Virgin pa naman ako. That one's for sure.
Pero matapos akong halikan ng letseng 'yon, parang gusto kong ulitin. Oo na, malandi na kung malandi, pero once in a lifetime lang 'to, kaya kailangang sulitin! Kung may pagkakataon, ulit-ulitin!
Pagkatapos niya akong halikan, tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Nasa sala lang siya at nanonood ng TV, habang kumakain ng pizza. Ako naman, nakatulala. Pero sa loob-loob ko, parang gusto kong magpa-fiesta at um-order na ng wedding gown sa bayan para mapagplanuhan na ang magiging kasal naming dalawa.
Hindi ako sumunod sa kanya. Shocked ako, sino ba namang hindi? Ikaw ba naman na halikan ng taong matagal mo nang gusto, baka maloka ka rin katulad ko. At saka, baka mamaya, isipin no'n, hinahanap-hanap ko halik niya kahit na ang totoo ay hinahanap-hanap ko naman talaga. First kiss ko 'yon. At kagaya ng normal na dalagang Filipinang umiibig(taray), pangarap ko rin na first kiss ko ang crush ko.
Hindi ako bumaba hanggang sa narinig ko ang kotse ni Daddy na pumaparada sa garahe. Binuksan ko ang pinto at pagbaba ko, nakasalubong ko si Ryoc, nakasuot ng apron at may hawak na sandok. Natatawa man ay sinaamaan ko siya ng tingin at humalukipkip. "Hoy Ryoc, anong get-up 'yan? Huwag mong sabihing nagluto ka?"
"Bakit, sweetheart? Husband-material na ba?" tanong niya bago kumindat at nag-lip bite.
Umirap ako bago ko siya nilampasan. Dumiretso ako sa pintuan para buksan ang pinto at salubungin si Mommy at Daddy. "Hi, My! Mano po, Dy! " sabi ko bago ako nagmano kay Mommy at Daddy na ngumiti naman at ginulo ang buhok ko.
"Hi po, Mama! Sa'yo rin po, Papa! " sigaw ni Ryoc na nagpunta na sa kusina. "Nagluto na po ako ng hapunan!"
"Oh, andito pala manugang ko! Sige, magpapalit lang ako, ha?"
Napanganga ako. Manugang? "My, anong manugang?"
Nilingon ako ni Mommy. "Bakit? Boyfriend mo naman si Ryoc, ah. Ang tapang nga ng batang 'yan, humarap sa Daddy mo. Boto ako sa kanya. Bihira na ngayon 'yong umaakyat ng ligaw sa bahay ng nililigawan nila, tingnan mo nga at ipinagluluto pa tayo para lang ipakita na mahal na mahal ka."
"Manliligaw pa lang, My! Manliligaw!"
"O, bakit? Do'n din naman patungo 'yon. S'ya, tulungan mo na 'yon mag-ayos ng lamesa. Pagbaba namin kakain na tayo," utos ni Daddy sa 'kin.
Mabilis akong nagpunta sa kusina at dinampot ang unang bagay na nahawakan ng kamay ko at itinutok kay Ryoc. "Hoy, Ryoc Johann. Anong sinabi mo sa parents ko?"
"Ang aggressive naman ng sweetheart ko! Pa-isa nga!"
"T*ngina mo ka talaga!" sabi ko bago ko siya binato ng hawak ko na kangkong pala.
Nakailag naman siya at tawa nang tawa. "Ito naman hindi mabiro! Siyempre kiss lang okay na 'ko!"
Namula ako. Buwisit ka Ryoc!
"Oh, sweetheart, bakit ka namumula? Gusto mong ulitin?" At ngising-aso na naman si tarantado.
Inirapan ko siya bago nilampasan at nagtungo sa cabinet upang kuhanin ang mga kubyertos at plato. "Ewan ko sa'yo! Mag-aayos na nga ako ng lamesa!"
"Naks naman! Puwede nang pakasalan! Pakasal na tayo, wala nang propose-propose!"
Inirapan ko lang ulit si Ryoc. Naglabas ako ng mga plato at kubyertos habang naghahain siya.
Bumaba sila Mommy at Daddy na nakapangbahay na. Pumuwesto na ako sa upuan ko at nagulat ako dahil umupo si Ryoc sa tapat ko. "Oy, puwesto 'yan ng Mommy ko," sabi ko habang tinititigan nang masama 'yong damuho na 'yon."Anak, okay lang. Si Ryoc naman, e." Lumingon siya kay sa kaharap ko. "Bigyan mo ako ng magagandang apo, ha?"
"Mommy!" saway ko sa kanya.
"E, si Laine lang naman po ang may ayaw sa akin, e," sabi ni Ryoc na umarte pang akala mo inapi. Papahid-pahid pa ng luha niya na peke naman dahil nakita ko na inilalapit niya kanina 'yong sibuyas sa mga mata niya habang nagluluto siya para mapaluha siya. Echosero!
"Gan'yan talaga 'yang anak kong 'yan, hijo. Pakipot. Parang ang Mommy niya," tatawa-tawang komento pa nito ni Daddy. For sure mamaya mabubunganga siya ni Mommy. Mukhang may matutulog sa sala mamayang gabi. Sorry, Dy!
"Ahm, My, Dy, kain na lang po tayo," sabi ko para matapos na ang asaran nila dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang pamumula ng tainga ko. Isa pa, titig na titig din si Ryoc sa 'kin. Gusto ko nang mapauwi 'tong lalaking 'to para makalma na ang utak at puso ko.
"Oo nga po, kain na lang po tayo. Gutom na po 'yung babaeng pinakamamahal ko, e."
Yumuko na lang ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Sinigang ang niluto ni Ryoc. Mesherep, kasing sherep ng lips niya hehe. Ay letse. Ang landi ko.Sinulyapan ko sina Mommy at Daddy at napansin ko na parang pati sila ay nasarapan din sa niluto ng lalaking 'yon dahil patango-tango si Mommy habang kumakain at si Daddy naman ay sunod-sunod ang pagsubo.
"So, Laine. Masarap ba?"
Nabilaukan ako sa tanong ni Ryoc. Nakatingin lang si Mommy na parang nagtataka habang inabutan naman ako ng baso ng tubig ni Daddy. Pagkatapos ubusin ang laman ng baso ay tumikhim ako. "Masyadong... masyadong maasim. "
Syempre sinabi ko lang 'yon. Masarap talaga luto niya. At dahil pakipot ako, s'yempre hindi ko ipapakita na gustong-gusto ko ang luto niya kasi ayoko na isipin niya na hinahayaan ko na siya na i-distract ako. Hindi ka puwedeng maging marupok, Lara Janine!
Nalungkot ang mukha ni Ryoc.
"Hijo, okay lang naman. Sakto lang sa panlasa. Maarte lang talaga 'yang anak kong 'yan, parang Daddy niya," patutsada ng nanay ko, parang gumaganti yata do'n sa komento ni Daddy kanina.
"Pero.. Ano...ahm...okay lang... Masarap."
Ang laki ng ngiti ni Ryoc nang marinig 'yon. Sumuntok pa sa hangin ang loko. "Talaga? Yes! Hayaan mo, kapag sinagot mo ako, araw-araw kitang lulutuan. "
"Pero mga anak, payo lang, ha? Hindi kami mahigpit tungkol sa ligawan na 'yan. As long as aakyat ka dito ng ligaw, hijo. At syempre priority niyo pa rin ang pag-aaral niyo," pangangaral ng tatay ko.
"Promise po, kung magiging kami man po ng anak niyo, sasamahan ko po siyang abutin lahat ng pangarap niya," nakangiting sabi niya sa harap ng tatay ko.
Kitang-kita ko ang sincerity sa mukha ni Ryoc. Bigla tuloy akong nagdalawang-isip kung tama ba ang hinala ko na pinatitripan niya lang ako o hindi. Tama ba 'to, Ryoc? Dapat ba na magtiwala ako sa mga sinasabi mo?
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...