Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kahapon.All of people bakit siya pa?Masyado na akong napalapit sa bata at ngayon malalaman ko na siya ang tatay nito?
Bakit lagi nalang kaming pinaglalapit Ng tadhana?Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
"Ama!"tumakbo papalapit si Irina sa kaniyang ama.
Les-lestat?
Napakapit ako sa braso ni Damien dahil sa panghihina.Bakit sa lahat ng pwede kong makita ay siya pa?Kung minamalas ka nga naman siya pa ang ama ni Irina.Mapaglaro talaga ang tadhana.Binuhat niya si Irina at masamang tumingin sa akin.Halatang pinipigilan niya ang sarili niyang saktan ako dahil nandito ang anak niya.Kita ko kung paano magningas ang kaniyang mga mata.Ang kaniyang pangil ay handa ng pumatay.
Lumapit si Aurelia sa asawa at humalik sa pisnge nito.Hindi ko alam kung kilala siya ni Damien pero pakiramdam ko ay nakakaramdam din siya ng tensyon.Damien put his hand on my waist and pulled me closer to him.
"Iniligtas nila si Irina mula sa mga nagtangkang dumukot sa kaniya.Napakabait ng mga maharlikang ito Lestat."Nakangiti niyang puri sa amin pero ganoon parin ang reaksyon niya.
"May balak ka bang masama sa pamilya ko?You want to hurt them so you can revenge on me?You want to use them to lure me? Pagkatapos ay papatayin mo ako?"May bahid ng galit ang bawat salitang binibigkas niya.
"Wala akong balak na masama hindi mo ako katulad!At wala akong alam na sila ang pamilya mo.Sa ating dalawa ikaw ang gustong pumatay sa akin!Ilang beses mo ng pinagtangkaan ang buhay ko!Wala akong ginawang masama sa'yo pero pilit mong pinahihirapan ang buhay ko!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil hindi naman tama na pagbintangan niya ako sa bagay na alam namin na mas kaya niyang gawin.Hindi ako masamang tao at hindi ko kayang saktan ang isang inosenteng bata.
"A-ate..."The kid was almost crying.Hindi niya dapat nasasaksihan ang nga ganitong bagay.
"I'm sorry,Irina."I said softly.
"Let's go,Damien.Aurelia maraming salamat,aalis na kami."Pamamaalam ko sa babae at masamang tumingin kay Lestat.
Naglakad na ako papunta sa pintuan at nakasunod sa akin si Damien.At dahil nakaharang si Lestat ay nahinto ako at masamang tumitig sa kaniya na ginantihan niya.Nanlambot ang ekspresyon ko ng makita ulit ang bata.
"Don't show yourself to my family again especially to my daughter."Hindi ko alam kung pagbabanata ba ang sinasabi niya.
Umusog siya ng kaunti para mabigyan kami ng daan.Nang oras na magkapantay kami habang papalabas ako ay biglang nanikip ang dibdib ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.Napakapit ako sa braso ni Damien dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.Mas lalo kong binilisan ang pag-lalakad para akong na suffocate.
Nang makapasok ako sa karwahe ay dun lang ako nakahinga ng maluwag.Pag-upo ko ay hinahabol ko pa ang hininga ko.Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nangyari.Nagsimula na kaming lumayo sa lugar na 'yon.Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko na parang pinupukpok ng paulit-ulit.
"Zaf?Ayos ka lang?"Naramdaman ko ang paglapit ni Damien sa akin.Umiling ako sa kaniya at ininda ang pagsakit ng ulo ko.
Napahiyaw ako ng mas lalo pa itong lumala at parang hindi ko na kinakaya.Parang may pilit na nagbubukas nito ay may hinahanap sa alaala ko.Nagsimula na akong makakita ng iba't ibang senaryo at sa bawat nangyayari na ito ay ang mas lalong pag-sakit ng aking ulo.
"Bitiwan ninyo ako!"
Nakita ko ang isang batang lalaki na batid ko ay ang dinukot na Prinsipe.Nagpupumiglas siya sa mga may hawak sa kaniya.May mga pasa na siya sa kaniyang katawan na batid ko ay dahil sa kaniyang panlalaban.

YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...