Chapter 19

17 9 1
                                    

Here we go again nasa byahe na ulit kami.Bored na bored na ako dito.

Napakalayo naman pala ng Retoresca kahapon pa kami naglalakbay.Kung kaya ko lang magteleport or gumawa ng portal ay ginawa ko na.

"Bored na bored na ako."Nakanguso kong reklamo sa kanila.

"Hindi lang ikaw Zaf."Sumandal si Jerzy at ipinikit nalang ang mga mata niya.

Si Damon kanina pa 'yata natutulog dahil simula ng maglakbay ulit kami ay nakapikit lang siya.May natutulog pala na nakakunot ang noo?Amazing.

"Don't stare at me,I know I'm handsome."

Napangiwi ako sa sinabi niya.Medyo nagiging makapal na din ang mukha niya.Nahahawa na siya sa pagiging mahangin ni Jerzy.

"Ang taas ah!Hindi ko ma-reach self esteem mo."I heard his chuckled so I rolled my eyes.

"That's the truth,my love.I'm handsome and a good looking man.Many girls were drooling over me."Gusto ko na pumalakpak dahil sobra na talaga ang kakapalan ng mukha niya.

Sobrang proud pa siya ah.Nice!

"Guys feel niyo 'yon?Napakahangin 'no?"Umarte pa ako na parang nilamig.

Nagtaka naman si Jerzy sa sinabi ko.

"Huh?Paano?Hindi naman ako gumamit ng kapangyarihan ah?"Inirapan ko nalang siya at napa-facepalm.

Si Elena busy sa sight seeing niya sa bawat puno o halaman na nadadaanan namin.She's using her power to bloom every plant that we are passing by.

Tumayo ako ng may makita akong isang napakagandang paru-paro.Sinubukan ko itong abutin para sana matitigan ko ito ng maigi.

Napasigaw ako ng muntik na akong mabuwal dahil bigla nalang huminto ang sinasakyan namin.Mabuti nalang at nahawakan agad ako ni Damon.

"Are you okay?"Tumango nalang ako.Sumilip sa bintana si Jerzy para tingnan kung bakit kami huminto,bigla nalang naging seryoso ang mukha niya.

Parang bumigat ang hangin.Maging si Elena ay naging seryoso ang itsura.Nakaramdam ako ng kaba dahil sa biglang pagbabago ng mood nila.

"Dito ka lang."Tumango ako sa kaniya at lumabas na siya kasama si Jerzy.

Naiwan kaming dalawa ni Elena dito sa loob.Hinawakan ko ang kamay niya para kahit papaano mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

"Magiging okay lang naman sila 'di ba?"Elena gave me a small smile before she nod.

Bigla nalang lumakas ang hangin at nakarinig ako ng tunog ng kulog at kidlat.I can hear the howl of the wolves.

Yumanig din ang lupa dahil para may nagbagsakan na kung ano.

"Zaf,dito ka lang titingnan ko kung ano ang nangyayari sa labas."Bago ko pa mapigilan si Elena ay lumabas na ito.

Masyadong delikado baka mapahamak siya.

"Help them,my child."

Sa gitna ng takot na nararamdaman ko ay bigla ko nalang narinig ang boses ni Selene.

Mas lalong tumindi ang mga pagyanig na naramdaman ko.Mga sigaw ng lobo ang nangingibabaw sa paligid.Nang marinig ko ang sigaw ni Elena na parang nasasaktan ay nakaramdam ako ng galit.

Unti-unting nagliwanag ang buong katawan ko kasabay ng pagpalit ng kulay ng aking mga mata.I can feel a strong power that was overflowing.

Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa paligid.Nakatayo lang ako dito ng magsimula na naman silang maglaban-laban.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now