Ryoc's POV
I'm so excited since first job interview ni Laine 'yon. Kaya naman pagkatapos ng trabaho, mabilis kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan siya.
Ilang minuto nang nagri-ring ang cellphone niya pero walang sumasagot. Siguro tulog or hindi niya bitbit ang phone niya.
I hung up. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ako ng office. May mahinang ambon sa labas kaya nagmamadali akong naghanap ng masasakyan.
I was expecting na kapag binuksan ko ang cellphone ko bubungad sa akin ang text o chat ni Laine na nagsasabing nakatulog siya. Pero wala akong chat na natanggap pati na rin text.
Sa isip ko baka busy lang siya. Baka pagod o kung ano pa man kaya nakatulog na siya.
Nagpunta ako sa bahay nila to check on her at para makamusta na rin ang parents ng girlfriend ko. Malayo pa lang tanaw ko na si Laine na nakadungaw sa terrace. Parang malalim ang iniisip niya. Patay na ang ilaw sa 1st floor kaya sa tingin ko tulog na ang parents niya.
Iwinagayway ko ang kamay ko para makuha ang atensyon niya. Tinignan niya ako at pumasok sa kuwarto niya. Maya-maya bumukas ang front door.
Bumungad sa akin ang Laine na namumugto ang mga mata. May eyebags. She looks so much stressed.
"Hi, Sweetheart. Bakit gising ka pa?" sabi ko bago ko siya niyakap at hinalikan sa noo. "Teka, umiyak ka ba?"
"I didn't. Kakagising ko pa lang kasi."
"Oh, I see." sabi ko bago ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "Na-receive mo ba ang message ko? I was calling you earlier pero hindi ka sumasagot."
"I... I haven't checked."
"Uhm, gusto mo ba sa terrace tayo? Para mahangin."
Tumango si Laine. She's unusually timid today.
Umakyat kami at nagpunta sa terrace. Hinila ko ang dalawang upuan sa gilid at pinaupo ko siya d'on. Umupo naman ako sa tabi niya.
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Inakbayan ko siya at tumingin din sa kawalan kagaya niya.
I stared at the moon. Bahagya 'yong natatakpan ng mga ulap. You can't see any stars in the sky dahil makulimlim ang panahon.
The moon has always been so important to me. Kahit na anong dilim pa ng gabi, pakiramdam ko palaging hindi ako nag-iisa dahil nand'yan ang buwan.
"Ryoc?"
Nawala ang konsentrasyon ko sa pagtitig sa buwan nang marinig ko ang boses ng girlfriend ko.
"Bakit, Winnie? May problema ba?"
"Paano kung hindi pala tayo magkasamang tumanda?"
Nagulat ako sa tanong niya.
Simula n'ong maging girlfriend ko siya, siya lang ang tanging iniisip ko na kasama ko hanggang sa mamatay ako. Ayoko, huwag naman sana.
"Ayoko,Laine."
"What if?"
"Wala akong pakielam kahit tadhana pa ang maghiwalay sa atin. Nangako ako sa Diyos na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. Pero kung Siya ang maghihiwalay sa atin, gagawin ko ang lahat, Laine. No matter how hard it is. No matter how impossible it is. "
" Paano kung... "
" Paano kung?"
"Paano kung ako na pala 'yung... Nevermind."
Tumingin ako sa kanya.
"Laine, may problema ba tayo?"
"Hindi ko alam. Meron ba, Ryoc?"
"Laine naman, e. Tell me, what's the problem?"
Natawa si Laine. Tawa na parang pilit.
"Ano ka ba, Ryoc. Walang problema. Wala, promise.""You sure you are alright?"
"Yeah, I am. Stressed lang ako sa paghahanap ng trabaho."
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yon.
"Alagaan mo sarili mo, ha? Hindi ako palaging nand'yan agad sa tabi mo para alagaan ka."I saw her face suddenly changed expression. Lumungkot bigla si Laine, I don't know why.
"Laine,talaga bang okay ka lang?"
"Oo nga. I'm fine. Kaya ko pa ngang mag-exercise sa harapan mo, oh."
"Sigurado ka, ha."
"Oo nga po. Ang kulit naman po e."
I hugged her tighter.
"Beaaaar hug!"
"Hala, Ryoc? Gaya-gaya ka talaga!" sabi niya habang sinusubukang kumawala sa yakap ko.
Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Syempre, idol kita, e. Ayoko na ngang yakapin ka, ayaw mo naman e."Aalisin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kanya nang pigilan niya ang mga kamay ko.
"Please, Ryoc. Pwede bang ganito muna tayo kahit sandali lang?"
"Oo naman." hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Itinukod niya ang noo niya sa balikat ko. Bumulong siya nang mahina, gusto niya yatang hindi ko marinig ang sasabihin niya, pero dahil sa distansya namin sa isa't isa, narinig ko ang mga salitang ayokong isipin na mangyayari sa amin.
"Sulitin na natin 'to, baka ito na ang huling yakap na mabibigay ko sa'yo."
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomansaNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...