Ryoc’s POV
Pagkatapos kong makalabas ng ospital dumaan muna kami ni Maha sa bahay nila Laine. Iniuwi na ni Papa ang mga gamit ko at para maayos na rin ang bahay.
Pagdating namin d'on gan'on pa rin ang itsura n'on simula n'ong gabing nakipag-break siya sa akin. May mga kurtinang nakasabit pa rin sa mga bintana. Pero naka-lock ang mga pinto. Maha tried to rang the doorbell pero walang sumasagot. Papasuko na sana kami nang lumabas ang kapitbahay nila na siguro e naingayan sa amin ni Maha.
"Aba, sino hinahanap niyo d'yan?" sagot ng matandang lalaking lumabas galing sa kabilang bahay.Puro puti na ang buhok niya at nakasuot pa ng pajama habang may hawak na dyaryo."Ah, Manong, good morning po. Hinahanap po sana namin si Lara Janine o kaya po 'yung parents niya." sagot ni Maha.
Lumapit sa amin ang matanda.
"Naku,'yung mga De Vera ba? Umalis sila tatlong araw na ang nakakalipas. Maraming bitbit na gamit. E iniwan nga 'yong aso, e. Sabi baka matagalan bago sila makabalik."Nagsalita ako.
"Manong, bakit sila umalis? Saan sila nagpunta?""Aba'y 'di ko alam. Ang rinig ko lang e baka lumipat na sila ng titirahan.'Nong isang gabi nga e may lalaking nagpunta d'yan tapos ang ingay. Umiiyak. Tapos kinuha pa 'yong aso."
Napangiti ako nang alanganin. Napakamot ako sa ulo ko.
"E, manong, girlfriend ko ho kasi ang anak nila. E nagtataka lang ako bakit biglang hindi na nagpaparamdam."Natawa ang matanda.
"Naku, patay tayo d'yan."Naiinip na nagsalita si Maha.
"Grabe ka naman, Manong!"Sa pinto ng bahay ng matanda lumabad ang isang babae na nakasuot din ng pantulog na pinatungan ng robe. Lumapit siya sa amin at inalalayan ang matanda.
"Naku, Papa! Ikaw talaga! Malalagot na naman tayo kay Mama kapag nalaman niya na umalis ka sa higaan mo!" tumingin siya sa amin. "Ay, anong kailangan nila? Ginulo ba kayo ni Papa? Pasensya na kayo at may pagka-ulyanin na kasi ang Papa, at saka kung ano-ano na ang sinasabi."
Lumapit si Maha sa babae.
"Ah, Miss, itatanong lang sana namin kung nasaan na 'yung mga De Vera.'Yung mga nakatira dito sa bahay na 'to." sabi niya bago itinuro ang bahay sa tabi namin.Napalingon ang babae sa itinuro niya. "Ah,'yung mga De Vera ba? Umalis sila. Matagal pa raw bago sila makakabalik ulit."
"Bakit po? Saan po sila nagpunta?" naiinip na ako sa paghihintay ng sagot sa mga tanong ko. Pareho lang ang sinabi nila ng tatay niya.
"Hindi sinabi ni Mrs. De Vera, e. Pero ang rinig ko may kailangan daw ata silang asikasuhin sa ospital. Parang gan'un. Pero ewan ko lang, ha? Si Papa kasi nagtatantrums n'ong nakausap ko si Mrs. De Vera kaya hindi ko narinig ang mga huling sinabi niya."
"Kasama niya po ba 'yung anak niyang babae n'ong kinausap niya kayo?"
Napaisip ang babae.
"Sino? Si Lara Janine? Ah, oo! Ang putla niya nga, e. Parang stressed.""Ano pong sabi niya? May sinabi po ba siya?"
"Wala naman... Para ngang kakaiyak niya lang nang makausap ko sila, e. Ewan ko. Naging malulungkutin 'yung bata na 'yon n'ong mga nakaraang araw."
Oh, God, Laine, ano bang nangyari sa' yo? What's the problem?
Napayuko ako at pinipigilan kong maglaglagan ang mga luha ko. Napansin ata ni Maha na nanghihina na naman ako kaya kumapit siya sa braso ko at hinila ako.
"Sige po, Miss, Manong, thank you po! Sorry po sa abala. Tara na, Ryoc!"
Hinila niya ako papalayo habang hindi ko na sinubukan pang punasan ang mga luha kong patuloy ang pagtulo.Huminto ng lakad si Maha at humarap sa akin.
"Ano ka ba, Ryoc? We need to be strong! We have to be strong! Paano natin siya mahahanap kung magiging mahina tayo?"
"Sabi ko naman sa'yo Maha, e... Ayaw niyang magpahanap..."
Hinawakan ako ni Maha sa magkabilang balikat at itinaas ang ulo ko para mapatingin ako sa kanya.
"Hahanapin natin siya. No matter what. Kahit na magalit siya, hahanapin natin siya at dadamayan natin siya sa problema niya, okay? Tutulungan kita."
Ngumiti si Maha na parang ina-assure ako na mahahanap namin si Laine.
"Just believe, okay? And don't lose hope. We need it right now that she needs us."We spent the next weeks calling friends at iba pang mga tao tungkol kay Laine or sa family niya. Umaasa kami ni Maha na isa man lang sa kanila makakapagsabi kung nasaan siya. But it all ended up to nothing.
Pilit naming pinagsasabay ni Maha ang trabaho at ang paghanap sa kanya. I even asked my co-workers na kung may makikita man silang babae na kamukha ng girlfriend ko, just tell me. I even gave them a picture of her. Baka sakali.
Pero kagaya ng isang taong naghahanap ng isang taong ayaw magpahanap, ang mga linggo ay naging buwan, hanggang sa hindi namin namamalayan ni Maha na halos limang buwan na pala kaming naghahanap.
Naghahanap sa wala.
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomantikNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...