamaya ay lumapit sa akin si Ryoc. 'Yung tipong sa sobrang lapit, halos magkakapalit na mga mukha namin. "Gawin ko ba, Laine?"

Napakunot ang noo ko. "Ha? Ang ano?"

"Sabi mo halikan kita. Baka.... baka mahulog ka, Laine." Ngising-aso si g*go. Ano ba naman 'tong bibig na 'to, walang masabing ayos!

Napalunok ako at napatingin sa labi ni Ryoc. Maryosep, hormones. Kumalma kayo. Alam kong gusto ko pang mag-aral at makapagtapos. Alam ko rin namang gusto ko si Ryoc. Shet, chance na 'to. Sabi nga ni Maha, papalampasin ko pa ba? Hinawakan ako sa baba ni Ryoc bago niya dahan-dahang inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Pipikit na sana ako nang...

"Respeto naman sa mga single, o! Huwag naman ipamukha na wala kaming lovelife, o!" sigaw ni Maha bago hinablot ang kahon ng pizza at Toblerone mula kay Ryoc.

"Panira ka talaga, Maha," sabi ni Ryoc na halatang naiinis. Hinagod niya ang buhok niyang may pagkakulot at nag-iwas ng tingin, namumula.

"Bakit ka ba nandito, ha? Maninira ka na naman ba ng araw?" tanong ko sa kanya bago ko siya inirapan para itago rin ang pagkagulat ko.

"Sungit naman ng sweetheart ko!" sabi ni Ryoc. "Wala na si Maha, pa-kiss nga!"

Inilayo ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. Pagkatapos ay tinitigan ko siya. "Ryoc, hindi ba sabi ko ayoko?"

"Pero iba ang sinasabi ng puso mo," sigaw ni Maha mula sa kitchen.

"T*ngina mo Maha ilabas mo na lang dito 'yung pizza! Huwag mong solohin!"

Naupo si Ryoc sa isa sa mga solo-seater sofa na parang hari. Nakadekuwatro pa. Kinikilig man ako, kailangan kong pigilan! Para sa future! Hindi ako puwedeng madala sa mga da moves ng damuhong 'to dahil hindi ako magbo-boyfriend hangga't hindi ako nakakapagtapos ng college! Period!

"Laine,hindi mo ba ako bibigyan ng masahe? Napagod ako sa paglalakad papunta sa inyo, oh."

"E sino bang may sabing pumunta ka dito? Pinapunta ba kita? Hindi naman, 'di ba? Tapos ngayon gusto mo bigyan kita ng masahe? Mukha mo!" pagtataray ko.

"Hindi nga ikaw, pinapunta naman ako ni Mama."

Tumaas ang kilay ko. Wala naman na kasi ang Mama ni Ryoc. Namatay sa panganganak sa kanya. Hindi niya naman masyadong kinukuwento ang bagay na 'yon, siguro ay dahil na rin nakalakihan niya na na wala siyang ina. "Ryoc Johann! Huwag mong tawaging Mama ang nanay ko! Feeler!"

Lumabas mula kusina si Maha. Bitbit ang kahon ng pizza. "E 'yun naman pala, Lara Janine. Boto naman pala si Tita. Tignan mo nga siya pa nagpapunta dito."

"Ay jusko. Tigil-tigilan niyo nga akong dalawa, ha. Nananakit ang ulo ko sa inyo," sabi ko bago ako sumalampak sa sahig, hinihilot ang sentido ko.

"Hala, baby, gusto mong masahe o ako?"

"Wala."

Pakain-kain lang si Maha ng pizza habang nakatingin sa amin. Akala mo may pinapanood na pelikula. Kumuha naman ako ng pizza sa kahon at sinubo 'yon. Pagkatapos ay tumayo ako para kumuha ng maiinom.Nanunuyo ang lalamunan ko at ang huling kailangan ko ay ang pambubuska nina Ryoc at Maha sa 'kin. Pero nang makaharap na ako, biglang inilapit ni Ryoc ang mukha niya at kinagatan ang dulo ng pizza ko.

"Thanks, sweetheart."

Kinuha ko muna ang pizza galing sa bibig ko bago magsalita.

"What the f*ck Ryoc? Alam mo kung gusto mo ng pizza, kumuha ka ng sarili mo!"

"Mas gusto ko 'yung iyo, e."

Inirapan ko siya. "Bahala ka nga d'yan!"

Pero pagdating ko sa kusina, pumasok muna ako sa cr at parang tanga na tumili-tili kahit na walang boses. Paglabas ko, poker face na ako ulit. Mukhang inis. Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Hindi niya puwedeng makita ang totoong emosyon ko hangga't hindi ko nasisiguro na seryoso siya sa mga pinaggagagawa niya.

"Hoy Laine, una na ako, ha? Nag-text si Mama, kailangan daw ni bunso ng kasama," sabi ni Maha na nasa may pintuan na at nagsusuot na ng sapatos.

"Hala, Maha? Iiwan mo ako kasama 'to?" sabay turo kay Ryoc na nakaupo lang sa sofa at nanonood ng TV na hindi ko namalayan na binuksan na pala nila.

"No choice. Bye!"

Nagtatatakbo ang gaga papunta sa gate namin at mabilis na umalis. Hay naku!

"Don't worry, sweetheart.'di kita iiwan," paglalambing ni Ryoc na tutok na tutok ang mga mata sa TV.

Iniwanan ko muna siya at umakyat papunta sa kuwarto ko. Nahiga muna ako sa kama ko at inilagay ang kamay ko sa noo ko. Hay, Ryoc. Seryoso ka ba talaga d'yan sa mga pinaggagagawa mo? Nanatili akong nakatingin sa kisame habang mabagal na pinapalipas ang oras. Mayamaya ay nakarinig ako ng mga yabag na papaakyat ng hagdan. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Ryoc at nakihiga rin sa kama ko.

Napapalatak ako at marahan siyang itinulak papaalis ng kama ko. "Ryoc ano ba? Umalis ka nga! Ang sikip-sikip dito, oh!"

"Ayaw."

"Tsk. Naman, e!"

Pumaibabaw sa akin si Ryoc at tumitig sa aking mga mata. Seryoso ang mukha niya noong mga oras na 'yon. Malamlam ang kanyang mga matang kulay tsokolate habang nakatingin sa 'kin. Pareho kaming natigilan. Napatingin ako sa leeg niya nang mapansin ko ang kanyang paglunok. Pagkatapos ay umakyat ang mga mata ko patungo sa mga labi niya. Mamasa-masa iyon na parang...

"I promise, sooner or later, mapapasagot din kita," mahinang bulong niya bago niya inilapat sa mga labi ko ang mga labi niya, kasabay ng paghinto ng ikot ng mundo kong palaging nagugulo sa tuwing nand'yan siya sa malapit. Kasabay ng mabilis na pagtambol ng dibdib ko. Kasabay ng pag-usbong ng mga pag-aalinlangan sa isipan ko.

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon