Ryoc’s POV
I still don't believe what that girl has said. Hindi ako naniniwala na ayaw na sa akin ni Laine, and even if it takes a lifetime, kahit na buong mundo pa ang kalaban ko, I'll still find her.
I spent my days more and more sa paghahanap sa kanya. Minsan hindi na ako pumapasok sa trabaho. Nagagalit na si Papa sa akin. He said that I'm being so obsessed on finding her.
"Ryoc Johann! Saan ka na naman galing?" galit na bungad sa akin ni Papa nang buksan ko ang pinto. Alas dose na ng hatinggabi at kakagaling ko lang sa kung saang lupalop dahil sa paghahanap kay Laine.
"D'yan lang sa labas."
"You think I'm an idiot? Saan lupalop ka na naman nakarating?"
"I don't know." sabi ko bago ko siya tinalikuran.
"Ryoc Johann! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
Hindi ko na lang siya pinakinggan at isinara ko ang pinto ng kuwarto ko. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame na punong-puno na ng agiw.
Halos isang buwan na rin pala akong hindi naglilinis ng kuwarto. Para na ngang binagyo ang kuwarto ko sa sobrang gulo. Magkahalo ang malilinis at maruruming damit, nakakalat ang mga sapatos, mga gamit sa trabaho, at mga balat ng pinagkainan.
Dinig ko pa rin ang boses ni Papa na pinapagalitan ako sa labas. Tumayo ako at nag-umpisang mag-ayos ng mga gamit ko. Mamaya na lang ako matutulog.
Halos hindi ako matapos-tapos sa kakalinis dahil sa sobrang kalat ng kuwarto ko. Binilisan ko na lang ang paglilinis para makatulog na ako.
Around 3 AM na ako natapos maglinis kaya n'on lang ako nakatulog.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sa sobrang pagod, mabilis din akong nakatulog.
Alas-nueve na ako nagising. Puyat pa rin ako. Ilang araw na rin akong absent sa trabaho ko. I don't feel like working unless makikita ko ulit si Laine. Wala akong ganang mabuhay kung wala naman siya sa tabi ko.
Bumaba ako papuntang kusina. Nakita ko roon si Papa, nagbabasa ng dyaryo.
Hindi ako kumibo. Alam kong galit siya sa akin. Dire-diretso akong nagpunta sa ref at binuksan 'yon. Inilabas ko ang isang pitsel ng tubig at kumuha ng baso. Pagkatapos, uminom ako ng maraming tubig para mawala ang panunuyo ng lalamunan ko.
"Buti naman naiisipan mo pang umuwi, ano?"
Hindi ko pinansin si Papa. Papalabas na sana ako ng kusina nang bigla siyang magsalita.
"Ryoc Johann, mag-usap nga tayo."
Huminto ako sa paglalakad. Pero hindi ako humaharap sa kanya.
"Humarap ka sa akin at umupo ka."
Ginawa ko ang sinabi niya. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa dyaryo. Ipinatong ko ang mga kamay kong magkahawak sa lamesa. Lumikha 'yon ng ingay na naging dahilan kung bakit napatingin si Papa sa akin.
Ibinaba niya ang dyaryo. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin."Hijo, ano ba talagang gusto mong mangyari sa buhay mo?"
Hindi ko kinikibo si Papa. Alam kong mahabang sermon na naman 'to.
"Halos mag-iisang linggo ka nang wala sa trabaho. Palagi kang umuuwi na galing sa kung saang lupalop. Kapag weekends wala ka rito sa bahay. Alam kong sinabihan na 'wag sukuan si Laine, pero gan'yan ba ang gusto niyang mangyari sa'yo? Maging walang kuwentang tao? "
" Kung sesermunan niyo lang ako mas maigi pang itahimik niyo na lang po ang bunganga niyo. "
" Aba, gan'yan ba ang pagpapalaki ko sa'yo? Hijo, pinapaalalahanan lang kita. You're not a teenager anymore! Bente singko ka na! Nabalanse mo nga 'yung oras mo dati, ngayon pa kaya hindi? And besides, stop looking for someone na iniwan ka na! Look at yourself! You look miserable! Is Laine here to see that, huh?"
"Sabihin mo sa akin 'yan Papa kapag nakalimutan mo na si Mama. She's not here too, right?"
Nagpantig ata ang tenga ng ama ko sa sinabi ko. Mabilis siyang tumayo at kinuwelyuhan ako.
"Huwag mong idadamay ang Mama mo rito!"
"Why, Pa? Kasi guilty ka na hindi mo pa siya nakakalimutan? Sa susunod po kung magbibigay po kayo ng advice sana 'yung nai-apply niyo na sa sarili niyo."
"Bakit, hijo? Akala mo ba mahirap kalimutan 'yong isang taong patay na? Ha? Gan'on ba 'yon?"
"Then tell me Papa. Mahirap din namang kalimutan ang isang taong umalis nang walang dahilan,'di ba?"
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Papa sa kuwelyo ko.
"Pa, hindi naman gan'ong kadaling lumimot. Look at yourself. You're living in denial. Sabi mo madali lang lumimot. Parang formula lang na dapat mong kabisaduhin. You're wrong Papa. Kasi kung gan'on kadali 'yon, hindi ko na sana hinahanap si Laine ngayon at hindi ka na rin sana umiiyak kapag nababanggit ng ibang tao si Mama. "
Inayos ko ang polo kong nagusot.
" Hindi ba sabi niyo sa akin 'wag kong sukuan? I'm just doing what I think I wanted to do with my life. As long as I'm not harming any other people, hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya. "
BINABASA MO ANG
Grave of Dead Dreams (COMPLETED)
RomanceNOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. Luckily, her heart beats for his name. With the support of their families and friends, the two lover...