I can bring a dead to life again, that's awesome.
Lahat ng paghihirap na aking naranasan ay naging makabuluhan sa huli.Lahat ng sakit ay nasuklian ng saya.Ngunit hanggang ngayon ay takot parin ako.Natatakot ako na baka ito'y isang panaginip lamang dahil mas nanaisin kong hindi na muling magising pa.
Naramdaman ko ang kaniyang mga bisig na pumalupot sa aking baywang na dahilan ng aking pag-ngiti.Tila nawala sa aking isipan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.Napapayapa ako sa tuwing nandiyan siya sa aking tabi.Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib,tila namamahinga.Nakapaperpektong sandali na sinabayan pa ng preskong na simoy ng hangin.
Narito kami ngayon sa balkonahe ng aking silid.Pinagmamasdan ang maganda hardin sa kaharian.Ninanamnam ang bawat sandali na kami'y magkasama tila takot na kami na mahiwalay pa sa isa't isa dahil sa mga masamang pangyayari.
"What are you thinking?"Mas lalong lumaki ang mga ngiti sa aking labi dahil sa kaniyang katanungan.
"Hindi ba dapat ay alam 'yon, aking Prinsipe?"Narinig ko ang kaniyang buntong hininga kaya naman hindi ko na napigilan pa ang aking pagtawa.
"I want you to have privacy."Hindi ko maiwasan ang aking pag-irap.Privacy daw pero deep inside binabasa niya din ang nasa isipan ko.Napakabulok na palusot,mahal ko.
"Let's go.They are waiting."Napasimangot ako ng biglaan kundi lamang mahalaga ang aking gagawin ngayon ay hahayaan ko silang mag-hintay.
"My love, that's bad."Humarap ako sa kaniya at ikinawit ang dalawang kamay sa kaniyang batok.Aking tinitigan ang kaniyang mukha at tila ito'y aking kinakabisado.Sana lamang ay hindi na kami maghiwalay pa.
"Alam kong gwapo ako,huwag mo na akong titigan ng ganyan."Nawala ang ngiti sa aking mga labi at napalitan ng simangot.Hinampas ko ang kaniyang dibdib dahilan upang ako'y kaniyang pagtawanan.
Itinulak ko siya at nilagpasan,minsan hindi na nakakatuwa ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.Nasobrahan 'yata sa kumpyansa sa sarili ang lalaking 'yon.
"Halika na! Naghihintay na sila."Sa isang iglap lang ay narito na agad siya sa aking tabi.Kinuha niya ang aking kamay at pinagdaop ang aming mga palad.Habang naglalakad ay nginingitian ko ang bawat kawal o tagapag-silbi na aming nadaraanan.Ako'y lubos na nagpapasalamat at ligtas ang mga ito at hindi nadamay sa nangyaring gulo.
"Aunt Zafrina!"Nakaramdam ako ng lubos na kasiyahan ng marinig muli ang tinig ni Irina.
Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na siya namang aking ginantihan.Narinig ko ang kaniyang paghagulgol habang nakayakap sa akin kaya naman ako'y nag-alala.Iniharap ko siya sa akin at pinahid ang luhang naglandas sa kaniyang mata.Hindi ko mapigilan ang aking emosyon at maging ako ay naiiyak na din.
"Ano ang dahilan ng iyong pag-iyak?Tumahan kana..."
"Akala ko po ay hindi ko na kayo makikita pa."Napangiti ako sa kaniyang sinabi.Hindi ko alam na sobra ang pag-aalala sa akin ng batang ito.
"Hinding-hindi mangyayari ang bagay na kinatatakutan mo,pangako."Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at pinilit ngumiti para sa akin.Napakagandang bata at may mabuting puso pa.Nawa'y lumaki siyang malakas at matatag ngunit nagtataglay din ng busilak na kalooban.Sana ay kayanin niya ang kalupitan ng mundong ito.
"Irina,halika na."Agad tumakbo ang bata patungo sa kaniyang Ina.
Lumingon ako kay Damon na nasa aking tabi,batid ko na kanina niya pa ako pinagmamasdan.Ikinawit ko na ang aking sa kaniyang braso at inaya na siyang umalis.
"Alam kong maganda ako kaya hindi mo na dapat ako tinitigan pa."Kita ko mula sa sulok ng aking mata ang kaniyang pag-irap.
"Now,you know how it feels when you're saying the same words?"Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa ng hindi siya sumagot sa akin.
YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...