Pinatawag nga kami ni Sir Cristobal sa office niya pagkatapos ng klase.
Abot-abot ang kaba ko. Paano kung ipatawag si Mommy? Paano kung mapagalitan kami ni Sir? Baka isipin ni Mommy lumalandi lang ako sa school. I mean, wala namang kaso kay Mommy kung si Ryoc, pero kahit na. Kahit na.
Buwisit ka talaga Ryoc!
"Uy, Laine. 'Di mo ba papansinin yung guwapong nilalang sa tabi mo?" pagpaparamdam ng asungot na kanina pa buntot nang buntot sa 'kin. Aso ka sis?
Okay, fine. Asong pogi. Happy, Laine?
"Hay naku, Ryoc. Mapapagalitan na nga tayo ng Tatay mo ang lakas mo pa magbiro," pagtataray ko para maitago ang kaba at kilig na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.
Humalakhak ang mokong pagkatapos nag-inat-inat at sumandal sa pader na nasa likuran niya. "Ano ka ba, huwag kang kabahan. Iwe-welcome lang no'n ang future daughter-in-law niya."
"Tantanan mo nga ako sa mga trip mo, Ryoc Johann Cristobal! Para kang timang!"
"Timang sa'yo, yieee."
"Tsk. Malala ka na," sabi ko bago ko hinawakan ang handle ng pinto papasok sa opisina ng Papa niya.
"Ako na." Inunahan niya ako sa pagbubukas ng pinto at niluwagan ang pagkakabukas nito para makapasok ako. Nginisian niya pa ako bago iminuwestra ang daan papasok. "This way, binibini."
Inirapan ko siya bago ako pumasok sa loob. Tumayo ako sa gilid dahil kinakabahan talaga ako. Nang makapasok si Ryoc, biglang nagsalita si Sir Cristobal. Sa gulat ko ay bahagya pa akong napatalon na dahilan para magpigil ng tawa ang katabi ko. Wala namang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Sir Cristobal. Itinuro niya lang ang upuan sa harapan namin. "De Vera, have a seat. You too, Ryoc Johann."
Naupo ako sa upuan sa kanan ng table ni Sir at naupo naman si Ryoc sa katapat na upuan nito. Maliit lang pero organized ang office ng tatay ni Ryoc. May table sa gitna, tatlong bookshelves na puro libro tungkol sa Science sa kanan, mga portfolio na nasa shelves sa kaliwa, at computer set na nakapatong sa table ni Sir. May dalawang upuan sa tapat nito at sofa sa tabi ng pintuan. Typical na faculty room.
"So, Ms. De Vera. Kailan mo ba sasagutin ang anak ko?"
What the f*ck.
What the f*ck.
Paulit-ulit akong nagmumura sa isipan ko. 'Langya Ryoc, pati ba naman tatay mo? I mean, oo na, gusto ko nga si Ryoc, pero sis, bigyan niyo naman ako ng kaunting kahihiyan. Kanina ko pa nararamdaman na para akong lalamunin ng lupa sa sobrang hiya! Isa pa, guwapo si Ryoc. Tapos, magkakagusto siya sa 'kin? Bulag ba siya? Baka naman nagayuma ko 'to nang 'di sinasadya?
"A, e, Sir masyado pa po kaming bata para sa ganyan..."
"Hija, ano pa bang hahanapin mo kay Ryoc? Virgin 'yan."
Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Sir.
"Papa oh! Binabasted ako! Ako na guwapo? Babastedin lang?" angil ni Ryoc sa tatay niya.
'T*ngina.
Kinikilig ako, oo. Andoon na tayo. Pero pakshet naman, Ryoc. Baka naman pinagtitripan mo lang ako.
"Ah, Sir... Hindi naman po masama kung maghihintay po tayo ng tamang panahon..."
Nag-cross arms si Ryoc at nag-pout na parang bata. Pakshet talaga.
"I understand, hija. I'm just messing with you." Nginitian ako ni Sir Cristobal. "Wala namang masama sa pagkakaroon ng boyfriend. Huwag lang mapapabayaan ang pag-aaral. And you, Ryoc, stop doing that idiotic face. Nakakawalang-gana."
"Pfft," pigil ko ng tawa bago ko iniiwas ang tingin ko mula kay Ryoc.
"Pinatawag ko kayong dalawa dito dahil kayong dalawa ang balak ipanglaban ng school sa InterHigh Science Competition. Mag-uumpisa tayo ng training at review next week," sumeryoso ang boses ni Sir Cristobal. "I really need your cooperation. The competition would be held 3 months from now kaya kailangan nating maghanda. Sige, 'yun lang. See you next week, after classes. Magdala kayo ng extra notebook at ballpen."
Hindi ko namalayan kung paano ako nakauwi sa bahay. Heck, 'ni hindi ko nga napansin na kasabay ko pala si Ryoc. Nang makauwi na ako para akong naglalakad sa alapaap na napahiga sa kama ko. Lutang. Mukha man akong walang pakielam outside, I'm actually screaming internally. Kinikilig ako, siyempre. Sino ba naman ang hindi? Ikaw nang umpisahang ligawan ng taong gusto mo, ewan ko na lang. Bato na lang yata ang hindi kikiligin.
Pero may parte sa akin na nagdo-doubt. Paano pala kung pina-prank lang ako ni Ryoc? Paano kung napasukan lang siya ng masamang espiritu kaya nagkagusto siya sa akin. Ilang beses ko na ring naranasan na maloko no'ng lalaking 'yon, at hindi imposible na gawin niya 'yon sa 'kin kahit na ngayon na medyo may isip na kaming dalawa. Trip na trip akong banasin no'n. Baka mamaya, isa na naman 'to sa mga kalokohan niya. Kalokohan na tiyak masasaktan ako.
O baka naman gusto niyang magpalakad sa ibang babae, kinukuha niya lang ang loob ko. Sa dami ba naman ng ibang mga babaeng nagiging ka-close ko dahil nagpapaturo sa mga assignments, hindi imposibleng isa do'n e natipuhan niya at gusto niyang malapitan. Pa'no kung natotorpe lang pala siya, at magpapalakad pala siya sa 'kin?
Madaming babaeng nakapaligid kay Ryoc. Guwapo nga, 'di ba? Ikaw ba namang mapaligiran ng iba't ibang mukha ng mga babae araw-araw, magkakagusto ka pa ba sa common lang ang hitsura katulad ko? Kahit nga yata sa panaginip, hindi ako magugustuhan no'n. Wala namang remarkable sa 'kin maliban sa pagiging pala-aral ko. 'Yon lang, wala nang iba pa.
Sh*t. Ang sakit isipin. Madalas kong subukang tignan lahat ng bagay ng may logic bago magdesisyon. Pero siguro, ito na yung bagay na ayoko nang pag-isipan, yung biglaang sugal na lang.
Pero ang hirap, e. Mahirap sumugal. G*go si Ryoc. Kilala ko siya. Paano kung pinagtitripan lang ako n'on?
P*tang*na Ryoc. Laman ka na nga ng utak ko, mas lalo mo pang ginulo.
Kinuha ko ang picture naming dalawa n'ong graduation namin ng Grade 6 mula sa photo album na palaging nasa tabi ng higaan ko at niyakap ko 'yon.
"Ryoc, please naman, sana totoo lahat ng nararamdaman mo. Ayokong masaktan, please. Sana, ako talaga ang gusto mo," bulong ko bago tuluyang makatulog na yakap ang picture naming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/187040161-288-k547658.jpg)
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
عاطفيةNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...