This past few days ramdam ko na patuloy parin siya sa pagsunod sa akin kahit saan ako pumunta.Worst hindi na siya nag-iisa dalawa na sila pero hindi ko sigurado kung magkasama sila.
Minsan natatakot na ako lumabas or umuwi mag-isa,si kuya kasi hindi na ako nasusundo kaya naglalakad nalang ulit ako.May trabaho na kasi si kuya at ayoko naman istorbohin pa siya para lang sunduin ako dahil alam kong pagod din siya sa trabaho.
Ang isa sa mga sumusunod sa akin ay nakaitim na hoodie siya 'yung dati pa pero 'yung isa na bago bago palang nakamask siya na red.
Pinapakiramdaman ko ang paligid ko dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin.Isa pa babae parin ako at nag-iisa samantalang dalawa sila.
Who knows baka may dala silang baril at bigla nalang akong barilin diba?O kaya naman kutsilyo at bigla akong saksakin sa likod.
Tumigil ako sa pag-lalakad at pinagmasdan ang paligid sinusubukan kong hanapin sila pero masyado silang magaling magtago.
Nang mapagpasyahan kong maglakad na muli ay nagulat ako ng makita ang lalaking nakapulang maskara.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at kaba ng makita ko ang walang buhay niyang mga mata.
"W-who are you?"nangangatal ang boses ko.Im scared what if he'll do something bad to me?
I don't want to die this young.
"Scared princess?"Nakakakilabot.Nakakatakot ang boses niya...
"Why do you keep on following me?"Gusto kong palakpakan ang sarili ko ng magawa kong magsalita ng Hindi nauutal.
" 'Cause I want you to die."Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay nakita ko ang pagkamuhi at galit sa kanyang mga mata.
Napaatras ako dahil sa takot lumingon-lingon ako sa paligid at sa kasamaang palad ay wala akong makitang kahit sino.
Kahit magsisigaw ako,tumakbo o manlaban sa kanya alam kong wala itong magagawa.
May kakaiba sa aura niya ramdam ko yon malamig,mapanganib,nakakatakot.Sa kabila ng panganib napansin ko na parang masyado siyang maputla.
"Fight me princess,use your power I want to see what power do you have or do you really have one?"Nagtataka ko siyang tiningnan.Sira ba ulo nito?Power?Nagpapatawa ba siya?Sinong matinong tao ang maniniwala sa mga pinagsasasabi niya.
"What?Power?Are you serious?"Manghang tanong ko sa kanya.Hindi ko na napigilan ang matawa.Pero napatigil ako sa pagtawa ng makitang seryoso parin ang mukha niya.
Bigla nalang siyang napangisi Na nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam sa aking katawan.
"Oh,you don't know who you are.Sabagay hindi naman nila ipapaalam sayo 'yon para maprotektahan ka.Too bad dahil natagpuan na kita and I will kill you princess.I will!"Gamit ang nakakatakot niyang boses sinabi niya iyon na para bang madami siyang alam tungkol sakin.
Anong ibig niyang sabihin?Protektahan ako?Protektahan saan?Kanino?
Unti unti siyang lumalapit sakin at nagulat nalang ako ng makita na parang may apoy na unti unting nabubuo sa kanyang kamay.
"Y-you have powers?"Kinakabahang tanong ko sa kanya habang patuloy sa pag-atras.
"Yes,I have at ito ang gagamitin ko upang mapatay ka."Napapikit nalang ako ng makitang ibinato niya papunta sa direksyon ko ang bola ng apoy na inipon niya sa kanyang kamay.
Ilang segundo na ang nakakalipas pero parang wala akong maramdamang sakit o kahit ano sa aking katawan.Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at siniguro kung may natamo ba akong galos.

YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...