Jaze POV
Kinakabahan ako kanina nang dinala ko si Rain sa amusement park. Dahil sa tingin ko kasi hindi magugustuhan ng isang tulad ni Rain ang mga ganitong lugar. Pero nagbasakali parin ako. At nang tingnan ko nga ang mukha ni Rain ay nakahinga ako ng maayos ng makita ko ang ngiting sumilay sa mga labi nito. At habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay kita mo rito ang kislap ng kasiyahan sa kanyang mga mata. At masaya akong nakikita kang masaya at ngumingiti kahit ng kunti. Sapat na yun para sabihing hindi palpak ang first date namin. Hahaha....
Nakatayo parin siya at inililibot ang paningin sa paligid at kahit walang ngiting nakaguhit sa mga labi nito ay kita muna naman ang saya at ngiti sa mga mata nito. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok at bumili kami ng tickets sa kahit ano anong rides na magustuhan namin. Akala ko aangal si Rain ng hawakan ko ang kamay niya pero pinabayaan niya lang ako. Kaya sobra ang saya at ngiti ko dahil nagagawa ko ang mga bagay na ito nang hindi nasasapak o nabubugbog. Mabigat pa naman ang mga kamay nito.
At dahil hinahayaan mo na akong hawakan ka ng ganito masasabi kong unti-unti ay binubuksan mo na rin ang puso mo para sa akin. At tulad nga ng sinabi ko sa aming dalawa ako ang clingy at hinding-hindi ko bibitawan ang kamay na toh. Dahil akin lang ang kamay na toh. Para sa iba delikado at mapanganib ang kamay na toh pero para sakin isa itong bagay na dapat alagaan, mahalin at pag-ingatan..
At sa buong araw namin na paglalaro sa amusement park ay talagang ini-enjoy namin lahat ng mga rides. At sa mga oras na iyon ay ibang Rain ang nakita ko, isang batang Rain na masayahin at makulit na bata ibang-iba sa Rain na unang pagkakakilala ko. Malamig at nakakatakot pero ngayon sobrang liwanag at ang gaan ng presensiya niya. Para siyang batang ngayon lang nakalabas at nakapaglaro at sobrang cute niya kapag nagtutuwa siya sa mga rides. At syempre hindi namin pinalampas ang Horror House, syempre chance ko na toh eh. Hehehe...
Dahil kapag natakot siya sa mga multo sa loob ay siguradong yayakap siya sakin ng pagkahigpit-higpit.
Pero mukhang nagkamali yata ako kasi imbes na siya ang matakot at magsitili sa takot ay ako pa ang parang bakla ang mahigpit ang hawak sa braso niya at napapasigaw sa gulat. Putchaaa naman....baka ma turn-off sakin si Rain kasi napakamatatakutin ko at siya parang wala lang.
Pero hindi yan! Mukha ko pa lang nakaka-turn-on na. Kaya bawi lang. Hehehe
Tsaka okay na din toh kasi nayayakap ko siya ng ganito. Kahit halatang inis na inis na siya sakin ay hinagayaanniya lang akong yakapin siya.
" Ahhhhhh... F*ck! F*ck" sigaw ko at paulit-ulit na mura ko ng msy biglang humawak sa paa ko. Napapadyak-padyak pa ko at halos tumalon na ko kang Rain sa gulat.
F*ck. This is torture.
" Ano ba tumahimik ka nga para kang babae!" inis na sabi ni Rain.
" Babe, I'm scared" nakangusong sambit ko rito at may pa singhot-singhot pa. Na parang naiiyak na ko at talagang kunti nalang maiihi nako sa pantalon ko.
" Ang OA mo, hindi naman totoo ang mga yan!" inis na sikmat nito sakin.
" Babe gwapo kasi ako!" at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
" At pano naman nasali dito ang pagiging gwapo mo?!" taas kilay na sambit nito at hinarap ako na nakayakap sa kanya. Kaya sobrang lapit na ng mga mukha namin.
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya at mataman parin kaming nakatitig sa isa't isa. Sobrang ganda talaga niya lalo na sa ganitong malapitan, ang kulay brown nitong mga mata at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at malalambot na labi na gusto kong matikman.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster and She's Mine
Teen FictionShe's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But dont makes our true self crawl out from our grave. Because its gonna be the death of you.