Chapter 1

417 32 2
                                    

"Anak lagi kang mag-iingat hindi ka nila pwedeng mahanap kailangan mong maging ligtas."Yan ang laging sinasabi sa akin ng babae sa aking panaginip.Hindi ko siya kilala pero lagi ko siyang napapanaginipan.

Nagtataka lang ako bakit anak ang tawag niya sakin?She's not even my mother though.But she looks familiar I don't know.

Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng maramdamang may kumakalabit sa akin.Nilingon ko siya at nakita na ang kaibigan ko lang pala ito.

"Why?"Nagtatakang tanong ko dito

"Ano kaba kanina kapa tinatawag ni ma'am."Kinabahang sabi nito sa akin.

Napatingin naman ako sa mga classmate ko na mga nakatingin sa akin at dumako ang tingin ko sa aming guro na titig na titig sa akin na parang may ginawa akong krimen.

"Ms.Beckham mukhang malalim ang iniisip mo at hindi mo magawang makinig sa lesson ko."Nakataas na kilay na sabi niya sa akin grabe nakakatakot siya I'm scared uwu.

"Hehe.Sorry po Ma'am."Napakamot nalang ako sa ulo ko at binigyan ng matamis na ngiti si ma'am at inirapan niya lang ako.Psh,suplada.

Matapos ang klase ay iniligpit ko na ang mga gamit ko ng biglang kausapin ako ng best friend ko na si Elena.

"Uyy an'yare na naman sa'yo kanina Zaffy?Tulala ka na naman."Natatawang saad nito sa akin.

Naglalakad na kami ngayon patungo sa canteen dahil lunch break na namin.

"Gaga tatawa kapa muntik na nga ako malitis kanina."Mas lalo siyang natawa dahil sa sinabi ko.Napairap nalang ako. Duh!Totoo naman kasi para akong nililitis kanina ng mga tingin ni ma'am.

"Pero seryoso ano ba iniisip mo kanina?Mukhang ang layo ng narating ng imagination mo kanina eh."Jusko,bakit ko ba naging kaibigan ang baliw nato.

"Mamaya ko na sasabihin kumain muna tayo at nagugutom na ako"Kanina pa nagwawala mga alaga ko.

"Kailan kaba hindi nagutom?"Napailing nalang siya ng ngitian ko siya.Hindi ko naman kasalan na lagi akong gutom 'noh.

Umorder na kami ng aming lunch at naghanap ng puwesto.Nang makahanap ay nagchikahan na kami .

"So ano nga iniisip mo kanina Zaffy?"Napairap nalang ako sa pangalang itinawag niya sa akin .

"Yung babaeng lagi kong napapanaginipan."tamad na sabi ko sa kanya.

"Ahh,okay.Wala akong pake."Tingnan mo 'tong babaeng to magtatanong tapos wala naman palang pake,ay jusme!

Ipinukpok ko sa kanya ang notebook ko dahil sa inis kahit kailan talaga napakabwiset ng babaeng 'to.

"Aray naman Zaffy!"Reklamo niya habang hinihimas ang kanyang ulo."Ang sakit non ahh!

"Abnormal ka kasi."Agad na sabi ko sa kanya.Inirapan niya ako kaya hindi ko napigilan matawa mukha siyang timang pag umiirap.Haha.

"Oy,balita ko may transfer daw na gwapo."Basta talaga gwapo ang usapan hindi nagpapahuli ang isang 'to.

"Oh?Eh ano naman?"tamad na sabi ko.Ano naman kasing pake ko sa bagong estudyante na 'yan diba?

"Kumain ka na nga lang diyan ang daldal mo eh."Ngiwing saad ko at napanguso naman siya.

Panigurado madami na namang mga babae ang magkakandarapa sa transferee na iyon.Lalo na kung gwapo ,mga desperada.

Nang malapit na mag-uwian pansin ko na parang uulan.Hays,wala 'yata akong dalang payong.

Nang mag-uwian na hinintay kong matapos mag-ayos ng kanyang gamit si Elena.Ang bagal kumilos ng babaeng yon baka abutan kami ng malakas na ulan oh!

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now