Chapter 31

35 7 0
                                    

"Zafrina! Where are you going?!"I stopped running when Celeste called me.

I rolled my eyes before facing her.I was in a bad mood right now and I just want to cool down that's why I am escaping.

"Nakatakas si Leandro!Pinakawalan siya ni Carlisle!"And that's the reason why I felt so much anger.

"They were gone already."Fuck it!Nahuli na namin eh,bakit nakawala pa!

"Sorry to say this but I don't know what I can do to your freaking sister.Bitch!"

"Saan ka pupunta?"Sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay nasasaktan na ako.Napapikit ako ng mariin ng naramdaman ko ang pag-init ng buong katawan ko.

Nag-aala akong lumingon kay Celeste ng marinig ang pagdaing nito.Nadako ang aking paningin sa kaniyang namumulang palad,marahil ay napaso siya sa aking balat.

"I'm sorry..."Dahil sa guilt ay umalis na ako sa harap niya.Ngayon lang ito nangyari sa akin.

Hindi ko makontrol ang emosyon ko at hindi ito maganda.Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa gitna ng kagubatan.Napaupo ako sa lupa at inis na ginulo ang buhok ko.Naramdaman ko ang luha na tumulo mula sa aking mata.Naiiyak na ako sa sobrang inis at galit.Hawak na namin siya,nakawala pa.Paano na namin malalaman kung nasaan ang aking ama?

Bakit sabay sabay naman ang mga problema?Hindi ako nakikilala ng sarili kong kapatid at gusto niya pa akong patayin.Ngayon ay dinukot ang aming Hari at wala kaming ideya kung nasaan siya ngayon.

"Ahh!Bakit!"Napasigaw ako dahil sa galit.Hindi ko na ito makontrol at parang anumang oras ay sasabog na ito.

"Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito!Bakit sa pamilya ko!"Naramdaman ko ang pagliyab ng aking buong katawan.Ang aking asul na apoy ay nagsimulang bumalot sa akin.

Ang mga dahon sa aking paanan ay nagsisimula ng masunog.At sa bawat sigaw na aking ginagawa ay mas lalong lumalakas ang apoy sa paligid.

"Bakit mo ito hinayaang mangyari Selene!Bakit!Hirap na hirap na ako!Hindi ko na alam ang gagawin ko..."Unti-unti akong napaluhod dahil sa panghihina.

Ang mga luha ko ay natutuyo bago pa ito pumatak sa lupa.Nais kong ilabas lahat ng galit na naipon sa aking dibdib.Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko.Sakit dahil sa nangyari sa amin ng aking minamahal at sa kaalaman na sobrang laki ng galit ng aking kapatid sa akin.Lungkot dahil sa nangyari sa aking ama at ang pagkawalay sa aking kapatid.At galit dahil sa pagtakas ng traydor na si Leandro na dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang pamilya ko.

Unti-unting humina ang apoy sa aking katawan hanggang sa tuluyan na itong mawala dahil sa mga patak ng ulan.Usok ang naging kapalit nito.Napatingala ako at dinama ang lamig ng bawat patak nito.Sa pagdilat ng aking mga mata ay isang lalaki ang aking nasilayan sa aking harapan.Ang aking mga luha ay humalo na sa tubig ulan.Sana ganoon din ang mangyari sa sakit na aking nararamdaman.

"Damon..."Sakit ang naramdaman ko ng sandaling bigkasin ko ang kaniyang ngalan.

"Get up."His cold voice gives shivers on my body.

He helped me to get up by lending his hand for me.At first,I was hesitant to hold his hand.Bibitawan lang din naman niya ako kagaya ng ginawa niya noon.But I don't have a choice I can't stand up by my own.Inis kong kinuha ang kamay niya at ako na mismo ang bumitaw dito pagkatayo ko.

"Stop the rain."In just a blink the rain already stop because of him.

"Anong ginagawa mo dito?"Nakakunot ang noo habang tinatanong siya dahil nagtataka ako kung anong ginagawa niya dito.

"You nearly burned half of the forest.Are you aware of that?"He raise his brow at me and looked around.

"What?"I blink twice trying to understand what he said.I also looked around and my jaw dropped when I saw what I did.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now