Chapter 33

72 8 9
                                    

"Kung ibibigay ko ang nais mo.Makakasiguro ba ako na hindi mo sasaktan ang pamilya at mga kaibigan ko?"

Nakayuko ako habang itinatanong ito sa kaniya.Nag-iisip ako ng plano kung paano ko siya mapapatay kung sakaling hindu siya tumupad sa aming usapan.

"Kung susunod ka lamang sa akin ay wala tayong magiging problema."Narinig ko ang paghikbi ng aking Ina kaya't sa kaniya nabaling ang aking paningin.Patuloy ang pag-iling niya sa akin.

Kung maaari sana ay ako nalang ang mahirapan huwag lamang sila ngunit papaano?Hindi ko nais maging makasarili,ayoko na mapahamak sila ng dahil sa akin.Lubos na ang mga sakripisyo nila sa akin at ang tanging nais ko lamang ay ang kanilang kaligtasan.

"Kung...kung sakaling hindi ko ibigay ang kapangyarihan ko sa iyo.Anong gagawin mo sa kanila?"Nanindig ang aking balahibo ng ngumisi siya sa akin.

Lumingon ito saglit kay Lestat bago tumango.Lumapit ito sa lalaking may hawak ng espada na nakatutok sa aking Ina at saka ito inagaw sa kaniya.Walang pakundangan niyang ginilitan ang leeg ng kawal.Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil sa kaniyang ginawa.Kumabog ang aking dibdib sa isipin na ganoon din ang maari nilang gawin sa pamilya at mga kaibigan ko.

Hindi pa siya nakuntento na ginilitan ang kaawa-awang bampira dahil pinugot din nito ang kaniyang ulo.Tila hindi lang ako ang natakot sa kaniyang ginawa dahil miski ang iba pang nilalang dito ay nagsitahimik.Bakas sa kanilang mukha ang pangamba at takot na maaaring ganoon din ang gawin sa kanila.Matapos makuntento ay saka niya itinutok sa leeg ng aming Ina ang espada na may dugo ng bampirang kaniyang pinaslang.

Tumitig ako sa kaniyang mga mata at sinubukan hanapin ang pag-aalinlangan na paslangin ang aming Ina.Ngunit masyado siyang magaling magtago ng kaniyang emosyon.Ang aking Ama ay sinusubukan makaalpas mula sa pagkakakadena at nais lumapit sa aking Ina sa kabila ng panghihina.Patuloy sa pagluha ang aking Ina habang tinatawag parin na anak si Lestat.Si Zach ay nagniningas na ang mga mata dahil sa galit at anumang oras ay sigurado ako na makakawala ito.

"Huwag mo siyang tawaging anak!Hindi karapat-dapat ang taong iyan sa pagmamahal mo!"Tila hindi naapektuhan si Lestat sa tinuran ng aking kapatid.

"Kung hindi mo ibibigay ang nais ko.Unang mapapaslang ang iyong Ina."Ano ba ang dapat Kong gawin ngayon?Sino ang isasakripisyo ko sa oras na ito.Hindi ko nais biguin ang buwan ngunit buhay ng mga mahal ko sa buhay ang nakasalalay dito.

"Siya ang iyong Ina...pakiusap..."Unti-unti akong lumuhod, nagbabakasakali na ako'y kaniyang pakikinggan.Wala na akong pakialam kung mag-mukha na naman akong tanga.Nais ko lamang ay mabuhay sila.

"Hindi siya ang aking Ina."Parang piniga ang aking puso ng makita ang sakit sa mga mata ng aking Ina.Gaano kasakit para sa isang Ina ang itanggi ng kaniyang sariling anak?

"Anak,bakit hindi mo kami makilala?"Maging ang aking Ama ay hindi na napigilan ang magsalita.

"Manahimik ka!"Isang hataw ng latigo ang natanggap niya at nagsimula na siyang umubo ng dugo.Mas lalo akong nahihirapan sa pagpapasiya.

Kung sila ay makakawala at nasa Hari na ang aking kapangyarihan hindi na nila ito matatalo pa.Wala na kaming pag-asa kung mangyayari iyon.Ngunit ano ang saysay ng aking kapangyarihan kung mawawala sila sa akin?Selene nakikiusap ako sa iyo na ako'y tulungan mo.Nais kong ipakita mo sa aking  kapatid ang nakaraan kung saan nagsimula ang lahat ng kaguluhang ito.

"Isusuko ko na ang kapangyarihan ko!Pakiusap itigil niyo na ito!Parang awa niyo na!"Hindi ko na kayang makita pa silang nahihirapan dahil sa akin.

"Hindi!Zafrina don't do this!"Binigyan ki ng isang malungkot na ngiti si Damien.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now