Nandito ako ngayon sa room namin nakatunganga.Napaaga ang pasok ko ngayon iilan palang ang mga estudyante. Actually tinatamad pa akong pumasok ngayon pero mas tatamadin naman ako kung nasa bahay lang ako.
Dumukdok nalang ako sa armchair ko,siguro hihintayin ko nalang si Elena magaling naman na siguro yon kaya makakapasok na siya.Namiss ko 'yung bruhang yon sayang lang at hindi ako nakadalaw sa kanya kahapon iniisip ko kasi si kuya.
Naramdaman kong may umupo sa mga katabing upuan ko kaya napaangat ako ng tingin.Nilingon ko ang nasa kaliwa ko na si Jerzy nginitian niya naman ako.
"Hey,goodmorning Zaf."He smiled widely, geez bakit ba may mga taong ganito kagwapo.Nginitian ko nalang siya at bumaling ako kay Damon habang todo ngiti.
"Stop smiling, it's creepy."Nawala naman ang matamis kong ngiti sa sinabi niya nakakainis talaga siya kahit kailan.
"Zaffy!"Napalingon naman ako sa pinto ng marinig ko ang Sigaw ng matalik kong kaibigan.Nakalunok yata ng microphone 'to eh.
"Oh?"bored kong sabi sa kanya dahilan para sumimangot siya.
"Grabe hindi mo ba ako namiss?"Nakanguso niyang sabi sa akin.Napairap nalang ako sa kadramahan niya.
"Oy!Kayo ba 'yung transferee?"tanong niya sa dalawa.Tumango naman si Jerzy at nginitian si Elena samantalang parang wala namang pake si Damon.
"Hoy asungot lumipat ka ng upuan diyan nakaupo si Elena"Sabi ko kay Damon pero ang walanghiya hindi ako pinansin at dumukdok lang sa armchair niya.
"It's ok Zaffy,dito nalang ako sa tabi ni Mr.redhair."tumango nalang ako at sinamaan ng tingin si Damon.
"I'm Jerzy not Mr.redhair "Natatawang sabi ni Jerzy sa kanya,para namang kamatis ang mukha ni Elena halatang kinikilig.
The Principal announced na may meeting ang mga teachers kaya wala ng klase.Wala ng ibang estudyante sa room maliban sa aming apat.
Pinagmasdan ko si Jerzy na masayang nakikipagkulitan kay Elena hindi ako makapaniwala na bampira siya,ano kaya ang powers niya?Gusto ko sana siyang tanungin pero kasi nandito si Elena at baka magalit si Damon sa'kin kapag nagkataon na kinausap ko si Jerzy tungkol 'don habang kasama namin si Elena.
"Zaffy, tara sa Canteen for sure gutom kana."aya sakin ni Elena.
"Salamat nalang kayo nalang ni Jerzy para makilala niyo ang isa't-isa."Nakangisi kong sabi sa kanya.Tinawanan lang naman ako ni Jerzy at hinatak na si Elena palabas sa room.
Napabuntong hininga nalang ako,ngayon kaming dalawa nalang Ni Damon dito.Gusto ko sana siyang makausap pero nagdadalawang isip naman ako.Gusto kong malaman kung bakit niya ako pinoprotektahan at ano ang koneksyon niya kay kuya.
"Ang lalim ng buntong hininga mo,may gusto kabang itanong?"Napalingon ako sa kanya teka don't tell me nababasa niya nasa isip ko?
"Hindi ko nababasa iniisip mo."Bagot na sabi niya.Hindi daw eh bakit alam niya nasa isip ko.
"It's obvious base on your expression,so what is it?"Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Si kuya,sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari simula sa pagsunod mo at sa kung ano ka"panimula ko "Pero parang wala lang sa kanya it seems like hindi na bago sa kanya ang mga tungkol sa mga kauri mo.Do you get my point?"he nodded.
"Feeling ko may tinatago si kuya sa'kin."Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Ano bang koneksyon mo kay kuya?"Tanong ko kay Damon.
"You will know everything,but not now."Napakunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon.
"Ganiyan din ang sinabi sakin ni kuya"natatawang sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...