31. I'm Sorry

81 17 2
                                    

Laine's POV

"Sigurado ka bang ikaw na lang mag-isa ang papasok, Laine?" tanong ni Marco habang nakahawak sa manibela. Nakahinto kami ngayon malapit sa bahay na binili nila Mommy para sa amin ni Ryoc.

Sa amin ni Ryoc.

It's been one year simula n'ong nakipaghiwalay ako. Balita ko n'ong gabi ng anniversary namin, isinugod daw siya sa ospital. His arms were stitched because of the wounds.

Balita ko rin na hinahanap niya ako.

I don't want him to see me right now. Ayokong mahirapan sa pamamaalam. I don't want to give him another painful goodbye.

Ayoko ring sabihin na hindi ko na siya mahal.

I still love him so badly. N'ong nakita ko siya sa simbahan n'ong isang araw, halos hindi ko na mapigilan ang sarili ko na yakapin at halikan siya. But I can't. Pilit kong itinalikod ang sarili ko. Pilit kong inilayo ang sarili ko.

I don't want him to see me suffer. Ayoko ring gugulin niya ang oras niya sa pag-aalaga sa akin.

I feel so bad.

Pero mas masama naman kung kahit na alam mong aalis ka na, pipilitin mo pa rin na manatili siya sa tabi mo, hindi ba?

"Oo naman. Kaya ko namang pumasok mag-isa, Marco."

Puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Paano kung nandodoon si Ryoc?"

I smiled bitterly.
"Don't worry, I'm sure he's not there." sabi ko bago ko binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa bahay.

Paano nga kung nandito siya sa loob?

Lahat ng pangungulila na tiniis ko noong nakaraang isang taon parang biglang gustong kumawala. Kung nandito siya, sana, kahit na hindi niya ako makita, masilayan ko lang siya. Makita ko lang siya. Kahit na patago.

I badly wanted to ask kung kumusta na siya, kung kumakain ba siya ng ayos, kung inaayos niya ba 'yung buhay niya, lahat. Kagaya ng dati kong ginagawa. Kaso hindi puwede. Hindi puwede dahil isa lang 'yung gusto kong gawin niya ngayon, at 'yun ay ang magmahal na ng iba at kalimutan na ako.

Ayokong panghabang-buhay siyang makulong sa akin. Paano kapag umalis na ako? I don't want to be selfish. Gusto ko sumaya siya, kahit na wala na ako at kahit na hindi na ako ang dahilan ng saya na 'yon.

I want him to build our dreams with another woman. I want his eyes to stare another woman. His heart beating for another woman.

Kasi baka hindi ko na siya masamahan pang buuin ang mga pangarap na 'yon.

As I reached the front door I heard sobs. Pinihit ko ang door knob. Bukas 'yon.

Ryoc’s here.

As much as I wanted to turn myself away from the door, I can't. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong dahan-dahang buksan ang pinto.

The house was full of... furnitures. Lahat ng mga gamit na alam niyang magugustuhan ko. There are some fake flowers in a vase and some paintings hanging on the wall.

Nanghihina man ang tuhod ko, pinilit kong umakyat sa hagdan.

Tinalunton ng mga paa ko ang pamilyar na daan papunta sa espesyal na lugar para sa aming dalawa. 'Yung master's bedroom.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto dahil ayokong gumawa ng ingay na maaaring maging dahilan kung bakit niya ako makikita na ganito.

Hahawakan ko na sana ang door knob nang biglang magsalita si Ryoc sa loob.

"—Laine? Puwede ba sagutin mo lahat ng tanong ko? Papakawalan naman kita kung ayaw mo na, e. Huwag mo lang akong pahirapan nang ganito. Sabi mo hindi ka susuko 'di ba? Bakit biglang ganito?"

Tahimik akong lumuluha habang pinapakinggan ko ang pag-iyak niya. Siguro nga mas maigi nang isipin niya na may mahal na akong iba o 'di naman kaya sumuko na ako sa kanya. Siguro mas maigi na na kamuhian niya ako, na magalit siya sa akin.
Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang aking paghikbi. Ang sakit. Ang sakit at ang hirap. Ayokong nakikita siyang ganito. Pero hindi puwede. Ayokong magkasalubong o magkita ulit kami. Hindi ko na alam kung dapat niya pa rin ba akong mahalin pagkatapos ng sakit na idinulot ko sa kanya.

Dahan-dahan akong napasandal sa pinto at tinakpan ko ang bibig ko habang umiiyak kasabay ng pag-iyak ng lalaking mahal ko. 

Maya-maya ay tumahimik. Maingat kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang yakap ang isang picture frame.Madilim sa may parteng kinatatayuan ko dahil gabi na rin at hindi niya binuksan ang mga ilaw kaya hindi niya ako napansin.

"I love you, Laine. Forever and always." sabi niya bago niya hinalikan ang picture frame. Hanggang sa mabilis na siyang nakatulog. Tinatakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang pag-iyak ko. Tahimik akong lumapit sa kinahihigaan niya at lumuhod sa tabi niya. Maingat kong hinaplos ang buhok niya.
"I love you too, Ryoc. Forever and always." mahinang sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya at mapahikbi.
Ilang minuto ko rin siyang tinitigan. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang guwapo niya pa rin. Pero mukhang pagod siya.
Naaawa ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko pero wala na akong magagawa. Lahat naman ng tao, umaalis.

Bigla siyang gumalaw sa pagkakahiga. Tulog mantika siya kaya hindi ako natakot na baka nagising ko siya. Dumiretso siya ng higa pero yakap niya pa rin ang picture frame.

Pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang aking sarili. Namumugto man ang aking mga mata, pinilit kong ngumiti at tumitig kay Ryoc na natutulog.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. 'Di ba nakipaghiwalay na ako? Bakit mo pa ako hinahanap?'Di ba dapat mag-move on ka na? Humanap ka na ng iba? Bakit, Ryoc? Bakit?" mahinang sabi ko habang gumagaragal ang tinig. "Please, kalimutan mo na ako. Aalis rin ako. Iiwan din kita." sabi ko habang tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
Hinalikan ko siya sa labi nang mariin. Alam kong baka ito na ang huling halik na maibigay ko sa kanya.
"Please, Ryoc, tama na. Forget me. Because I'm letting you go. I'm setting you free."
Lumayo ako sa mukha niya.
"Hindi na puwede ang walang hanggan natin, Ryoc."

Tumayo ako at sa huling pagkakataon, tinitigan ko siya.
"Mahal kita, that's why I want you to move on. Move on without me."
Naglakad ako papalapit sa pinto. Bago ko buksan 'yon at tuluyan nang lumabas ng kuwartong 'yon, ibinulong ko ang apat na salitang gusto kong marinig niya bago ako mawala.

"Mahal kita,I'm sorry."

Grave of Dead Dreams (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon