Lumipas ang mga araw at nanatili lang kami dito sa bahay ni Damon.Hindi na nila ako pinapasok sa school dahil delikado and I understand that.
Hindi nadin namin naiburol ang mga labi ng mga magulang namin agad na namin silang ipinalibing ni kuya.Alam kong nahihirapan na din si kuya at alam kong sa gabi umiiyak siya dahil sa pagkawala nila Mama.Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa,ni ayaw nila akong lumabas ng bahay.
Huminga ako ng malalim habang naglalakad-lakad sa garden ng bahay.Nitong mga nakaraang araw dito ako lagi tumatambay dahil gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nandito ako.Napakaganda ng hardin nila halatang alagang alaga.
Napagpasyahan kong maupo muna sa damuhan gusto kong mag-isip ng mga paraan kung paano ko mahahanap ang gumawa nito sa magulang namin.Sabi nila kuya sila Damon nadaw ang bahala sa mga taong 'yon pero gusto kong kahit papaano ay makaganti.Hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Damon ng masinsinan,kung bakit nandoon sila sa bahay namin,kung paano nila nalaman na kailangan namin ng tulong at kung bakit nila kami tinutulungan.
Hays...Hindi ko parin nakakausap si kuya tungkol sa nalaman ko.Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ng babae at kung sino ba talaga siya.Simula nung araw na nagpakita ng isang mensahe galing sa isang babae ang kwintas ko ay hindi ko na binalak pang buksan ang kahon.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Elena.Ang sabi niya kasi ay dadalaw daw siya sakin ngayon.Naisip ko ding sabihin sa kanya ang mga nalaman ko.Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa babaeng ipinakita sa akin ng kwintas na ibinigay ni Lola.Siya lang ang alam kong mapagkakatiwalaan ko dahil alam kong kapag sinabi ko ito kay kuya maaaring ilihim nalang niya sa akin ang mga dapat kong malaman.Ayoko na din dagdagan pa ang mga problema ni kuya.Gusto ko lang may magpasabihan dahil hindi ko kayang sarilinin nalang ito.
Nakailang ring lang ay sinagot na ito ng kaibigan ko.
"Hello Zaffy?"Masayang bati niya mula sa kabilang linya.
"Papunta kana ba?"tanong ko sa kaniya
"Oo,malapit na nga ako eh."natatawang sabi niya.Naiinip na ako dito eh.
"Sige ingat ka,nandito ako sa may garden hintayin nalang kita."Sabi ko sa kanya at pinatay ang tawag.
Habang hinihintay dumating si Elena ay napagpasyahan kong kumuha ng isang puting bulaklak.Napakaganda nito at napakabango.
"Huy!"Nagulat ako ng may sumigaw mula sa likuran ko dahilan para mabitawan ko ang bulaklak.
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa kaya nilingon ko siya.Tuwang tuwa pa ang baliw kong kaibigan dahil sa naging reaksyon ko.
"Sige,tumawa kapa sasapakin na kita."nakasimangot kong banta sa kaniya at saka siya tumigil sa kakatawa.Napairap nalang ako sa inasal niya.
"So anong ganap at gusto mo akong kausapin?"Tanong niya at saka umupo sa tabi ko.
"Can you promise me that you will never ever tell anyone about this?"Seryosong tanong ko sa kanya.
"I promise."she nodded at itinaas pa ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Ok.So let's start,remember the two guys na sinabi ko dati na laging sumusunod sakin?"I ask and she nodded.
"Last week nagpakita sila sakin and the guy with the red mask wants me dead while the guy with the black hoodie protects me.'Yung naunang lalaki ay Lestat ang pangalan at ang nakakagulat ay si Damon ang isa.They have powers Elena,they are vampires.They drink blood!They have fangs!Sabi ni Lestat may hindi sinabi sakin ang pamilya ko.He even called me a princess.Nalilito na ako."Mahabang lintanya ko sa kaniya.
YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasíaI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...