Chapter 4

92 21 4
                                    


Kinabukasan maaga akong nagising,tutal wala din naman kaming pasok siguro dito nalang ako sa bahay.

Sa wakas mapapahinga nadin ang utak ko.May part parin kasi sakin na hindi makapaniwala sa mga nalaman at nasaksihan ko kahapon.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa pamilya ko ang nangyari o hindi.Ayoko din naman silang mag-alala pa sakin.Ayoko din sabihin sa kanila na may gustong pumatay sakin sa hindi ko maintindihang dahilan.Pero sa kabilang banda may karapatan din naman sila malaman ang mga ganap sa buhay ko.Naguguluhan ako kung sasabihin ko ba o hindi?

Kung sasabihin ko mag-aalala sila,kung hindi ko sasabihin parang wala lang.Kung malalaman nila pwede ko silang tanungin kung ano ang ibig sabihin ni Lestat kahapon.

May tinatago ba sakin ang pamilya ko?Ay bahala na.

"Anak kanina kapa nakatayo diyan"Hindi ko namalayan na sa sobrang lalim ng iniisip ko nakarating na pala ako sa hapagkainan.

"Mukhang malalim iniisip mo anak ahh,what is it?"sabi ni mama habang ihinahanda ang almusal namin.

"Wala po Ma,inaatok papo siguro ako."Nginitian ko nalang si Mama.

"O'siya sige tawagin mo nalang 'yung kuya at papa mo at ng makakain na tayo"Nag-nod nalang ako kay mama atsaka pinuntahan sila kuya at papa.

Pinuntahan ko si papa sa garden at sinabing kakain a,tumango lang siya sakin at sinabing susunod nalang siya.

Pinuntahan ko si kuya sa kwarto niya,kumatok muna ako ng ilang beses bago pumasok.Nadatnan ko si kuya na mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan ang gwapo kong kapatid.Ang swerte ko sa kanya lagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko,lagi siyang nandiyan para sakin I'm so blessed to have him as my brother.

"Kuya!Gising na kakain na tayo!"Sigaw ko kay kuya sabay yugyog sa kanya pero wala itong epekto dahil mahimbing parin ang tulog niya.Ilang beses ko na siyang niyugyog pero wala talagang epekto.

Napabuntong hininga nalang ako napakasleepy head niya talaga.Nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya magigising dahil gutom na ako at gusto ko ng kumain.

Napangisi ako ng makaisip na naman ako ng kalokohan para lang magising si kuya.Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"Ma!Saglit nalang gigisingin ko na si kuya"Sabi ko kay mama tumango lang si mama,alam ko naman na alam ni mama ang gagawin ko eh what a supportive mother.

Pagbalik ko sa kwarto ni kuya ganon parin ang posisyon niya.Sinubukan ko ulit gisingin pero wala talagang epekto eh.Ayaw niyang gigising sige siya bahala choice niya yan.

Ibinuhos ko kay kuya yung pitchel na may lamang malamig na tubig.

"Holy sh*t!" 'di ko na napigilan ang tawa ko kasi naman sa sobrang gulat niya nahulog pa sa kama,haha.

"Hoy!Ang lamig 'non ah!Kitang natutulog 'yung tao!Napakabwisit mo talaga!"Tuloy parin ako sa pagtawa habang sinisigawan ni kuya,laughtrip kasi eh pati itsura niya namumula sa inis,haha.

"Well,kanina pa kita ginigising dahil kakain na pero walang epekto dahil tulog ka parin,so I don't have a choice pasalamat ka nga dahil walang yelo 'yan."Kibit balikat kong sabi sa kanya saka natatawang lumabas ng kwarto niya.

Pagpunta ko sa hapagkainan ay umupo na ako sa pwesto ko.Sinabi ko nadin Kay mama na susunod na si kuya,nandito nadin si papa at nagbabasa ng newspaper.

"Hoy Zaf!Humanda ka sakin pag ako talaga nakaganti magsisisi ka!"Inis na sabi ni kuya ng makaupo siya,ako naman heto at tawa ng tawa.

"Kanina kapa kasi ginigising ng kapatid mo Enzo,pasalamat ka nalang dahil hindi niya nilagyan ng yelo 'yung tubig."Malumanay na sabi ni papa sa kanya binelatan ko lang si kuya.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now