Chapter 6

58 14 0
                                    

Nagising ako sa silid na hindi pamilyar sa akin.Dahan dahan akong bumangon at naramdaman ko nalang ang mainit Na likido na unti unting dumadausdos sa aking pisngi.Bumalik sa alaala ko ang mga naganap kahapon.

Ang duguan at walang buhay na katawan ng aking mga magulang.Ang kahon na ibinigay sa akin ng aking Ina bago siya tuluyang mamaalam.Ang pagdating ng dalawang bampira na hindi ko inaasahan.Ang mga lalaking batid kong siyang dahilan kung bakit wala na ang aking mga magulang.

Hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak ang sakit kasing isipin na wala na ang mga magulang namin.Hindi ko matanggap,ang hirap isipin na kaming dalawa nalang ni kuya ngayon.Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat?Bakit ba sila pinatay?Ano bang kasalanan ng mga magulang ko at ginanito sila.

Kahapon lang masaya pa kami eh.Kung alam ko lang sana na mangyayari ito hindi na ako pumasok.Hindi ko na alam ang nangyari simula ng umalis kami sa bahay.Hindi ko na namalayan na nakatulog  a ako kakaiyak.Ang hirap palang mawalan ng magulang.

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinanap ng aking mata ang ibinigay sa akin ni Mama bago siya mawala.Isang kahon na may nakaukit pangalan ko at kulay ginto.Naalala ko ang sinabi ni Mama,sana daw ay mapatawad ko sila pero bakit?May ginawa ba sila?May itinatago din ba sila sakin?Bakit pakiramdam ko lahat ng taong nakapaligid sakin ay may itinatago sakin?.

Huminga ako ng malalim at muling hinanap ang kahon na ibinigay ni mama.Nakita ko ito sa lamesa sa tabi ng kama ko.Agad ko itong kinuha,sinuri at napansin ko ang isang simbolo na katulad ng kwintas ko.Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni lola.Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko,pakiramdam ko may kung anong gustong kumawala sa akin.Nagulat ako ng bigla nalamang magliwag ang kwintas ko at may isang babae akong nakita.

Napakagandang babae,nakakamangha ang kanyang nagandahan.Mahiwagang kwintas,pero sino ang babaeng ito.Para itong video na inirecord.Hindi ko alam pero parang ang saya ko ng makita ko siya kahit na parang sa screen lang dahil hindi ko alam kung paano nangyari ito.Parang gumaan ang pakiramdam ko lalo na ng ngumiti siya.

Nagsimula ng magsalita ang magandang babae.Hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya.Parang gusto ko siyang yakapin,gusto ko siyang mahawakan pero hindi ko magawa.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Batid kong malaki kana ngayon anak ko.Sana ay maayos ang kalagayan mo sa mundo ng mga tao.Hindi ko man nais mapalayo sa iyo ngunit wala akong magawa dahil sa oras na malaman nilang magkasama tayo papaslangin ka nila.Hindi kita kayang protektahan masyado pa akong mahina."

Hindi ko alam pero parang nadudurog ang puso ko ng makita ko siyang lumuluha.Gusto kong punasahan ang mga luha niya.Nakapagtataka dahil pakiramdam ko sa akin niya sinasabi ang mga bagay na iyon.Pero hindi,hindi siya ang Ina ko wala na ang mama ko kaya bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Anak patawarin mo kami ng iyong ama kung hindi ka namin maprotektahan.Masyadong komplikado ang lahat,hindi namin hahayaang makuha ka nila at patayin hindi ko kakayanin."

Tuluyan ng napahagulgol ang babae,nakaramdam ako ng lungkot habang pinagmamasdan siya.

"Kailangan mong maging ligtas upang makabalik ka sa ating mundo.Ikaw ang itinakda at sa tamang panahon alam kong magkakasama na tayo,mabubuo na ang pamilya natin.Patawarin mo kami sa lahat ng pagkukulang namin sa iyo anak."

Nakarinig ako ng pag-iyak ng isang sanggol at nakita ko may buhat ng sanggol ang babae.Pinagmasdan kong maigi ang napakagandang sanggol.

Napahawak ako sa dibdib ko ng marealize ko na ako yung bata.Nanginginig na iniligay ko ang kamay ko sa aking bibig upang pigilan ang malakas Na paghikbi.Alam kong ako yung batang yon hindi ako pwedeng magkamali.

"Tahan na aking prinsesa nandito na si Ina...tahan na." Pag-aalo niya sa sanggol na bersyon ko.Pilit niya pinapatahan at pinapatulog ang bata.Ilang sandali pa ay mahimbing ng natutulog ang bata.Pansin kong nakangiti lang ang babae habang pinagmamasdan ang bata.

"Napaganda mo Zafrina anak,sayang lamang at hindi ko makikita ang pag-laki mo.Sabik na sabik na akong makita ka sa iyong dalagang bersyon.Batid kong isa kang napakagandang dalaga."

Bigla nalang nawala ang babae,nawala na ang imahe nila mula sa kwintas.Ramdam ko ang pag-tulo ng aking luha dala ng sakit,pangungulila at pagkalito.Hindi ko alam kung sino ba siya sa buhay ko.Alam kong ako ang sanggol na iyon,ramdam ko iyon habang pinagmamasdan sila.Pero paano nangyari ito?May hindi ba ako nalalaman?Anong ibig sabihin ng babae?Sino ba talaga ako?

Hinayaan ko lang tumulo ang mga luha ko.Maya maya ay narinig ko nalang na nagbukas ang pinto ng kwarto.Nakita ko ang kapatid ko agad ko siyang niyakap at napahagulgol na naman ako.Alam kong nasasaktan din siya sa nangyari pero nagpapakatatag siya para sa akin.

Hindi ko muna ipapaalam sa kanila ngayon ang mga nalaman ko.Magulo pa ang lahat,kailangan ko muna malaman kung sino ang pumatay kila mama at papa.Sila man o hindi ang tunay kong magulang mahalaga sila sa akin at masakit sakin na mawala sila.Gusto ko ng malaman ang totoo...

Pinahid ko ang mga luha ko at humiwalay ng yakap sa kapatid ko.Pilit akong ngumiti para ipakita na lumalaban ako.Alam kong hindi magiging masaya sila mama at papa pag nakita nila kaming nagmumukmok.Pero normal lang naman iyon dahil nawalan kami ng magulang.

"Akala ko buong araw ka ng mag-mumukmok dito eh."pilit na ngumiti si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Narealize ko kasi na wala namang mangyayare kung magkukulong ako dito at diba sabi ni Papa no matter what happened be happy'."tumango naman si kuya sa sinabi ko.

"That's right,alam kong masakit itong nangyari sa magulang natin pero hindi makakatulong kung mag-mumukmok tayo."Tama si kuya kahit naman kasi anong gawin namin wala na kaming magagawa.Kailangan naming tanggapin ang lahat.

"Kuya,thank you ah...Kasi kahit alam kong nahihirapan ka na hindi mo padin ako pinababayaan."Napangiti naman si kuya sa sinabi ko.Iyong ngiti na walang halong lungkot.

"Kapatid kita kaya hindi kita pababayaan,ikaw nalang ang meron ako kaya hindi ko hahayaang mawala kadin sakin"Napangiti ako dahil sa sinabi niya.Sana nga kapatid mo talaga ako kuya.

"Tara na sa baba?Naghihintay na sila,kakain na tayo."Nag-nod naman ako kay kuya at sabay na kaming lumabas ng kwarto.

Grabe ang laki ng bahay,Iwonder kanino kaya ito?Sa magulang ni Damon?or Jerzy?Kasi sa pag-kakaalala ko sila ang sumundo sa amin kahapon sa bahay.Nakakapagtaka lang dahil bigla nalang silang nagpakita paano nila nalaman ang nangyari?May kinalaman ba sila?

"Kuya,kaninong bahay ito?"tanong ko kay kuya habang pababa kami sa hagdan.

"Kay Damon ang bahay na 'to,at pansamantala dito muna tayo titira dahil hindi ligtas kung babalik tayo sa bahay."Woah,kay Damon 'to?Ang yaman naman pala niya.Naiintindihan ko kung bakit dito muna kami pansamantala dahil maaaring bumalik ang mga pumatay sa magulang namin at kami naman ang patayin.

Nang makarating sa hapagkainan ay namangha ako sa laki ng lamesa nila pangmayaman talaga.Nakita ko si Damon na prenteng nakaupo sa pinakaunang upuan at sa gilid niya ay si Jerzy na may matamis na ngiti.

"Goodmorning Zaf!"Masiglang bati ni Jerzy sa akin.Ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya.

Pinaupo na ako ni kuya sa tabi niya at naglagay siya ng kanin at ulam sa plato ko.Hindi ko mapigilan mamangha dahil sa kabila ng lahat nagagawa niyang umarte ng normal.

Nagsimula na kaming kumain,naninibago ako dahil nasanay na akong kumain kasama sina Mama at Papa habang masayang nagkukwentuhan.Pero ngayon kasi wala na sila,hindi na namin sila makakasama sa hapag.Hindi ko na masisilayan ang kanilang mga ngiti,hindi ko na maririnig ang kanilang pagtawa at hindi kailanman ay hindi ko na sila makakasama.

Napabuntong hininga nalang ako.Kailangan kong maging malakas,marami pang darating na pagsubok ramdam ko iyon.

"Don't be sad, Zaf."I smiled bitterly.Hindi ko lang maiwasan malungkot.

Malalampasan din namin ito at sa tamang panahon malalaman ko din ang lahat.Sana ay kayanin ko,gabayan niyo po ako Mama at Papa.

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now