Busy ako sa pagbabasa habang naglalakad patungo sa room namin.Alam niyo na baka ako pagdiskitahan ng aming terror na guro.Muntik na akong malitis kahapon 'noh at ayoko matuloy 'yon,jusme.Patuloy ako sa paglalakad ng may mabangga akong pader ng tingnan ko ang walanghiyang pader nagulat ako dahil nakatingin sa akin ang pader ang sama niya tumingin besh!
"Reading books while walking?Are you crazy?"Napalunok nalang ako ng marinig ang nakakatakot na boses niya.I feel like his eyes is hypnotizing me.
"Sorry naman,malay ko ba na may mababangga ako."nakayuko kong sabi, mahihimigan sa boses ko ang takot at ang tuhod ko na parang ano mang oras ay bibigay na.
"Kaya nga!You should never read while walking idiot!You would probably bumped into someone!Tsk."pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya kasama ang isang lalaki na kulay red ang buhok,mukha siyang tandang.Nang makaalis na sila ng tuluyan ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Hooh!Grabe yon,ah!"Nakakatakot naman yung lalaking yon at bakit parang ngayon ko lang sila nakita?Hays,nevermind baka matagal na sila dito ngayon ko lang napansin.
Nang makarating sa room namin iilan palang ang mga estudyante kaya napagpasyahan kong magbasa nalang.Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa si Elena samantalang dati ay nauuna pa siya sakin pumasok.
Nang medyo marami na kami sa classroom ay nagtext sakin si Elena na hindi siya makakapasok dahil nilalagnat siya. Naabutan daw siya ng ulan kahapon kaya siya nagkasakit
nagtext nalang ako na magpagaling siya at ibinalik ba ang cellphone ko sa bag.Maya-maya ay dumating na ang aming guro at may kasama siya and guess what 'yung dalawang asungot ang kasama niya paktay ako nito eh.
"Good morning class!So may bago kayong kaklase."Naghiyawan naman ang mga babae.Syempre,hindi ako kasama 'don.Habang sila ay nagpapapansin ako naman ay todo tago ng mukha sa libro, delikado baka makilala ako nung dalawa.
"Quite class!So please introduce yourselves in front."Tawag ni Ma'am sa dalawang asungot.'Yung tandang este 'yung pula ang buhok todo ngiti at kindat babaero, samantalang 'yung masungit na nakabangga ko na akala mo alam niya lahat ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa,walang kabuhay-buhay ang mukha nito.May itsura naman pala sila 'yung red hair medyo singkit samantalang 'yung masungit eh tama lang pero ang gwapo paden.
Napailing nalang ako sa mga sinasabi ko.I should hate them hello?Pero eto ako at pinupuri sila,hays.
"Hi guys,I'm Jerzy Godric Remintton the most handsome creature in the world!Nice meeting you classmates and please be good to me,thank you."Napairap nalang ako ng kumindat na naman siya na naging dahilan para mag ingay lalo ang mga haliparot.
Natahimik ang klase ng pumuwesto na sa unahan 'yung masungit.Nakakatakot ang aura niya at ang mga mata niya na akala mo hini-hypnotize ka na parang once na tumitig ka sa mga mata niya ay mawawalan ka ng lakas gaya ng naramdaman ko kanina.Nakatitig lang ako sa kanya habang inaabangan kung ano ang sasabihin niya.
"Damon Hudson."Napanganga nalang ako sa pag introduce niya kung ano kinadaldal nung isa ay siya namang kinatahimik nito.His voice... it's so cold,so calm and dangerous.
"Okay,you may take your seat."Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni ma'am.Lumingon ako sa paligid at nakitang sa kanan ko na upuan ni Elena at sa kaliwa ko lang ang bakanteng upuan.Sa dulo kasi kami nakaupo kaya dito din 'yung vacant seats.
Naglakad na 'yung dalawa papunta sa puwesto ko at ang mga abnormal ko namang kaklase sinusundan sila ng tingin parang mga timang lang.
Tiningnan ko ang vacant chairs at tiningnan sa mata yung dalawa nginitian ako nung Jerzy samantalang walang emosyon na nakatingin sa'kin 'yung Damon daw.
YOU ARE READING
The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)
FantasyI'm a mess of a gorgeous chaos,and you can see it in my eyes. I've grown up with lies. I turn my pain into power. I promise to myself that I will be strong and powerful. 'Cause I know when the time comes that I call his name...he won't be there to...