Chapter 1 :

41.4K 626 7
                                    

Rain POV

Ito ang unang araw nila ng pasukan sa bagong school na pinapasukan namin ni Cloud,medyo inaantok pa ko kaya wala akong ganag pumasok pero pinipilit akong pumasok ni Cloud. Kaya pumayag na ko kasi nakakairita na ang boses nya.

" Ano ba Rain bilis bilisan mo naman para kanang pagong kong kumilos ha?!! "hindi ko nalang siya pinansin at bumaba na sa kwarto. " Ay salamat at nakababa din akala ko nalagutan kana ng hininga don sa taas."

" Alam mo, ang aga-aga ang ingay-ingay nyang bibig mo nakalunok kaba ng megaphone?! "singhal ko dito.

" Kung hindi kalang kasi batugan hindi ako mag bubunganga sayo ng ganito ka aga! LETSE!! Bilisan mo na dyan"sigaw nito at dumiretso na sa labas medyo late na din kasi kami kaya sa school nalang kami kakain. Ako nga pala si Kryzel Rain Areiza at wala na kung balak pahabain pa ang pagpapakilala ko dahil tinatamad ako. At yung bungangerang yun kanina ay si Zyllian Cloud Valle kasama ko na siya simula nong mga bata pa kami at magkakaibigan na ang mga magulang namin. Kaya medyo nakakasawa na ang bunganga nya.  Joke.  Sanay na ko sa bunganga nyan nakakainis lang talaga minsan.

"Ano ba yan Rain ang bagal bagal mo pramis. Letse! Pag ako nainis sayo iiwanan talaga kita dito"singhal nito.

"Edi iwan mo ko, hindi ko naman sinabing hintayin mo ko. At tyaka alam ko ang daan papunta don noh! Tsk"

"Sige na sige na daming satsat late na tayo nagyayabang ka dyan. LETSE!! " sigaw nito at sumakay na sa motor nya.

"Tsk. Paunahan nalang tayo don"sabi ko at sumakay na din sa motor ko. Pareho kami ng motor ni Cloud iba nga lang ng kulay, gray ang sa kanya at itim ang sa kin.

  Pagdating namin ng school ay naunahan ko si Cloud kaya kunot na ang noo nito nong bumaba siya ng motor niya.

" Sinong mabagal sa atin ngayon? "pang-aasar ko sa kanya .

"Letse! Tara na nga! "asar na sabi nito at nagpasiuna ng maglakad sa kin. Pero hindi pa man nakakalayo si Cloud ay may apat na lalaki na ang humarang sa kanya. At halatang hindi taga dito ang mga taong toh dahil sa suot nitong uniporme.

"Ano ba paraanin nyo nga ko"kalmadong sabi ni Cloud sa mga ito pero hindi siya pinakinggan ng mga ito instead ay pinagtawanan lang soya ng mga ito.

" Aba mga pare mukhang matapang ang isang to ah"sabi nung isang lalaki na mukhang barumbado sa dami ng tatto.

"Edi patulan para lumambot!"sabi nung parang lider nila at sasapakin na sana si Cloud. Pero agad kung hinawakan ang braso nito kaya hindi nito nailapat ang maduduming kamay nito sa mukha ni Cloud. At nung tingnan ko si Cloud di man lang natakot ang loko at nakangisi pa.

"Subukan mo kung ayaw mong paglamayan ka ngayon mismo" banta ko dito. At pabato kung binitawan ang braso nito.

" Matapang ka ah! Subukan natin ngayon ang tapang mo! "sambit nito at akmang susugurin na siya nito pero agad na siyang nasapak ni Cloud. Kaya bumulagta agad ito sa lakas ng sapak na binitawan ni Cloud na kalmadong kalmado lang nakatingin sa mga ito.

" Ano ba yan?! "iritado nitong sabi. " Diba ako lang ang kaaway nyo bakit kayo nagpapasali ng iba, nagtatampo tuloy ako"sabi ni Cloud na may panguso nguso pang nalalaman na mas ikinairita sa mga ito.

" Bakit mo ko sinapak?! "inis na sambit ng lalaking sinapak ni Cloud.

"Hindi naman kita sinapak ah"pa-inosenteng ani ni Cloud." Sampal lang yun. Kaya wag mo ng hintayin na talagang susuntukin kita. Dahil baka mawasak yang mukha mo"ani ni Cloud. Kaya nanggagalaiti na ngayon sa galit ang mga taong to sa galit sa kahambugan nito.

"Anong sabi mo?! Sampal lang?Huh!Yabang mo rin noh"sambit nung kasamahan ng sinapak ni Cloud.

"Humanda kayo!! Hindi ko papalagpasin ang gianawa nyo! "sigaw nito sa galit at tinulungan siyang tumayo ng mga kasama nya.

"Anong kayo? Siya lang kaaway nyo wag nyo kung idamay! "turo ko kang Cloud na pinandilatan lang ako ng mga mata. " At wag nyo nang hintayin na may gawin ako dahil hindi nyo alam kung anong kaya kung gawin. At pagsisihan nyo kung sakaling may gawin ako"

"Ano ba yan?!... First day na first day gulo agad ang ini welcome sa amin. Tsk. Tsk. Tsk"isip ko.

"Cloud tara na. Unang araw palang natin baka ma report agad tayo"kalmado kung sabi at nagsimula ng maglakad. Tumango lang ito bilang sagot at sumunod na sa akin.

Pero hindi pa nga kami nakakalampas sa kanila ay pinigilan na naman nila kami na talaga namang ikinairita ko, lalo na ng bahagya nitong hinila ang buhok ko. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung may humahawak sa buhok, sensitive ako pagdating dun. Kaya hindi konna napigilan ang inis ko at agad na hinawakan ang braso nito at pabalibag kung itinapon ang basurang toh sa sahig at namimilipit na sa sakit dahil sa lakas ng bagsak nya.

"Argh! Bwesit kang babae ka! Argh"angal nito habang nakahawak sa balakang nito.

"Humanda kang babae ka! "sabi nung isa at agad silang sinugod. Susuntukin na sana ako nung isa oang lalaki nang agad ako nakayuko at binigyan siya malakas na suntok sa tiyan kaya agad itong napa ubo at napaatras.

"Tsk. Isng suntok kalang pala eh,tsk"singhal ko dito.

At nung tingnan ko si Cloud ay puro lang ito ilag na tila inaasar niya yung kalaban niya dahil hindi man lang ito matamaan maski isang beses.

" Cloud!Bilisan mo na dyan tapos nako rito. Masyado na tayong late!"sigaw ko dito.

" Okay! "sigaw nito pabalik at binigyan niya ng isang malakas na sipa ito sa tiyan kaya napa ubo ito sa sakit, pero hindi parin natumba kaya ang ginawa nito ay tumalon siya sa ere at sinipa ang mukha nito kaya bumulagta agad ito sa sahig ng parking lot.

"Tsk. Ang hilig magyabang wala namang kayang ipagyabang"ani ni Cloud na nakakunot na ang noo.

"Wag na kayong maghariharian ulit dito kung gusto nyo pang pahabain ang mga buhay nyo"seryoso kung sambit kaya parang mukha silang natakot." Pagnakita ko pa ulit yang mga mukha nyo dito  makakatikim na kayo sa kin at hindi lang ang mga yan ang aabutin nyo"matalim ang mga matang ani ko sa mga ito. At makikita sa mga mata nito ang takot. Pero mukhang hindi natinag ang kanilang lider lideran at bigla itong sumugod sa likuran nito . Pero agad akong nakailag at dinaklop ang braso nito na may hawak na kutsilyo na itatarak nito sana sakin. At pinaikot ang braso nito patalikod kaya namilipit ito sa sakit at kinuha ang kutsilyong hawak nito at itinutok sa leeg nito.

"Argh! "sigaw nito sa sakit. Pero agad na natahimik at nanginig sa takot ng maramdaman nito nang maramdaman nito ang kutsilyo sa leeg nito.

"Wag mo kong subukan. Kaya kung pumatay kung kinakailangan at hindi ako magdadalawang isip itarak to sa lalamunan mo"banta ko diti at diniinan ang kutsilyo sa lalamunan nito. Kaya may dugong lumabas dito at napasigaw nalang ito sa hapdi ng sugat na ginawa ko sa kanya.

"Tama na yan Rain, late na tayo baka mabungangaan tayo don"ani ni Cloud. Kaya tinanggal ko na ang kutsilyo sa lalamunan nito at malakas na itinulak patungo sa mga kasamahan nya.

"Umalis na kayo at ayaw ko na makita ang mga pagmumukha nyo dito"sambit ko"Pero kapag kayo nakita ko magtago na kayo kung ayaw nyong masaktan"matalim kong ani. At agad naman ang mga itong nagsitanguan at kumaripas ng takbo.

"Ano ba yan! Hindi na tayo nakapasok sa unang klase, inuna mo pa kasi yang pagkasiga moh! "sigaw nito sa kin

"E bakita ako anh sinisisi mo dyan, ikaw ang nagsimula nito tinapos ko lang,tsk. Tara na nga."sambit ko at nagpasiuna ng maglakad papasok.

Isang malakas  buntong hinga ang aking pinakawalan." Sana maging maayos ang pananatili namin dito"ani ng isip ko. At nagsimula na ulit maglakad papasok. Bagong lugar, bagong mga tao at bagong buhay. Ano kayang mangyayari samin dito?

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon