Pagkagising ko ay agad na akong nagbihis dahil pinayagan na nila akong pumasok sa school.Kailangan kong mag-ingat dahil hindi ko alam kung ano ang mga posibleng mangyare.Bumaba na ako para kumain ng umagahan.
Nandoon na sila at ako nalang ang hinihintay.Inayos ko muna ang bandage ko.Naglagay din ako ng bandage sa kamay ko dahil namamaga ito.
Nang makaupo ako ay kumain ako kaagad.Masaya ako dahil makakapasok na ulit ako makaraan ang ilang linggo.
"Zaf,please be careful...Ayokong may mangyari ulit na masama sa'yo."seryosong Paalala ni kuya sa 'kin.Napatigil naman ako sa pag-nguya at tumango sa kaniya.
Napadako ang paningin ko kay Damon na seryosong nakatitig sa akin na parang may ginawa akong masama.Nailang ako sa paraan ng pag-titig niya sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon ang buo kong atensyon sa pagkain.
Matapos kumain ay nagmamadali akong tumayo para sana pumasok na sa school.
"Sandali Zaf!"Napairap naman ako at bagot na tumingin kay kuya na may nagtatanong na ekspresyon.
"Bakit na naman?"Inis na tanong ko.Excited na akong pumasok eh.
"Sasabay ka kay Damon.Masyadong delikado kung mag-isa kang papasok."Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya kasabay sina Elena at Jerzy kaya hindi na ako nakaangal pa.Nahihiyang napatingin naman ako kay Damon na seryosong nakatingin sakin.Inirapan niyaang ako at dumiretso na sa labas.
Napabuntong-hininga nalang ako at sumunod na sa kaniya sa labas.Nadatnan ko siya sa loob ng kotse kaya sumakay na din ako at nagseatbelt.
Buong biyahe namin papuntang school ay hindi ako umimik.Ni hindi ko siya nilingon,nakatuon lang ang buo kpong atensyon sa bintana at pinagmamasdan ang aming dinadaanan.Hindi ko alam pero may mga oras na gusto ko siyang makita at makasama pero may mga oras din na ayokong nakikita siya dahil naiirita ako.Ewan ko ba.
Paghinto ng sasakyan sa parking lot ng school ay agad akong bumaba.Feeling ko first time ko dito.Namiss ko ito 'yung pumapasok sa school.Ang dami na sigurong nangyari dito.
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla nalang may humitak sa kamay ko patalikod.And there he is with his famous expression.Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya.Plano ko pa naman mag enjoy ngayon pero mukhang umagang-umaga eh badtrip ako.
"Bakit na naman?"Pataray kong tanong sa kaniya sabay crossarms.Akala niya ba porket may gusto ako sa kaniya eh di ko na siya tatarayan?Well, hell no!
"What's your problem eh?"Inis na tanong niya sakin.Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Wala akong problema."Pagkasabi ko 'non ay nauna na siyang naglakad sakin.Ang bilis naman niyang kausap!
Hanggat maaari pipigilan ko na itong nararamdaman ko para sa kaniya.Ayokong masaktan sa huli.May kaniya-kaniya kaming obligasyon at responsibilidad na kailangan gampanan.At sigurado akong kaya niya lang ako pinoprotektahan dahil 'yun ang kailangan.From now on siguro hindi ko nalang bibigyan ng meaning lahat ng gagawin niya.Ayoko mag-assume kasi sigurado sa huli ako lang din ang masasaktan.
Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa klase ko.Nasa pinto na ako ng maalala ko na kaklase ko nga pala siya.Napatampal nalang ako sa aking noo bakit ngayon ko lang naalala.Dumiretso nalang ako dahil nandito na ako,wala akong magagawa.I will just try my best to ignore what he is doing.
Wag kang marupok Zaf!Sigaw ng isip ko sa akin.
Nang makita ako ng mga kaklase ko ay binati nila ako.Sobrang miss na daw nila ako they also said na nalulungkot sila sa nangyari sa family ko.Well my mom and dad were so friendly na miski mga kaklase ko ay napalapit na sa kanila.Kaya naman samin kami lagi gumagawa ng projects dahil gusto nilang makakwentuhan ang parents ko.
YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...