Chapter 20

26 9 0
                                    

"Saan tayo pupunta?"Bulong ko kay Damon.

Kanina pa kami naglalakad dito,pwede naman kasi tumakbo pero ayaw nila.Okay na din siguro dahil ang ganda talaga dito!Para kang nasa isang paraiso.

"Sa palasyo, naghihintay na sila 'don."Huminto kami sa tapat ng isang karwahe pero hindi katulad ng sinakyan namin kanina.

Mas maganda ito at pang-maharlika talaga.Open siya at ang ganda ng upuan na may mga bulaklak sa paligid.Kulay white and gold siya.Inalalayan ako ni Damon para umakyat at makaupo na,ganoon din ang ginawa ni Jerzy kay Elena.

Tabi kami ni Damon at magkaharap naman kami ni Elena.Ngumiti lang siya sakin kaya ganon din ang ginawa ko.

We're heading to the palace to meet my family.Mas nangingibabaw na ang saya at excitement sakin kaysa sa kaba.Ang gaan ng pakiramdam ko at ramdam ko na nakauwi na ako.

Tahimik lang kaming apat at parang may kaniya-kaniyang mundo.Napapansin ko na simula noong dumating kami dito ay hindi na madalas mag-usap si Jerzy at Elena.Siguro iniisip nila kung anong mangyayari sa oras na makita ng isa sa kanila ang mate nila.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking ginto na gate.Bumaba na kami at hinintay na pagbuksan kami ng mga kawal.Grabe ang ganda talaga at ang taas pa.Mas namangha ako ng makita ang garden na nadadaanan namin.

Kung maganda ang hardin kanina mas maganda ang nandito ngayon.May mga nebulae at devas din kagaya kanina.Alagang-alaga talaga ang mga halaman.

Sa gilid ng daan ay kumikinang ang bulalak ng isang halaman.Gawa siya sa diamond at gold ang tangkay.This place is like out of this world!

'Yung tatlo kong kasama ay diretso lang at seryosong naglalakad habang ako parang bata at manghang mangha sa paligid.

"Ang ganda naman ng garden na 'to."Damon put his hand around my waist dahil baka kung saan nalang daw ako mapunta bigla.

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.Gusto ko lang naman i-appreciate yung ganda ng lugar na 'to.

"Later,I'll tour you around."Lumawak naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Ako na magdadala ng bag ko."I tried to get my bag but he refused.

"No.Let me carry it."Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya.

Pumasok na kami sa loob ng palasyo at sobrang ganda nito.Hinakawan ni Damon ang kamay ko dahil ramdam niya siguro ang kaba ko.

Matagal-tagal na din simula nung huling magpakita sa panaginip ko si Ina.Hindi ko alam kung anong una kong gagawin sa oras na makaharap ko na sila.

Dumiretso kami sa parang malaking sala, kung saan tinatanggap ang mga bisita.Isinantabi ko na muna ang pagkamangha ko dahil nakita ko na sila.

Agad na napatayo ang mga taong matagal nawalay sa'kin.I felt something in my chest.My eyes became blurry because of so much tears.I can feel so much happiness.Akala ko noon ay mag-isa nalang ako dahil nawala na sa'kin sila kuya.

Akala ko wala na akong pamilya at ulila na.Hindi ko alam ang gagawin ko nanatili lang ako nakatayo at hindi malagalaw.I dont know what to do at this time.Nawala ang kaba na nararamdaman ko at napalitan ng saya.

I felt complete knowing na may pamilya pa pala ako.Unti-unting naglakad papalapit sa'kin si Ina at niyakap ako ng mahigpit,ganon din ang ginawa ko.Kagaya ko ay iyak din siya ng iyak.Napahagulgol ako ng tawagin niya akong anak.

I can feel the warmth in her hug,a mother's hug.Sobrang saya ko dahil nahagkan ko na siya sa wakas.Ang tagal ko nang hindi nararamdaman ang yakap ng isang ina.Kahit na nakakaramdam ako ng saya ngayon,may part sa'kin na nalulungkot dahil wala na sila mama,papa at kuya.I know they're happy seeing me with my real family.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now