Chapter 8

56 12 2
                                    

Hindi ko alam kung saan ako napunta dahil ang gusto ko lang ay ang makalayo sa kanila,kahit sandali lang.Nais ko lang mapag-isa,tanging pag-iyak lang ang aking ginawa.

Nanghihinang napaupo ako sa isang malaking bato sa tabi ng isang puno.Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako.I never thought that my brother would do this to me.My family hide my true identity.

All this time I've been living with a lie.

"Bakit naman ganito?"Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.Bakit sabay-sabay naman?

"Kung meron pang problema na dadating,kung masasaktan ulit ako,kung may malalaman na naman ako pwede bang ngayon nalang?Kasi pagod na akong umiyak ng paulit-ulit,pagod na akong masaktan at pagod na ako sa mga rebelasyon na naganap.Pwede bang ngayon na?Para isahang iyak nalang?Isahang sakit nalang?"Hindi na ako nag-abala pa na punasan ang mga luha ko.Wala din namang sense dahil tutulo lang din ito ulit.

"The beautiful lady was crying,how dramatic."Agad akong kinilabutan ng marinig ang boses niya.Napatayo ako at nakita siyang nasa likuran ko lang pala.

I saw him smirking.He's happy seeing me miserable.

"Seems like you already know the truth,dont you?"His eyes,wala kang makikitang kahit anong ekspresyon.Cold stares.

"W-wag kang lalapit!"Nanginginig at nanlalambot ang tuhod ko.Ito na ang panglawang beses na magkita kami at ganon parin ang takot na nararamdaman ko.His power was fire but his aura was so cold.

His gaze makes my whole body shaking.How can someone can be this scary and dangerous with just by his gaze?

"Why are you so scared princess?"Naramdaman ko nalang ang mainit niyang paghinga sa likod ng aking tenga.Agad akong kinilabutan sa kanyang boses.

Naramdaman ko nalang ang unti-unting pagtulo ng isang mainit na likido sa aking pisnge.Napapikit ako ng maramdamang hinalikan niya ang dulo ng aking buhok.Gusto kong lumayo sa kaniya ngunit hindi ko magawang igalaw ang aking mga paa.

"Please...lumayo ka s-sakin..."Nanghihinang pakiusap ko sa kaniya.

Bakit ba kasi kindi ko naisip na maari niya akong matagpuan?Sana ay nagkulong nalang ako sa kwarto at doon naglabas ng aking mga hinanakit.

"Hmm...Ano kaya ang lasa ng iyong dugo mahal na prinsesa?"Ngayon ay nasa harapan ko na siya.Napaatras ako ng marinig ang kanyang sinabi.

Tumawa siya na parang isang demonyo ng makita ang reaksyon ko.Nakakakilabot,nakakapanghina at nakakatakot ang kanyang tawa.Ano bang ginawa kong masama sa kaniya?

May isang bagay akong naalala ng bigla kong maisip ang aking mga magulang.Kahit hindi talaga nila ako anak,kahit hindi ako galing sa kanila pamilya ko parin sila.Sila ang nagbigay ng pagmamahal sa akin.Sila ang siyang gumabay sa akin.Sila ang nagpalaki sa akin at sila ang umalalay sa akin.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.Galit akong tumingin kay Lestat.Hindi kaya siya din ang may kagagawan kung bakit namatay sila?Alam kong masamang magbintang pero siya lang ang kilala ko na pwedeng gumawa non.Anong kasalanan ng magulang ko sa kaniya bakit pati sila nadamay.

"Ikaw ba ang nagpapatay sa magulang ko?"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para magsalita.Napakuyom ang kamao ko ng makita ko siyang ngumisi.

"Ikaw ba?Bakit pati sila dinamay mo! Hindi ba ako naman ang gusto mong mawala?Bakit sila pa?"Umiiyak na sigaw ko sa kaniya na lalong nakapagpangisi sa kaniya.

"Wag mo akong pagbintangan prinsesa,dahil kung papatayin ko man ang magulang mo matagal ko ng ginawa 'yon."Napatigil ako sa kaniyang sinabi.Tama siya,pero hindi imposibleng may kinalaman siya don!

The Girl from the Prophecy(Endelta Series#1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now